Anne Curtis says feelings for ex-flame Sam Milby will forever be there


 
"Sobra yung pagmamahal ko kay Sam.  Even until now, it's not the same in love na hayyyy... Grabe 'ko, yung love ko sa tao, forever na yun. Iba yung love ko kay Sam. Five years, hindi mo matatanggal 'yan.  It's not that I'm in love with Sam, nandoon lang siya," says Anne Curtis, whose next film In Your Eyes features another ex-boyfriend, Richard Gutierrez.
 

Anne Curtis says feelings for ex-flame Sam Milby will forever be there

Rey Pumaloy

Rating

Habang pa-daring nang pa-daring ang mga roles na ginagampanan ni Anne Curtis, nananatili namang matatag ang desisyon ng aktres na huwag mag-pose sa mga men's magazine tulad ng FHM at Maxim.

 

Bagamat nakapag-pose na siya sa UNO at Rouge magazines, nagdesisyon si Anne na huwag mag-pose nang sexy sa dalawang unang nabanggit dahil sa ang content daw ng mga ito ay nakaka-trigger ng sexual thoughts sa kalalakihan.

 

Pero hindi nangangahulugang hindi na papayag si Anne na mag-pose nang sexy sa mga pictorials at kahit nudity pa sa mga pintor.

 

"If it's by a known artist, photography, pag buntis ako, Demi Moore, di ba, gusto ko.  Once in my life gusto ko at least I have one pictorial na super sexy, kasi para masabi kong back in the day na ganyan ang katawan ko. But not for FHM or Maxim," pahayag niya.

 

MYSTERY PROJECT. Excited si Anne sa isa niyang project na lalabas next year na ayaw niya munang ibunyag pero may kinalaman sa sinasabi niyang sexy pictorial.

 

"May isa nang lumapit and I'm willing to do it," pagbabalita niya. Malapit na raw niya itong simulan.

 

Sinubukan naming hulaan kung ito ba ay pang-magazine, movie, endorsements. Lahat ay itinanggi ni Anne.

 

"Iibahin ko yung tema nila. Kasi they're so used to having a certain kind of tone.  I got my whole theme together.  Gagawa kami ng pictorial na magmumukhang pang-exhibit pero sexy," pagbibigay-detalye ni Anne.

 

Iniiwasan ni Anne na pangalanan ang project dahil baka raw magalit sa kanya ang kanyang manager at biglang umurong sa deal ang mga kausap. Diin lang ni Anne, hindi siya magnu-nude sa pictorial.

 

"Hindi yata puwede yun, hindi papayagan ng AD Board yun, e," sabi niya.

 

"Basta, sabi ko lahat ng shot kailangang tastefully done and kailangan pang-exhibit, ilalaban na pang-exhibit... Kasi ilang taon na ako? Twenty-five.  I want this na parang yung bawat theme na yun puwede kong i-display sa bahay ko na proud ako.  'Katawan ko 'yan, this was once my body.' Malay natin, two to three years mag-baby na ako, di ba? Sana. Oo naman, naiisip ko na 'yan. Maghahanap muna ako ng asawa ko," inamin niya.

 

DATING ERWAN. Sabi-sabing si Erwan Heusaff, isang French-Filipino, na raw ang makakatuluyan ni Anne pero may balitang nag-break na sila, bagay na itinanggi naman ni Anne.

 

"Alam n'yo, this is why I don't wanna talk about him dahil ang daming nagtu-tweet sa kanya. 'Hey, I heard you no longer dating Anne Curtis.' Na-bother siya, 'What's happening?' Sabi ko, 'No, this will happen many times as long as we're dating.  You'll get used to it, don't worry about it.' Sabi niya, 'Okey! I'm confused.' So, ayoko na rin siyang pag-usapan para hindi na rin siya madamay sa mga kaguluhan sa showbiz," kuwento ni Anne.

 

Itinanggi ni Anne na may sinabi siya sa isang interview na wala siyang lovelife.

 

"Wala akong sinabing gano'n. Ang sabi ko, 'I'm very happy... dating, and we're seeing each other.'  Huwag naman tayong gano'n na may lalim nang sinasabi.  Baka ma-tweet na naman yun sa kanya," nakangiting sinabi ng aktres.

 

Inamin niyang last year pa sila nagde-date ni Erwan, at isa ito sa mga nagpalakas ng loob niya noong aksidenteng lumabas ang kanyang dibdib sa summer episode ng ASAP XV sa Boracay last March.

 

Nag-alala si Anne na baka ma-misinterpret siya ng mga kaibigan sa press kaya ayaw niyang pag-usapan si Erwan.  Ang rason lang raw niya ay gusto rin niyang protektahan ang rumored boyfriend.

 

"I have respect for his family and respect din sa kanya.  Parang hindi naman niya kailangang pag-usapan pa," eksplika nito.

 

LOVELIFE OUT OF THE SPOTLIGHT. Mukhang walang showbiz ambition si Erwan dahil hindi raw nito nakayanan ang modeling.

 

"Sabi niya, 'I'm never doing it again... but I  have so much respect for your industry,  the long hours that you wait.'  Sabi niya, 'I don't think I can.' Kasi yung job [niya] is already nine to six.  He works for his father's company... huwag na nating pag-usapan kung ano yung company nila.  Pag na-interview ninyo si Solenn, siya na lang ang interbyuhin ninyo," ang sabi ni Anne na ang tinutukoy ay ang babaeng kapatid ni Erwan na kasama sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown.

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  3  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
38 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement