"Very thankful ako na meron akong regular shows like Kaya ng Powers and Party Pilipinas. Nabigyan pa po ako ng big break dito sa Lovebug. Pero siyempre po, gusto ko rin magkaroon ng primetime na pagbibidahan ko, e," says Rocco Nacino.
Rocco Nacino answers malicious rumors linking him to Tim Yap
Tuesday, August 17, 2010
02:19 PM
Rating
Halos isang taon na sa showbiz ang StarStruck V Second Prince na si Rocco Nacino. Pero aminado siya na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay sa mga intriga.
"Nao-overwhelm pa rin ako. Nagre-react pa rin po ako," pag-amin ng young actor sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, August 15, sa Jade Palace sa may Shaw Blvd., Mandaluyong City.
Ang latest nga na intriga kay Rocco ay ang malisyosong pagli-link sa kanila ng kasamahan niya sa Party Pilipinas at eventologist na si Tim Yap. Ayon sa lumabas na report, "Ma Boy" (My Boy) raw ang "term of endearment" ni Tim kay Rocco.
"Yun, nag-react po talaga ako no'n! 'Whaaat?!' Yung mga fans ko nga po, nagre-react din nga po, e," sabi ni Rocco tungkol sa intriga sa kanila ni Tim.
Saan ba ito nagsimula?
"Nag-tweet po ako sa Twitter, sabi ko, 'On my way to Palawan for Lovebug, wish me luck.' Yung mga kaibigan ko po na artista rin, nag-tweet sa akin, sabi, 'Good luck, good luck.' Nagkataon, si Tim Yap, nag-tweet din sa akin. Sabi niya sa akin, 'Good luck. I know you can do it, ma boy.' So, maybe other people took it in a different way, how he said 'ma boy.' But I took it as a friendly comment, so I said, 'Thank you.' Yun lang naman 'yon.
"Pero ganun po talaga, we can't please everybody. Iba-iba talaga ang dating sa ibang tao. So, I don't blame them, let them speak. Hindi naman po kailangang maapektuhan. Kung anuman po yung nasabi, hindi naman totoo, so I don't have to react on that," saad ni Rocco.
Nag-usap ba sila ni Tim tungkol dito?
"No," sagot niya. "'Pag nagkikita kami, kuwentuhan lang. It shouldn't be something na maaapektuhan yung pagkakaibigan namin."
STARSTRUCK BATCHMATES. Among the StarStruck V finalists, walang dudang si Rocco ang pinaka-visible. Bukod sa dalawang regular shows niyang Party Pilipinas at Kaya ng Powers, malapit na ring ipalabas ang "Hearts Don't Lie" episode nila ni Lovi Poe sa Lovebug. Kaliwa't kanan din ang guestings ni Rocco sa iba't ibang programa ng GMA-7.
Naitanong namin kay Rocco kung hindi ba nagseselos sa kanya ang mga kasamahan sa StarStruck V na sina Steven Silva (Ultimate Male Survivor), Sarah Lahbati (Ultimate Female Survivor), Diva Montelaba (First Princess), at Enzo Pineda (First Prince), dahil mas marami siyang exposure kumpara sa kanila. Ang sabi niya ay walang selosan sa kanila at masaya ang mga kasamahan niya para sa kanya.
"They are, they are," sambit ni Rocco. "Actually, napag-usapan pa nga ho 'yan, naisyu pa 'yan sa Unang Hirit, sa 24 [Oras], sa Showbiz Central..."
Dahil mas marami siyang shows at mas madalas siyang makita ay sinasabi tuloy na mas sikat si Rocco kumpara sa kanyang batchmates. Ano ang reaksiyon niya rito?
"Never ko pong naisip, never ko pong naisip," sabi niya. "Yung Lovebug ["Exchange of Hearts" episode] po nina Steven, Sarah, Enzo, Diva, I try to watch it and I give my support to them. Yung first episode nila, I was there, I was with Enzo. Tapos, ibinigay ko run yung opinyon ko. Sabi ko sa kanila, 'Pag akin naman, opinion n'yo naman ang ibigay n'yo sa akin.'
"Tuwing tinatanong sa akin 'yan, yun ang naaalala ko, e. Parang from that experience, yung conversation ko sa apat, walang inggitan, walang selosan. We're still a family. Nagmamahalan pa rin kami. We're happy for each other."
At kung sakali man dumating yung time na mas maraming opportunities na dumating sa kanyang mga kasamahan, magiging masaya rin daw si Rocco para sa kanila.
"Yeah, of course, of course!" bulalas niya. "Si Enzo and Diva, they had Maynila [drama anthology]. Nag-text po ako sa kanila, sabi ko, 'Alam n'yo na, ganito magtrabaho si Direk...' I gave them tips na rin sa experience ko sa Maynila. Nagtutulungan po kami."
STEVEN & NINA. Kinumusta rin ng PEP kay Rocco ang Ultimate Male Survivor sa kanilang batch na si Steven. Kumpara kasi sa kanila ni Enzo ay tila mas konti ang exposure ni Steven.
"He's doing well," sabi naman ni Rocco. "Actually, I asked him kung ano ang nagpapa-busy sa kanya. He has Trailblazers and Party Pilipinas. I make it a point na kapag kinakausap ko po siya, Tagalog po talaga para ma-hone talaga. Today [Aug. 15] ko po siya nakausap nang mas matagal. Mas magaling na po siyang mag-Tagalog. He's getting there.
"Siguro for now, parang hatchling pa lang siya, sisiw pa lang siya. Give him two months siguro, okay na, makakasabay na rin po siya. He has it, e. He has the look, he has the attitude... Magaling siyang kumanta, marunong din siyang umarte. Give him konting panahon po."
- Rocco Nacino on 'exclusively dating' Sheena Halili: "I would like it to be that way. Pero para wala nang ano-ano pa, siya lang ang kinikita ko palagi ngayon."
- Rocco Nacino unleashes his dark side for The Good Daughter ; bags lead role in indie film The Lam-Ang Experiment
- Rocco Nacino on Sheena Halili's reaction to his presence at Kylie Padilla's birthday party: "It's something na she doesn't have to be jealous about."
- Rocco Nacino and Kylie Padilla tandem to be tested in new afternoon soap
- Rocco Nacino gets the chance to work with Judy Ann Santos in My Househusband ; wishes to be part of GMA-7's next epicserye
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Jon Hall on his new romance: "I've had enough drama in my life...I just want a peaceful relationship. Wala nang sigawan or awayan."
- Mikael Daez keeps his shirt on in new series
- For Jennica Garcia, it's career first before love life
- Whitney Houston dead at 48
- Madonna slams M.I.A. for her "teenage" antics at Super Bowl
- Marian Rivera: "Lahat na yata ibinigay na sa akin Lord... In return, ano ang dahilan para malungkot pa ako, magmaldita pa 'ko or ano pa?"
-
Television
AKTV and PBA heighten "Kampihan Na!" campaign for Commissioner's Cup
PBA continues its campaign of asking fans to be more vocal about their support for their favorite basketball teams.
-
Travels
Derek Ramsay and Angelica Panganiban in South Africa!
Angelica singles out this trip for bringing her and Derek closer.
-
Indie
PEP REVIEW: Pintakasi : How art saves
Pintakasi will have February 8 and February 29 screenings in select SM cinemas.
-
Extra Extra
Alice Dixson on working with Marian Rivera: "Magaan siyang katrabaho."
Alice, who is based here for now, and her husband, who is based in Canada, plan to spend Christmas in the U.S. As she puts it, they're separated: "By distance ha, hindi sa puso!"
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
Advertisement

