Marian Rivera's wish on her 26th birthday: "Happiness."


 
"Marami ngang nagtatanong kung ano raw ang gusto kong gift, wala na rin akong maisip. Isang card lang na may magandang dedication, tama na sa akin 'yon," says Marian Rivera, who is celebrating her 26th birthday today, August 12.

Marian Rivera's wish on her 26th birthday: "Happiness."

Nora V. Calderon

Rating

GMA-7's reigning queen of primetime, Marian Rivera, turns 26 today, August 12. 

 

Sa taping na ng Endless Love inabutan ng kanyang birthday si Marian. Pero ilang oras bago sumapit ang kanyang kaarawan ay nakausap muna siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa taping nila sa third level ng Trinoma Mall sa North Edsa, Quezon City, kahapon, August 11.

 

Ang eksenang kinunan ay ang dinner kung saan ipinakilala na ni Andrew (Dennis Trillo) sa ina nitong si Mrs. Tantoco (Kuh Ledesma) si Jenny (Marian). Sa Trinoma na rin kinunan ang eksenang bumibili ng wedding ring sina Johnny (Dingdong Dantes) at Yumi (Bela Padilla).

 

HAPPINESS. May birthday wish pa ba si Marian?

 

"Yes, happiness lang po," nakangiting sagot ng aktres. "Hindi na po ako naghahangad pa ng material things. Tama na po ang blessings na patuloy na dumarating sa akin. 

 

"Marami ngang nagtatanong kung ano raw ang gusto kong gift, wala na rin akong maisip. Isang card lang na may magandang dedication, tama na sa akin 'yon. Pero ang Endless Love family ko, may gift sa akin, pero sa amin na lang po 'yon. "

 

Ano naman ang regalo sa kanya ng boyfriend niyang si Dingdong?

 

"Si Dong, ewan ko kung ano ang gift niya sa akin," sabi ni Marian.

 

Natawa siya nang sabihin sa kanyang sa Friday, August 13, pa ibibigay ni Dingdong ang birthday gift nito sa kanya.

 

Paano na ang balak nila ni Dingdong na sa Hong Kong mag-celebrate ng kanilang birthday? Kung si Marian ay ngayon ang birthday, si Dingdong naman turned 30 last August 2.

 

"Oo nga po, sayang hindi kami natuloy," sambit ni Marian. "Pero kailangan kong pumili sa Hong Kong o sa Super Inday and The Magic Bibe. Siyempre, mas pinili ko po ang Super Inday, na entry sa 2010 Metro Manila Film Festival.  Kaya kailangan naming magtuluy-tuloy ng taping ng Endless Love dahil naka-schedule na akong mag-shooting end of this month. Three shooting days agad. Itong Endless Love naman ay hanggang sa October 15 pa."


SPECIAL REQUEST. Bukod dito ay tuluy-tuloy pa rin ang taping ni Marian para sa sitcom na Show Me Da Manny. Nabanggit nga ng aktres na magte-taping sila sa Singapore for two days, August 21 and 22.

 

"Gift po 'yon sa cast ng sitcom," sabi ni Marian. "Naka-one year na kasi kami at laging maganda ang ratings namin. And since puwede akong mag-request ng guest sa show, si Dong po ang ni-request kong guest sa taping namin sa Singapore.  

 

"Saturday and Sunday po 'yon kaya walang masasagasaang taping namin ng Endless Love. Biro ko nga kay Direk Uro dela Cruz, puwede kayang one taping day lang kami doon. Yung isang araw, shopping naman. Ang bait-bait ni Direk Uro, pumayag siya. Yung isang araw daw na taping, dito na lang; at yung isang araw na lang sa Singapore, para makapag-shopping nga kami."

 

MARIAN'S FATHER. Binati na ba siya ng Spaniard father niya na si Francisco Javier Gracia sa kanyang birthday?

 

"Tumawag na nga kanina. Sabi ko, 'Papa, bukas pa ang birthday ko. Tumawag ka na lang ulit.' Akala raw niya, ngayon na ang birthday ko."

 

Tuloy ba ang pagdalaw sa kanya ng Papa niya o siya ang pupunta sa Spain, tulad ng sabi niya sa Party Pilipinas last Sunday, August 8?

 

"Hindi ko lang po alam, pero nag-usap sila ni Dong. Gusto niyang umuwi dito dahil nalaman daw niyang maganda sa Palawan. Kung pupunta siya rito, hindi naman 'yon puwedeng magtagal dahil tatlo-tatlo na ang restaurants niya."

 

"Jolibee" pa rin ba ang pangalan ng restaurant ng Papa niya sa Spain?

 

"Hindi na po, Colony na. Sabi ko kasi sa kanya, palitan niya 'yong dating name ng restaurant niya. Kahit hindi pareho ng spelling, baka masita pa rin siya. Kaya Colony Steakhouse na 'yon, na may Spanish and Italian dishes.

 

"Pero kung hindi nga siya makakauwi rito, ako na lang ulit ang pupunta sa Spain next year."

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
277 Comments
page    1    2    3    4    5    6   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement