Tuloy ba ang pagdalaw sa kanya ng Papa niya o siya ang pupunta sa Spain, tulad ng sabi niya sa Party Pilipinas last Sunday, August 8?
"Hindi ko lang po alam, pero nag-usap sila ni Dong. Gusto niyang umuwi dito dahil nalaman daw niyang maganda sa Palawan. Kung pupunta siya rito, hindi naman 'yon puwedeng magtagal dahil tatlo-tatlo na ang restaurants niya."
"Jolibee" pa rin ba ang pangalan ng restaurant ng Papa niya sa Spain?
"Hindi na po, Colony na. Sabi ko kasi sa kanya, palitan niya 'yong dating name ng restaurant niya. Kahit hindi pareho ng spelling, baka masita pa rin siya. Kaya Colony Steakhouse na 'yon, na may Spanish and Italian dishes.
"Pero kung hindi nga siya makakauwi rito, ako na lang ulit ang pupunta sa Spain next year."
OGIE-REGINE WEDDING. Last Sunday, sa Party Pilipinas, bukod sa special birthday presentation nila ni Dingdong, inabangan ang show dahil sa announcement ni Ogie Alcasid ng pagpapakasal nila ni Regine Velasquez bago matapos ang taon. Ano ang naramdaman nina Marian at Dingdong?
"Masayang-masaya po kami para sa kanila," sabi ni Marian. "Actually, bago pa kami umuwi rito from their concert abroad, na kami ni Dong ang special guests nila, may paramdam na sila. Sabi ni Kuya Ogie, 'O, ha, sa December.' Hindi man niya kami diniretso, parang alam na namin ni Dong kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Mahal po natin ang dalawang 'yan, kaya masaya tayong lahat na, sa wakas, after seven long years, matutupad na rin ang matagal na nilang hinihintay—ang makasal na sila."
Siya ba ay kayang maghintay ng seven years bago magpakasal?
"Hindi po rin natin masabi. Kapag sinabi na ni Lord, 'Anak, sige na,' di go, magpapakasal na ako!" natatawang wika ni Marian.





kailangan pa magmaka-awa sa mga boss para lang bigyan ng project di ba ricky lo? LOL
Nag move on na si karylle, kaya move ka na rin.ganon talaga buhay, di naman lahat ng magbfgf nagkakatuluyan.
I Love DongYan!
I Love DongYan!
pilyang kerubin, ilumina EL the best
soon east of eden, asar talo at SURVIVOR CE.