May galit at sama ng loob si Liezl Sicangco kay Robin Padilla.
Ang hinaing ng ina ng apat na anak ng action superstar, napapabayaan diumano ni Robin ang kanilang ten-year-old kid na si Ali.
(Bukod kay Ali, may tatlong anak na babae ang dalawa—sina Roselle Elizabeth, Kylie Nicole, at Sherileen Zel. Kasalukuyang nakahiwalay ang mga bata sa kanilang ina na nakabase sa Australia.)
Ayon kay Liezl, anim na linggo na raw na hindi nagpapakita si Robin kay Ali kaya lagi raw itong umiiyak kapag nakakausap niya sa telepono.
Ang dahilan: "Si Mariel [Rodriguez]," ang bungad niyang sagot.
Dugtong pa niya, "Siya ang dahilan kung bakit hindi na nagpapakita si Robin kay Ali. Sana, kung hindi na niya maalagaan ang aming mga anak, e, ibalik na lang niya ito sa akin dito sa Australia.
"Actually, wala naman akong pakialam kay Mariel kasi may sarili siyang buhay. Ang concern ko lang naman, e, ang kalagayan ng aming anak, lalo na si Ali dahil napakabata pa niya."
Binanggit din ni Liezl sa writer na ito ang mga bagay na itinuturo umano ni Robin sa kanilang nag-iisang anak na lalaki.
"As of this early, e, tinuturuan na niyang mambabae ang anak ko. 'Tapos, sinasabi pa niya sa bata na dapat, e, magkaroon din ito ng apat na asawa paglaki. Hindi ko gusto 'yon, dahil napakabata pa ni Ali para sa mga bagay na 'yan," ang maramdaming pahayag ni Liezl.
Sa paniniwala ng Islam, na siyang relihiyon ng aktor, sinasabing ang lalaki ay maaaring magpakasal ng ilang beses, pero ang konteksto na nakasaad sa Koran: "Marry women of your choice, two, or three, or four; but if ye fear that ye shall not be able to deal justly [with them], then only one."
Kaya lang naman daw ito pumayag nitong nakaraang taon na dalhin ni Robin anak sa Pilipinas ay dahil sa isang pangako.
"Sabi sa akin noon ni Robin bago sila umalis ng Australia, hindi raw muna siya mag-aasawa agad para maasikaso niya ang mga bata pero iba na ang nangyari ngayon. Paano nga niya maaasikaso ang mga bata, lalo na si Ali, kung nakatutok siya ngayon at gusto na niyang pakasalan si Mariel?" saad ni Liezl.
Nitong nakaraang Sabado sa Entertainment Live, binigyan ni Robin si Mariel ng diamond ring na nagkakahalaga ng 1.2 million pesos. (CLICK HERE to read related story.)
Sa pagpapatuloy ni Liezl, "Umaapela ako kay Robin na sana, e, ibalik na niya ang mga anak ko dito sa Australia dahil siguradong maalagaan ko sila 24/7. Hindi gaya nung nasa Pinas sila na kadalasan, e, pinatitira pa niya ang bata sa kanyang mobile house.
"For me kasi, e, hindi 'yon masyadong healthy para sa mga bata. Sana naman, e, maawa si Robin sa mga bata at sana naman, this time, e, pakinggan niya ako dahil every time na nagkakausap kami, e, para siyang walang naririnig."





She doesn't care who gets hurt form her relationship with Binoe. She is so in love that she does not think or look ahead as to the pros and cons of getting involved in this relationship.
Good luck to them.
!.2 million pesos worth na ring, Di ba kamakailan lang, humihingi siya ng donation para di ipasara yung school niya kuno, dahil sa kakulangan sa pondo. what a hypocrite.