Ayon naman kay Lucy, "I'm very happy na at your age, you're very young, namumuno ka na."
Sabi naman ni Kris, "Isang Dingdong Dantes na makakatulong sa ating bayan, magbibigay-inspirasyon sa ating kabataan. Handa siyang magbigay ng selfless service. In any way na kakailanganin mo na tumulong ako sa Yes Pinoy Foundation, o doon sa mga layunin mo na magbigay ng school books and school supplies, maaasahan mo ako doon."
Matatandaang isa si Dingdong sa naging all-out ang campaign at endorsement sa ngayo'y Pangulo na ng Pilipinas na si Noynoy Aquino, kapatid ni Kris.
Masaya si Dong sa kanyang mga narinig sa VTR messages tungkol sa PYF.
"Nagpapasalamat talaga ako sa mga nagsalita sa VTR na yun. Pati yung mga tao behind it, nagsalita. I just guarantee all the supporters na that's not yet everything and marami pa ang kailangang makita diyan," pahayag niya.
Anong mga latest sa Yes Pinoy Foundation?
"Mag-a-announce kami sa August 21," pagbabalita niya. "May binubuo kami. We're fixing something that we will announce. Isa siyang event, wala pang detalye, pero magkakaroon na soon, wala pa ngayon."
Ano ang reaction niya sa message ni Kris na tipong kailangan siya ng bansa para magbigay-inspirasyon sa mga kabataang Pinoy?
"Lahat naman tayo, kailangan, e. Depende na lang kung sino ang tumutugon sa tawag na 'yon. And me, being in the position like this, na puwede naman, hindi naman masakit sa akin na magkawanggawa... In fact, lahat naman tayo puwedeng gawin yun, so, bakit hindi?"
Sa palagay niya, ano ba ang puwede niyang gawin para sa mga kabataang Pinoy?
"Basically, I'm just here to inspire, wala nang iba. Yun lang naman ang role ko, e, to inspire other people to do the same thing. Lahat naman tayo ay kailangang magtulungan. Hindi kailangang puro mga sarili lang natin ang iniisip natin."
Ngayong Pangulo na ng bansa ang "manok" niya sa nakaraang May 2010 elections na si P-Noy, may mga offer o alok na ba sa kanya para sa anumang posisyon sa pamahalaan?
"Wala pa rin talaga ngayon," diretsong sagot ni Dingdong. "Tingnan natin, when the day comes, kung sakali man. But you know, whether or not may posisyon ka man o wala, ito naman ang parati kong sinasabi: we always have to be on our toes to serve itong Presidente na niluklok natin sa puwesto. Saka, talagang kailangang magkaisa na!"
Aminado si Dingdong na hindi niya napanood ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino dahil may trabaho siya, pero napanood naman niya ang ilang footages sa news on TV.
"Ako, nakita ko naman na if this is just one part, marami pa 'yan... Then again, yung panawagan niya sa private sector at sa government, that's where we will participate," sabi niya.






Alam mo ba yang sinasabi mo? Puntahan mo ng personal si DDD para makita mo kung gaano kaguwapo kaya nga bitter na bitter si k, kasi wala na siyang makikita pang mas kay DDD. Ikaw ano ba face value mo? kung meron man!
Bakit magasawa nga naghihiway .... lalo namang may karapatan mag break ang mag syota..... Bakit di mo ba alam na may naghihiwalay at nag be-break sa mundong ito! Saan ka bang planeta at di puwede ang ayawan na! ha ha ha ha ha ha.. praning!
You're nonsense!
If you'll have a chance also to see Marian in person... the more you'll appreciate her.... It's very true that she is what she is... no pretensions, no arte sa katawan, very true person...
DD, you're so blessed indeed. You're a nice person. Nasubaybayan ko ang paglaki mo sa industriyang ginagalawan mo. One thing I like about you is, walang headline about you na ikaw ay isang FAFA.. hahaha and you know what i mean.