PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rocco Nacino not afraid to be paired with Lovi Poe despite her relationship with Ronald Singson

Rocco: "Hindi po ako takot kasi alam ko naman po kung hanggang saan ang limit ko."
by Erwin Santiago
Published Aug 16, 2010
"Getting-to-know-each-other stage. But after Lovebug, I can say we're very close now. Nung taping namin sa Manila, yung libreng oras namin para matulog po, hindi namin ginamit. We were just talking the whole morning until mag-packup," says Rocco Nacino about the status of his relationship with on-screen partner Lovi Poe. (

Despite his busy schedule, young actor Rocco Nacino still makes it a point to spend time with his family and his fans.

Katulad na nga lang kahapon, August 15 (Linggo), nakipag-bonding siya sa kanyang pamilya at fans sa "three-in-one" celebration na ginanap sa Opal Room ng Jade Palace sa Shaw Blvd., Mandaluyong City. Ang unang celebration ay ang 51st birthday ng mommy ni Rocco na si Mrs. Linda Nacino; pangalawa, ang get-together ng fan club niyang "Roccofellas"; at pangatlo, ang outreach program ng pamilya ni Rocco.

Five years nang nagsasagawa ng outreach program ang Nacino family para sa kabataan, sa tulong ng church group nilang Pax Christi. This year ay nakakadalawa na silang outreach programs. The first was in March, in time for Rocco's birthday at victory party na rin para sa pagiging Second Prince niya sa StarStruck V. At kagabi nga ang pangalawa, kung saan 35 scholars from Smart Achievers Christian School of Pasig ang napili nilang bigyan ng school supplies at iba't ibang goodies. (CLICK HERE to see more photos.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kalagitnaan ng activities kagabi ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rocco. Dito na namin siya tinanong tungkol sa mga pinagkakaabalahan niya ngayon, at siyempre pa, ang mga isyung kinasasangkutan niya.

BUSY ROCCO. Dalawa ang regular shows ngayon ni Rocco sa GMA-7—ang musical-variety show na Party Pilipinas every Sunday at ang fantasy-sitcom na Kaya ng Powers every Saturday. Bago matapos ang August ay ipalalabas na ang one-month episode nila ni Lovi Poe sa daytime drama anthology na Lovebug. In between ay may TV guestings din siya sa iba't ibang Kapuso programs.

Kaya ang unang tanong ng PEP kay Rocco: May pahinga pa ba siya sa dami ng kanyang ginagawa?

"Wala!" natatawa niyang sagot.

At upang patunayan na totoo ang sinabi niya ay ikinuwento niya sa amin ang naging schedule niya last week.

"Monday to Wednesday [August 9-11], nag-tape po kami ng Lovebug sa Palawan. I didn't get to enjoy yung mga tourist attractions kasi all work kami. Sa script po kami nakatingin ni Lovi. Magdamagan po 'yon, nag-start kami ng 4 a.m. [Monday], natapos kami ng 6:30 a.m. [Wednesday].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pagbalik ko po [sa Manila], nagpahinga ako saglit tapos pumunta ako sa birthday ni Enzo [last Aug. 11]. The next day [Aug. 12], nag-tape po kami ng Kaya ng Powers, tapos natapos kami ng 4:30 the next day [Aug. 13]. Umuwi ako, naligo, tapos nag-ayos ng gamit... Hindi na ako natulog.

"Tapos, nagpunta ako ng Cavite ng 6 a.m. Nag-tape kami ng Lovebug, pero dito sa Manila na. Tapos, natapos po kami 6:30 a.m., tapos may call time po ako ng 8 a.m. sa Eat Bulaga!. So, gano'n po ulit, umuwi ako, naligo, nagpalit ako ng damit, tapos takbo na ako sa Eat Bulaga! para mag-rehearse for the opening number. After ng Eat Bulaga!, diretso na rehearsals ng Party Pilipinas naman," paglalahad ni Rocco.

Dahil sa dami ng ginagawa niya ay halos wala na raw siyang tulog.

"Paputol-putol po, three hours... Sa biyahe, sa dressing room... Medyo namamaga pa nga mata ko, e. Yung mga konting idlip ko, parang bitin na bitin. So, parang halata po sa mata ko," sabi niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero sa kabila nito ay hindi naman nagrereklamo si Rocco.

"Part of the work. I'd rather be busy than not doing anything at all," sabi niya. (CLICK HERE to view behind-the-scenes photos of Rocco and Lovi's Lovebug episode.)

TIME FOR HIS FAMILY. Ngayong busy na siya sa kanyang showbiz career, how does he make time for his family?

"Time management siguro," sagot ni Rocco. "Sa schedule, magpapaalam po ako sa handler ko na, 'Maybe itong appointment ko na 'to, i-set mo ng one hour later para makapag-dinner muna ako sa family ko.' Kasi yung Saturdays and Sundays ko po, kain na 'yan sa Party Pilipinas. May technical rehearsals pa ako, so umaabot na 'yan ng 1 a.m., 2 a.m.

"Lalo na po kahapon [August 14], birthday talaga ni Mommy. Natapos kami nang maaga sa Party Pilipinas. So, at least, may time ako para makasama silang lahat, nakapag-dinner kami."

Kuwento pa ni Rocco, talagang itinaon ng mommy niya na available siya para magawa nila ang kanilang outreach program.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"As much as possible, if time permits and may enough manpower kami para magawa po 'yan, kahit ilang beses po, gagawin namin," sabi niya.

LOVEBUG WITH LOVI. Naging special guest ni Rocco sa "three-in-one" celebration kagabi ang ka-loveteam niyang si Lovi Poe, kaya nagkaroon ng pagkakataon na makasama ng kanyang pamilya at fans ang young actress-singer.

