Anne Curtis says feelings for ex-flame Sam Milby will forever be there

Rey Pumaloy
Sunday, August 22, 2010 @ 07:55PM  |  31891 views

 

"Sobra yung pagmamahal ko kay Sam.  Even until now, it's not the same in love na hayyyy... Grabe 'ko, yung love ko sa tao, forever na yun. Iba yung love ko kay Sam. Five years, hindi mo matatanggal 'yan.  It's not that I'm in love with Sam, nandoon lang siya," says Anne Curtis, whose next film In Your Eyes features another ex-boyfriend, Richard Gutierrez.

 

Photo By: Noel Orsal













"Sam and I had gone to the extent of naming—" biglang putol ni Anne bago masabi ang napiling pangalan para sa magiging anak sana nila.

UNDYING LOVE. Hindi kumbinsido si Anne na ayaw tanggapin ni Sam ang nababalitang anak nito sa sister ni Uma Khouny. Magka-batch sina Sam at Uma sa Pinoy Big Brother Season 1. 

"I know Sam more than anything.  Kung totoo man na anak niya yun, I'm sure he'll consider that as a blessing," sabi ni Anne.

"Pero as long as walang proof na anak niya, siyempre, di ba?  Kahit ako naman, I want to have proof, DNA test or whatever.  Kahit na accident lang yun. 'Saka yung sister yata ang may ayaw, di ba? To talk about it... Ayoko na, baka mag-away kami ni Uma!! Hahahahaha!  Nakasama ko pa si Uma, e. 

"Well, kung sinasabing hindi nagbibigay ng sustento.  Ang point ko, bakit kailangang bigyan ng sustento kung wala pang proof.  The easiest way is to get a DNA test.  E, bakit ayaw nilang mag-DNA test.  Napanood ko yung interview niya sa Paparazzi. Sabi niya, 'Ayoko na, ayoko nang pag-usapan.' Gusto kong makita kung ano ang sasabihin niya [Uma]." 

Biglang naiba ang tema ng pag-uusap. "Sobra yung pagmamahal ko kay Sam," patuloy ni Anne. "Even until now, it's not the same in love na hayyyy... Grabe 'ko, yung love ko sa tao, forever na yun.  Iba yung love ko kay Sam, five years. Hindi mo matatanggal 'yan.  It's not that I'm in love with Sam, nandoon lang siya.  'Saka nakilala naman ako ni Erwan na may gano'n na."

Hindi raw pinagseselosan ni Erwan si Sam. Sa katunayan nagkakilala na raw ang dalawa.

Inamin rin ni Anne na ang lahat ng mga ibinigay sa kanya ng nasabing ex-boyfriend ay hindi niya isinoli.  Gayundin ang actor-singer sa mga ibinigay ni Anne sa kanya.

"Sam and I don't believe in that. Kasi that's something you both shared, e.  For me, mas masakit yun na parang, 'Ibinigay ko ito sa iyo, e, ibabalik mo?'  Like Sam still uses the bag that I gave him. I still use the Chanel bag that he gave me, alam mo yun. 

"Of course, there are some things na kailangan mo na ring itago, yung mga letters.  In order to help you move on... Kasi pag babasahin mo nang babasahin, nag-i-stir up yun ng emotions, e. Yung iPad, gamit-gamit ko pa rin," pag-amin niya.

GOING UP AGAINST NOONTIME GIANT. Samantala, mag-iisang linggo na mula nang itapat ang programa niyang Showtime sa consistent top-rating noontime show na Eat Bulaga!

Hindi naman idini-deny ni Anne na may kaba pa rin sa dibdib nila ng mga katrabaho niya ang pagtatapat ng show sa itinuturing na pader ng noontime viewing.

"Kumbaga, hindi namin teritoryo yun, e.  So, we're very nervous but at the same time we're happy to  take on the challenge na ibinigay sa amin ng management. Wala namang pagbabago dahil kung ano yung ginagawa namin ng 10:30 a.m.,  yun pa rin naman ang ginagawa namin ng 11:45.  Mas lumawak lang yung audience namin.

"Kasi before, ang market namin college students.  Yun ang mga nagpupunta.  Ngayon, kahit lunch break napapanood na nila.  Yung iba nagti-Twitter sa akin, ginagamit nila yung MyPhone, nanonood raw sa klase.  Now, they can watch kasi lunch break for everyone."

« Prev  1  2  3  

Related Articles

38 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name