Rocco Nacino not afraid to be paired with Lovi Poe despite her relationship with Ronald Singson

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Monday, August 16, 2010 @ 10:03PM  |  10311 views

 

"Getting-to-know-each-other stage. But after Lovebug, I can say we're very close now. Nung taping namin sa Manila, yung libreng oras namin para matulog po, hindi namin ginamit. We were just talking the whole morning until mag-packup," says Rocco Nacino about the status of his relationship with on-screen partner Lovi Poe. (CLICK HERE to view behind-the-scenes photos of their TV show)

Photo By: Paul Mata













Tumawa muna si Rocco bago sumagot. Aniya, "Sa akin naman, pagdating sa ganyan, that kind of feeling, you can't choose when it comes into your life."

Ang tanong, may time pa ba siya for love sa dami ng ginagawa niya?

"Yun na, yun na," pagsang-ayon naman niya. "That's another thing, that's another factor na I would think about if ever I start to have feelings for my co-star or anyone else. Yun agad ang pumapasok sa isip ko, 'Magkakaroon ba ako ng oras?' Baka naman if I push through with what we have, then we end up just being angry at each other dahil nagkaproblema lang. So, para maiwasan 'yon, okay na, huwag na lang muna."

Okay lang ba sa kanya na wala siyang "inspiration"?

"Siyempre, hinahanap-hanap din. Pero I have to jump back to reality and tell myself, 'Kakayanin mo ba talaga?' There's nothing wrong naman in being in a relationship. In show business, there's nothing wrong naman talaga, e. It's how you handle it kung magiging maganda ang relationship n'yo.

"So, para sa akin, ang perspective ko sa pagkakaroon ng isang relationship while in showbiz is maybe hindrance sa magiging work ko. I'm more focused sa work ko po ngayon, e. Parang balewala po sa akin na wala pong tulog ng isang linggo dahil sa trabaho. Ganun po ako talaga ka-focused.

"Parang pinipili ko po ngayon. If I get a few hours time for myself, I'd rather spend it with my family. Saka tulog po. I will split it with sleep and my family," saad ni Rocco.

LOVI'S PROBLEM. Ilang linggo bago gawin nina Rocco at Lovi ang "Hearts Don't Lie" episode ng Lovebug ay pumutok ang balita tungkol sa pagkakakulong sa Hong Kong ni Ilocos Sur Congressman Ronald Singson dahil sa drug charges. Lumitaw ang pangalan ni Lovi sa balitang ito. Ayon sa ama ni Ronald na si Governor Chavit Singson, "brokenhearted" ang kanyang anak dahil hiniwalayan ito ng "girlfriend" niyang si Lovi.

Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni Lovi tungkol sa pagkakakulong sa sinasabing boyfriend niya. Pero ano ang naging epekto nito sa pagtatrabaho nina Rocco at Lovi?

"Masaya ako for Lovi kasi our stay in Palawan, tsaka yung taping namin dito sa Manila, I have never seen her sad in any of our taping. Although I didn't tell her, I made it a point to be with her all the time para mapasaya siya," sabi ng 23-year-old actor.

Napag-uusapan ba nila yung problema ni Lovi?

"I'd rather not na lang. I'd rather keep the positive side of Lovi," sagot ni Rocco.

Nang kumpirmahin ni Gov. Chavit Singson ang relasyon nina Ronald at Lovi ay nali-link na noon ang dalaga kay Rocco. Alam naman ng marami na publicity lamang ang pagli-link kina Rocco at Lovi para sa promotion ng kanilang tambalan. Pero ang naramdaman ni Rocco nang lumabas ang balita tungkol kina Lovi at Ronald?

"Deadma lang po, kasi kakakilala lang po namin noon, e. So, we were just friends lang talaga at that time," sabi niya.

Marami rin ang nag-alala para kay Rocco dahil very influential at mayaman ang pamilya Singson, na baka siya madamay dahil sa pagkaka-link niya kay Lovi.

« Prev  1  2  3  4  Next »

Related Articles

16 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name