"Natawa lang ako kasi hindi naman talaga kami ni Erich," sabi ni Coco, na nagsabi ring mula nang bumalik si Kris sa bakasyon nito sa U.S. ay hindi pa niya ito nakakausap.
Dagdag pa niya, "Bakit ko naman po kailangan i-deny kung naging kami? Pero wala naman po talaga kaming relasyon."
Baka lang daw na-misinterpret ni Kris ang sinabi niya. Pero talaga raw matagal na silang magkaibigan ni Erich.
May boyfriend ba si Erich?
"Hindi ko po alam," sagot ni Coco.
Pero di ba dapat alam niya kasi close sila?
"Naku, hindi ko po inaalam ang mga ganyang bahagi," nakangiting wika ni Coco.
Bawal ba siyang ma-in love?
"Hindi naman. Ako pa, e, naghahanap nga ako!" sagot niya, sabay halakhak.
Wala naman daw sa contract niya na bawal ma-in love. "Saka kung mayroon man akong nililigawan," patuloy niya, "bakit naman di aaminin? 'Pag mayroon na, sasabihin ko talaga. Sa sobrang busy ko naman kasi, wala na akong time para ma-in love. After namin manggaling sa U.S., diretso na agad ako sa shooting ng movie at sa taping."
Kinumpirma ni Coco na tuloy ang paggawa niya ng pelikula with Kris, pero baka raw sa Disyembre pa ito maipapalabas. Malamang na sa Setyembre raw magsisimula ang shooting nila.






anyway coco ang shaina look cute very opposite sila pero bagay pa rin...parehong magaling umarte
LOL!!!
ritsard
dingdong
walang wala sa actingan compare kay coco