PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carl Guevara respects screen partner Jennica Garcia's lovelife

The hunky young actor is now more relaxed in comedy.
by Rose Garcia
Published Aug 13, 2010
"Yung pagkaka-crush ko naman kay Jennica, more on paghanga talaga. Kasi si Jennica, sa totoo lang, kapag kaeksena ko siya, nadadala ako sa eksena. Ibinibigay niya ang todo," says Carl Guevara about leading lady Jennica Garcia.

Bilang na bilang ni Carl Guevara ang regular shows na nagawa na niya magmula nang lumipat siya from ABS-CBN to GMA-7. Halos kalahating taon pa lang ang nakalilipas mula nang magdesisyon siya to move to Kapuso network last year, pero nakagawa na siya ng limang shows dito: SOP, Dear Friend: My Stalking Heart, The Last Prince, Pilyang Kerubin, at ang bagong sitcom na JejeMom.

At dito nga sa JejeMom ay magpapatawa naman siya.

"Nakaka-tatlong taping days na kami," banggit ni Carl sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong presscon ng JejeMom last week. "Noong unang taping namin, medyo nahiya ako. At saka ano, e, yung mga binibitawan ko kasing linya rito, isang barangay tanod na nagpupumilit na mag-English.

"Si Jennica [Garcia] kasi rito, nagtatrabaho sa call center. So, English siya nang English. Tapos ako, parang Bisaya na barangay tanod. So, minsan, may mga linya na kapag binabasa mo, nakakatawa. Pero parang kapag dineliver mo na, hindi nakakatawa, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Carl, mas relaxed na siya sa comedy ngayon.

"Yung ikatlong taping namin, kuwentuhan na nang kuwentuhan," banggit ng Be Bench winner. "At kapag eksena na, hindi ka puwedeng masapawan nila. Kailangan mong bitawan nang maganda. Kailangan mo talagang tapatan."

Hindi raw "jejemon" ang character niya sa JejeMom dahil si Eugene Domingo lang daw yun. Pero may encounter na siya sa tinatawag na "jejemon" dahil mismong driver daw niya ay ganoon ang style ng pagte-text.

Ang JejeMom ay magsisimula bukas, August 14, sa GMA-7 pagkatapos ng Kaya ng Powers.

JENNICA GARCIA. During the press conference of JejeMom, nagbiro si Jennica Garcia na crush niya raw si Carl. Pero biro naman namin kay Carl, wala kaming narinig na pagsegunda mula sa kanya. Bakit kaya?

"Sa totoo lang, maganda talaga si Jennica at isa sa mga crush ko 'yan," nakangiting sabi naman ni Carl.

Yung hindi ba niya pag-segunda sa sinabi ni Jennica ay dahil sa balitang may boyfriend na ang dalaga in real life, ang young actor na si Alwyn Uytingco?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oo naman, at saka siyempre, sa akin, kapag totoong buhay, respeto yun, e. Respeto ko na yun sa kanila. Kapag trabaho, trabaho lang," paliwanag ni Carl.

Hindi ba mahirap na ang ka-love team niya ay may nababalitang boyfriend in real life?

"Ay, hindi naman," sagot niya. "Kasi, sa akin, trabaho, trabaho. Yung pagkaka-crush ko naman kay Jennica, more on paghanga talaga. Kasi si Jennica, sa totoo lang, kapag kaeksena ko siya, nadadala ako sa eksena. Ibinibigay niya ang todo."

Natawa lang si Carl nang hiritan ng ilang entertainment press na tila nagkakagusto na siya kay Jennica, pero itinatago o pinipigilan lang niya ang kanyang damdamin.

Sabi ni Carl, loveless siya ngayon.

"Wala, talaga, zero. Loveless."

MR. INDEPENDENT. Isa rin sa nagbago kay Carl, kasabay ng paglipat niya ng network, ay ang pagiging independent niya. Mag-isa na kasi siyang naninirahan ngayon sa nakuha niyang condo sa Quezon City.

"Kailan lang ako nag-decide na magsarili. All my life, doon talaga ako umuuwi sa family ko, sa Pasay. Pero yun nga, nag-decide na ako na i-try na maging independent naman. Mas madali dahil halos lahat ng location, more on North," sabi ng model turned actor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano ang mga natutunan niya now that he's living independently?

"Ang dami!" bulalas niya. "Kailangang maging responsible. At saka minsan, yung mga kailangan kong bilhin, like sa bahay, kumpleto. Meron akong kuwarto ro'n, lahat mero'n. Pero ngayon, kailangan kong pagtrabahuhan lahat ng kailangan kong bilhin.

"Kakain ako, minsan ako ang nagluluto para sa sarili ko. At saka, kailangan mo talagang i-budget ang pera. Hindi ko rin naman masasabing masarap. Para lang sa akin, natututo ako."

PUSHING CARL. Isa si Carl sa talagang pinu-push ngayon ng kanyang talent management, ang PPL Entertainment ni Perry Lansigan, na siya ring humahawak sa mga career nina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Geoff Eigenmann, Angelika dela Cruz, at iba pa.

Masaya naman si Carl sa lahat ng nangyayari sa kanyang career ngayon.

"Happy ako, sobrang happy sa lahat ng nangyayari sa career ko," sabi niya. "Sa GMA, dahil sa opportunities na ibinibigay nila sa akin, at sa PPL naman sa pag-aalaga. Actually, sabi ni Perry, ngayong September daw, may show. Pero ayaw naman niyang sabihin. Kasi, ganoon talaga si Perry, hindi niya sasabihin hangga't nandiyan na. Basta ang sabi lang niya, paghandaan ko raw."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Yung pagkaka-crush ko naman kay Jennica, more on paghanga talaga. Kasi si Jennica, sa totoo lang, kapag kaeksena ko siya, nadadala ako sa eksena. Ibinibigay niya ang todo," says Carl Guevara about leading lady Jennica Garcia.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results