Ayaw isipin ng radio DJ at TV host na si Mr. Fu na may mga taong gusto silang pag-awayin ng Tweetbiz co-host niyang si Tim Yap kaya may mga isyung lumalabas na diumano'y may tampuhan sila ngayon.
Ito nga ang isyung kaagad nilinaw ni Mr. Fu nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Tweetbiz kahapon, August 16.
"Kasi tinanong ako sa Paparazzi [showbiz talk show ng TV5]. Ang tanong was: 'Lagi n'yong sinasabi ni Tim na okay kayo, pero may mga naririnig kami na hindi talaga kayo okay.' Sabi ko, 'Saan naman nanggaling 'yan? Okay kami ni Tim. Wala kaming problema.'
"And then, si Ruffa [Gutierrez], being one of the hosts, sinabi niya, 'Ano ang ibig sabihin mo ng okay?' Sabi ko, 'Okay kami. Sa trabaho wala kaming problema. Pero of course, aminin ko naman na hindi kami super close. Dahil hindi naman kami nagkakape at hindi kami textmates nang bonggang-bongga. But we are okay sa trabaho namin dito sa Tweetbiz.' Yun ang sinabi ko," paliwanag ni Mr. Fu sa PEP.
RUFFA'S TWEET. May nakarating daw na tweet ni Ruffa kay Tim kaya tinext nito si Mr. Fu.
"Pero may nakarating yata kay Tim na hindi kami friends," sabi ni Mr. Fu. "Yun ang term. Kasi ang parang tweet ni Ruffa, na sinabi ko na hindi kami friends ni Tim, pero okay kami sa trabaho. Parang ganun. Iba yun sa sinabi kong hindi kami super close.
"Yun nga ang ine-explain ko kay Tim sa text. Kasi iba nga ang nakarating sa kanya. At saka hindi naman niya napanood. Well, from the text na natanggap ko kay Tim, ang alam ko, okay na. Pero hindi pa kami nagkakausap nang personal kasi nasa U.S. pa siya. So, hindi ko lang maintindihan kung bakit kami pinaglalaban o pinagsasabong ni Tim."
Hindi raw ito ang unang pagkakataon na may lumabas na intriga sa pagitan nila ni Tim.
"Kasi dati pang isyu yung kay Sam YG [dating co-host nila sa Tweetbiz], may nagtsismis na parang ang nagpatanggal daw kay Sam ay si Tim. May nagtanong tuloy sa aking reporter na, 'Hindi ka ba natatakot, Mr. Fu, na ikaw naman ang isusunod ni Tim na ipatanggal sa show?'
"Sabi ko, 'Unang-una, hindi naman si Tim ang nagpatanggal kay Sam YG. May mga reasons si Sam kaya siya umalis sa show. Second, okay kami ni Tim.' So, akala ko, doon na matatapos yung isyu na 'yan. Nagulat lang ako na parang mas lumala pa yata ngayon," saad ng radio and TV personality.
FRIENDS, BUT NOT SUPER. Hindi maiwasang mabigyan ng kulay ang statement ni Mr. Fu dahil ine-expect ng mga tao na since magkasama sila sa Tweetbiz ay understood na close friends sila. Ano ang reaksiyon niya rito?
"Magkaibigan naman kami ni Tim," paglilinaw niya. "Pero hindi kami super friends, hindi yung super-super close. Kumbaga, hindi kami yung the best of friends. Pero walang tensiyon. Yes, meron akong alam about him, meron siyang alam about me na itinatago namin. Pero hindi kami yung gumigimik na magkasama. At saka I don't think na kapag may problema si Tim, ako yung una niyang lalapitan o ako, ganun din.
"Siguro kung magkaproblema sa show, siya ang isa sa una kong lalapitan kasi it concerns us, di ba? Pero sa personal naming buhay, hindi ganun yung level of friendship namin. We are friends. It's just that hindi ganun katulad sa iba niyang kaibigan, probably like kay Ruffa, close siya kay Ruffa. Kasi ayoko namang maging plastik sa sagot ko."
Nagwo-worry ba siya na maapektuhan ang friendship nila ni Tim pagbalik nito sa Pilipinas dahil sa paglabas ng isyung ito?
"Yun nga, kaya gusto ko siyang makausap. Sana mapanood niya kung saan man para malaman niya kung ano talaga yung sinabi ko. Siyempre, ayokong masira yung friendship namin kasi, for sure, maaapektuhan din yung working relationship namin. Sana magkausap kami nang maayos," asam ni Mr. Fu.
May message pa si Mr. Fu para kay Tim.






jjjohn
August 19, 2010
02:54 AM
Not worth my time to comment. Parehoing walang K
-------------------
ahahahhahha natawa ako sa iyo inday kaya pala nag comment ka
ano kaya yun? im curious..
Ruffa now proves that what she has is purely beauty no more no less. nyehehehe.
tv5 na ang lahat daw ng shows ay may mataas na ratings... pero pansinin ninyo... walang advertisers ang kanilang mga shows... funny isn't it cristy fermin... ang taas ng ratings pero walang sponsors... maliban sa smart na pag-aari rin ng may-ari ng tv5... kakatawa...
Pano dumadami ang mga bading e hindi naman sila nanganganak? wahaha
Kidding aside, Good Luck sa career nina Mr Fu and Tim. Okay naman pareho ang personality nila.