Nilinaw ni Rocco na magkaibigan lang sila ng leading lady niya sa Lovebug, bagamat aminado siyang mas naging close sila habang nagte-taping ng kanilang episode.

Sa istorya kasi ay ginagampanan ni Rocco ang isang miyembro ng royal Muslim family, samantalang si Lovi naman ay isang journalist na naghahanap ng magandang istorya sa Palawan. Doon magkakakilala ang kanilang characters at doon din sila magkakaibigan.

Biro namin kay Rocco ay kung sa Lovebug lang ba sila na-"fall in love" ng kanyang kapareha.

"We'll never know!" tawa niya. "Sa palabas po, definitely we fell in love."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

What about in real life?

"In real life, we became much closer as friends," nakangiting sagot ni Rocco.

So, magkaibigan lang sila ngayon ni Lovi?

"Getting-to-know-each-other stage. But after Lovebug, I can say we're very close now. Nung taping namin sa Manila, yung libreng oras namin para matulog po, hindi namin ginamit. We were just talking the whole morning until mag-packup.

After this, is there a possibility na ligawan niya si Lovi?

Tumawa muna si Rocco bago sumagot. Aniya, "Sa akin naman, pagdating sa ganyan, that kind of feeling, you can't choose when it comes into your life."

Ang tanong, may time pa ba siya for love sa dami ng ginagawa niya?

"Yun na, yun na," pagsang-ayon naman niya. "That's another thing, that's another factor na I would think about if ever I start to have feelings for my co-star or anyone else. Yun agad ang pumapasok sa isip ko, 'Magkakaroon ba ako ng oras?' Baka naman if I push through with what we have, then we end up just being angry at each other dahil nagkaproblema lang. So, para maiwasan 'yon, okay na, huwag na lang muna."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Okay lang ba sa kanya na wala siyang "inspiration"?

"Siyempre, hinahanap-hanap din. Pero I have to jump back to reality and tell myself, 'Kakayanin mo ba talaga?' There's nothing wrong naman in being in a relationship. In show business, there's nothing wrong naman talaga, e. It's how you handle it kung magiging maganda ang relationship n'yo.

"So, para sa akin, ang perspective ko sa pagkakaroon ng isang relationship while in showbiz is maybe hindrance sa magiging work ko. I'm more focused sa work ko po ngayon, e. Parang balewala po sa akin na wala pong tulog ng isang linggo dahil sa trabaho. Ganun po ako talaga ka-focused.

"Parang pinipili ko po ngayon. If I get a few hours time for myself, I'd rather spend it with my family. Saka tulog po. I will split it with sleep and my family," saad ni Rocco.

LOVI'S PROBLEM. Ilang linggo bago gawin nina Rocco at Lovi ang "Hearts Don't Lie" episode ng Lovebug ay pumutok ang balita tungkol sa pagkakakulong sa Hong Kong ni Ilocos Sur Congressman Ronald Singson dahil sa drug charges. Lumitaw ang pangalan ni Lovi sa balitang ito. Ayon sa ama ni Ronald na si Governor Chavit Singson, "brokenhearted" ang kanyang anak dahil hiniwalayan ito ng "girlfriend" niyang si Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni Lovi tungkol sa pagkakakulong sa sinasabing boyfriend niya. Pero ano ang naging epekto nito sa pagtatrabaho nina Rocco at Lovi?

"Masaya ako for Lovi kasi our stay in Palawan, tsaka yung taping namin dito sa Manila, I have never seen her sad in any of our taping. Although I didn't tell her, I made it a point to be with her all the time para mapasaya siya," sabi ng 23-year-old actor.

Napag-uusapan ba nila yung problema ni Lovi?

"I'd rather not na lang. I'd rather keep the positive side of Lovi," sagot ni Rocco.

Nang kumpirmahin ni Gov. Chavit Singson ang relasyon nina Ronald at Lovi ay nali-link na noon ang dalaga kay Rocco. Alam naman ng marami na publicity lamang ang pagli-link kina Rocco at Lovi para sa promotion ng kanilang tambalan. Pero ang naramdaman ni Rocco nang lumabas ang balita tungkol kina Lovi at Ronald?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Deadma lang po, kasi kakakilala lang po namin noon, e. So, we were just friends lang talaga at that time," sabi niya.

Marami rin ang nag-alala para kay Rocco dahil very influential at mayaman ang pamilya Singson, na baka siya madamay dahil sa pagkaka-link niya kay Lovi.

Pero ayon kay Rocco, "Sa akin naman po, kung may relasyon po talaga sila, I would expect him to be understanding about Lovi's job. Kasi kami ang magka-pair sa Lovebug. Ako, hindi po ako takot kasi alam ko naman po kung hanggang saan ang limit ko. I'm not saying na kinakabahan ako kung anuman ang puwedeng mangyari kasi wala naman akong ginagawa, wala naman akong tinatapakan. So far, wala naman pong problema. So, I guess, maiintindihan niya 'yon."

What about his family? Hindi ba sila nag-alala for him?

"Napag-usapan lang. Pero sabi ko, it's all work, trabaho lang 'yon... Alam ko, based on what Lovi told me about Ronald, mabait na tao si Ronald," sabi ni Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Getting-to-know-each-other stage. But after Lovebug, I can say we're very close now. Nung taping namin sa Manila, yung libreng oras namin para matulog po, hindi namin ginamit. We were just talking the whole morning until mag-packup," says Rocco Nacino about the status of his relationship with on-screen partner Lovi Poe. (
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results