Court grants James Yap visitation rights to son Baby James

Nerisa Almo
Friday, August 20, 2010 @ 09:10PM  |  730 views

"Siguro kung marami man kaming mga differences between the two of us, I don't know, only time will tell kung maaayos pa namin o hindi. Pero bukas ang kalooban ko at bukas ang kalooban ni James na subukan naming maayos ang lahat dahil mahal namin ang anak namin," says Kris Aquino about the agreement that she and James Yap agreed upon this  Friday afternoon, August 20, at the Makati City Regional Trial Court.

 

CLICK HERE for more photos.

Photo By: Paul Mata













Pinagbigyan na Makati City Regional Trial Court ang hiling ni James Yap na magkaroon ng "visitation rights" sa kanyang anak kay Kris Aquino na si Baby James.

Sa ilalim ng sala ni Judge Cristina Javalera-Sulit, muling nagkita ang basketball player at ang actress-TV host para sa unang pagdinig sa petisyon ng "nullity of marriage" na inihain ng huli noong Agosto 9. 

At ang tanging napag-usapan sa pagdinig kanina ay ang apela ni James na makita ang kanyang tatlong taong gulang na anak.  (CLICK HERE to read related article) 

Naunang dumating sa hearing si Kris, 39, na nakasuot ng sleeveless one-piece black dress. Kasama niya ang kanyang mga kapatid na babae—sina Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada, at Viel Aquino-Dee.

Samantala, bahagyang na-late naman si James, 28, na nakasuot ng maong at white polo shirt. Dumating ito kasabay ang kanyang mga abogado.

Kasama rin ni Kris ang mga escort na Presidential Security Guard, na hindi kukulangin sa apat. Ang mga ito ay pumasok sa courtroom, at pumosisyon sa bandang likod. Sa labas, may mixed group ng Makati police, city hall security guards, at ang mga tauhan ng Makati Commercial Estate Association (Macea).

Si James naman ay escorted lamang ng personal na kaibigang si Mike Gayoso, isang character actor at kapatid ng dating Ginebra player na si Jayvee Gayoso.

Tumagal nang halos mahigit tatlong oras ang pagdinig. Sa loob ng tatlong oras na iyon, nagkaroon din ng isang closed-door meeting sina Kris at James kasama si Judge Sulit. Sumunod ay nagkaroon naman ng one-on-one meeting ang hukom, una kay James at pagkatapos ay kay Kris.

Matapos ng tatlong oras, nagkaroon na ng agreement sina Kris at James tungkol sa visitation rights ni James sa kanilang nag-iisang anak.

Paglabas ni Kris, naging matipid siya sa kanyang pahayag:

"It's a compromise agreement na pinasok namin with the interest of our son.  Siguro, that's the only thing I can say right now because the judge admonished us to not share what we spoke of with the judge privately.

"Ang sinabi sa amin dito ng judge, and I think klarong-klaro naman sa aming dalawa, ang utmost priority naming talaga is 'yong well-being ng anak namin. I think that, on my part, I feel naman also, sa part naman ni James, na gagawin namin lahat to ensure that this will be not traumatic for our son. 

"Siguro kung marami man kaming mga differences between the two of us, I don't know, only time will tell kung maayos pa namin o hindi. Pero bukas ang kalooban ko at bukas ang kalooban ni James na subukan naming maayos ang lahat dahil mahal namin ang anak namin. Thank you."

Sa kabilang banda, hindi naman nagpaunlak ng anumang panayam ang two-time Most Valuable Player ng Philippine Basketball Association. 

Ngunit ayon sa kanyang legal counsel na si Atty. Lorna Kapunan, naging cooperative naman ang dalawang panig. "Kasi ang ginawa ng judge, isa-isa sila sa chambers. Walang lawyers! Visitation lang ang issue," sabi pa ni Atty. Kapunan.

1  2  Next »

Related Articles

942 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name