Radio jock Laila Chikadora on transfer to Wow FM!: "Dito, feeling ko, malayang-malaya ako!"

Rommel L. Gonzales
Sunday, August 22, 2010 @ 02:27PM  |  21018 views

 

"Darating talaga sa buhay mo, may mga mag-o-offer. Ayoko ring dumating ako sa punto ng buhay ko na nagkaroon ako ng what if's, what should've been me, na, 'Hindi ko lang kinagat pero dapat ako 'yan'... ayoko ng pagsisisi," says Laila Chikadora who feels she can really spread her wings at her new station.

 

Photo By: Glen P. Sibonga













Hindi lang sa mga artista uso ang lipatan. Maging ang mga DJs ay nangingibang-bakod na rin.

Si Laila Chikadora na unang nakilala sa mga radio programs ng ABS-CBN sa DZMM  ("Laugh Out Loud" sa TeleRadyo at Showbiz Radyo Patrol Balita), bilang DJ sa FM 101.9, at sa late-night TV show na Games UpLate Live, ay nag-ober-da-bakod na sa 103.5 Wow FM! ng The Radio Partners, Inc.

Kahapon, August 20, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang media si Laila sa presscon ng Wow FM! sa Chili's restaurant sa Tomas Morato, at tinanong namin kung bakit siya lumipat.

"Kailangan, e... I was very honest naman in telling them na yung kontrata ko was preventing me to explore, to do a lot of things. Kasi iyon nga, kapag nasa ABS ka, siyempre doon ka lang dapat, hindi ka puwedeng mag-QTV, 7, or cable ng Viva, yung mga ganun. Hindi din ako puwedeng mag-TV5."

Pareho nang tapos ang kontrata niya for DZMM at sa FM station na 101.9, pero nagtrabaho siya sa naturang network till early this August kahit wala nang contract.

DEPRESSED. Paliwanag ni Laila, "Kasi yung contract namin with ABS, ano, tawag dun, parang kahit na wala kang contract, it still follows na sa kanila ka nagtatrabaho kasi you're being heard on air, ganun."

"In fairness naman with DZMM, they gave me a contract for me to sign, kaya lang nung early parts kasi ng year na ito, parang I am not, kumbaga, mentally able, hindi ako, parang... Hindi naman sa not happy, pero ano kasi, e, I underwent a certain kind of sobrang depression talaga."

May kinalaman daw ito sa trabaho, pero, ang sabi ni Laila, "Hindi sa hindi happy. It's just parang siguro hindi ko pa ma-accept na wala akong ginagawa, hyper pa naman ako, di ba?"

Hindi raw siya nakukulangan sa trabaho niya sa radio, mas pa "with TV siguro. Pero yung side naman ng TV they never promised me anything. Siguro nag-assume lang akong masyado. Ha! Ha! Ha!...

"Kasi I was really hoping  na babalik ako sa UpLate [Games UpLate Live], kaya lang yung format niya binago, so siyempre bago na rin ako."

Ang pumalit dito ay ang Music UpLate Live.

"So iyon yung time na yun, parang hindi ko naman talaga pagsisinungalingan na hindi ako na-depress kasi for the past how many years, I've been doing UpLate. Pag wala si Jaymee [Joaquin] noon, ako yung rumerelyebo talaga sa kanya.

"'Tapos ilang buwan ko rin siyang hinawakan, na ako na talaga. I've grown to love the show, talagang mahal ko na siya. Kahit maysakit ako talagang gusto kong pumasok dahil nakasanayan mo na. Mahal mo nga kasi yung programa...

"'Tapos bigla, it was taken away from you, but not actually naman taken away... Kasi sabi naman nila babalik. Pero pagbalik, iba na pala so, siyempre, in a way medyo na-depress din ako nun. Pero with radio, wala silang pagkukulang sa akin."

BLOG EXPLAINS ALL. Kung siya lang daw, sa TV lang ng ABS-CBN  siya aalis at hindi pati sa radyo nito, kaso "you have to let go ang FM and AM kasi dun galing yung kontrata na hindi ka puwedeng magtrabaho sa ibang networks, hindi ka puwedeng rumaket sa ibang cable subsidiaries unless subsidiary siya ng ABS. 'Tsaka kailangan talaga i-let go ko siya, masakit man."

1  2  Next »

Related Articles

36 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name