Dingdong Dantes admits relationship with Marian Rivera is "not perfect"

Rose Garcia
Thursday, August 12, 2010 @ 12:26PM  |  78347 views

 

"Wala namang perfect. Pero ang importante, hindi naaapektuhan ang trabaho. Wala namang perpekto. Hindi naman all the time, sang-ayon ka sa lahat ng circumstances. Maaaring nangyayari talaga yun, pero ang importante, hindi siya nakakaapekto sa trabaho at nagiging maayos din ang lahat," says Dingdong Dantes about his relationship with girlfriend Marian Rivera.

Photo By: Noel Orsal













Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Dingdong Dantes sa anniversary ng Belo Clinic sa Greenhills branch nito noong Tuesday, August 10.

August 2 ang actual 30th birthday ni Dingdong. Ayon sa kanya, nai-celebrate niya ito with a party dahil na rin sa pag-o-organize ng girlfriend niyang si Marian Rivera. Noong August 1, dumalo siya sa pag-alaala ng 1st death anniversary ng dating Pangulong Cory Aquino sa Greenhills.

"Nag-attend ako ng Mass ng death anniversary ni Tita Cory at doon sa Mass na yun, ni-recognize yung tinatawag na 'People Power People.' Nandoon ang mga grupo ng mga organization na tutulong sa administrasyon ni P-Noy [Pres. Aquino]. Isa ang YesPinoy Foundation sa napili, alongside Gawad Kalinga, KIDS Foundation. So, kami yung, parang, like sa Yes, ano siya, sa education. Kung housing, nandiyan ang Gawad Kalinga," lahad ni Dingdong.

Ang Yes Pinoy Foundation ay ang nongovernment organization na itinatag ni Dingdong noong August 21, 2009, para magbigay ng educational scholarships sa mga kabataan. Ang People Power People naman ay isang bagong tatag na movement na naglalayong ibalik ang spirit ng People Power 1 sa Edsa noong 1986.

Ang gobyerno ba ang kumikilala sa mga foundation na tulad ng Yes Pinoy?

"Ang nag-acknowledge sa amin, yung Ninoy-Cory Aquino Foundation," sagot ni Dingdong. "Sila yung parang spearhead kasi ng People Power People na ito. Ang ibig sabihin lang, part ka ng isang movement na naniniwala na yung different private sectors are now implementing ng mga gustong makamit ni P-Noy in his first one hundred days and beyond.

"So, parang ito lang ang sagot ng tao, na hindi lang naman natin siya babantayan, like ibabatikos, or siguro hihintayin na gawin niya ang lahat. Parang it's our way of saying na kailangan din nating gawin ang part natin."

Feeling ni Dingdong, isang magandang regalo sa kanyang kaarawan ang pagkilala sa Yes Pinoy Foundation.

"Wala pa ngang one year siya," sambit niya. "In fact, hindi pa nga namamatay si Tita Cory, binubuo ko na ang foundation at na-register siya noong August 21. So, wala pa siyang one year talaga. At nabigyan siya ng recognition. Para sa akin, isang malaking bagay yun na napasama sa malalaking organisasyon na matagal nang naririyan. So, for me, maganda siya."

MARIAN TAKES CHARGE. Sa mismong araw naman ng birthday ni Dingdong, noong August 2, si Marian ang naghanda ng lahat for his party along with his family.

Kuwento nga ni Dingdong, "Si Marian yung nag-arrange ng caterer, siya yung nag-imbita. Hindi naman siya surprise na wala akong alam, pero hindi na nga lang ako nagpunong-abala. Kasi, kapag tumatanda ka na, ayaw mo nang masyadong mag-abala.

"So, yun lang, inayos niya. Dumating naman ang family ng mga 8 o' clock. Family niya dumating, nag-dinner sa bahay. Tapos, sinalubong na lang namin ang birthday ko na nandoon sila. For me, enough na yun."

Bukod sa birthday party, alam namin na may iba pang birthday gift sa kanya si Marian. Pero ayaw ni Dingdong na sa kanya manggaling kung ano ito. Si Marian na lang daw ang tanungin namin tungkol dito.

Pero ayon sa aktor, "Siguro ang pinakamahalagang gift na ibinigay niya sa akin, hindi naman yung materyal na mapanghahawakan, kung hindi yung pasensiya, na puwede siyang magpuyat kasabay ko at makihalubilo sa napakarami kong bisita. Bilang hindi naman din siya parte ng isang malaking pamilya.

"Kapag may okasyon na ganoon, sanay siya sa konti lang. Pero kami, napakarami namin. At ako pa, napakahilig kong mag-stay hanggang matagal at magse-celebrate ako."

1  2  3  Next »

Related Articles

142 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name