The actor, who already has one annulled marriage behind him, said, "Lagi ko rin navi-visualize na eventually magkakaroon din ako ng sarili kong pamilya. Oo naman. Kaya nga motivated tayo na magtrabaho dahil gusto mong bumuo ang sarili mong pamilya."
Diether Ocampo remains upbeat despite recent breakup with model Rima Ostwani
Sunday, August 22, 2010
08:02 PM
Rating
"Hindi pa ako handa sa panibagong commitment," ito ang sinabi ni Diether Ocampo nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sa presscon ng Sa 'Yo Lamang ng Star Cinema, na ginanap sa Dolphy Theater kamakailan.
Two weeks ago ay kinonfirm na ng dating girlfriend niyang si Rima Ostwani na naghiwalay sila, kaya kinumusta namin ang lagay ng aktor.
"Okey naman... Parang fate 'yan, e, kailangan mo talagang daanan. And what's good about it, we learned... Para sa susunod, ma-play mo na siya, di ba?" sabi ni Diether.
"DAPAT MAG-USAP." May mga nangyari bang pagkukulang kaya natapos agad ang relasyon nila?
"Wala, ano 'yan, e, kumbaga, lahat tayo may mga bagong challenges na hinaharap, e, and siyempre may mga bagay na hindi madali, di ba? Kaya dapat mag-usap. Maganda kasi napag-uusapan, e. Ang communication dapat ay very open. Kaya maganda na nagkakaintindihan kayo, kasi masakit kapag hindi, e. Kaya, mas maganda na mapag-usapan n'yo nang maayos para pareho kayong makapag-move forward," eksplika ng aktor.
After magsalita ni Rima sa The Buzz noong August 8, nagkausap na ba sila uli ng girlfriend of almost two years?
"Hindi, e. Nakapag-usap naman kami nang maayos bago pa lumabas yung wala na kami... Kaya maliwanag sa amin pareho yun at nagkakaintindihan kami."
Wala na bang way to save the relationship?
"Ah, kasi, ako naman hindi ko pinangungunahan ang puwedeng mangyari. Palagi akong nagdarasal na sana kung ano yung ipahihintulot ng Diyos, naka-ready naman ako roon. Kaya sa pagkakataong ito, inaano ko muna yung trabaho muna, dahil parang ngayon lang ako nakakabawi sa inyo, dahil matagal na panahon na hindi ako gumagawa ng pelikula. Utang ko rin sa inyo na mayroon din akong mai-contribute na magagandang pelikula na mapasaya ko ang mga tao."
Hindi ba niya nami-miss si Rima?
Nagpakawala muna ng malulutong na tawa ang actor bago sumagot. "Well, siyempre... Hindi naman ganoon kadali na parang kakalimutan mo na agad ang lahat. Parte na ng buhay mo na yun, e, parte na ng malaking bahagi ng buhay mo."
May sinabi siya noon na minsan lang siya magpapakasal. Totoo ba ito o posibleng magpakasal pa rin siya uli? Matatandaang nagpakasal sina Diether Ocampo at Kristine Hermosa noong 2004, pero nagtagal lamang ito ng one year and one month bago nag-file for annulment si Kristine.
"Actually, ayaw ko nang magbigay ng salita. Tao rin lang, tulad ng sinabi ko, hindi natin inaasahan, di ba? Maganda na mayroon kang nilu-look forward na ganoong eksena, lagi ko rin navi-visualize na eventually magkakaroon din ako ng sarili kong pamilya. Oo naman, kaya nga motivated tayo na magtrabaho dahil gusto mong bumuo ng sarili mong pamilya."
WEBSITE FOR THE PHILIPPINES. May mga blind items ngayon na parang siya ang tinutukoy na nakikipag-date na naman daw?
"Siyempre hindi mo maiiwasan na may makakausap kang ibang tao, hindi mo naman malilimit yung sarili mo," bungad na sagot niya. "Responsibilidad ko bilang may dinevelop kaming project, na para sa mga kababayan natin. Ito yung loqal.ph, parang isang venue sa website.
"Example, sa Novaliches, may mga establishment na, let's say restaurant na masasabi mong maipagmamalaki mo kung taga-Novaliches ka. With this loqal, puwede nilang i-upload lahat ng information sa establishment, whether services, produkto o kahit mga tao na gusto natin ipakilala. Ito yung venue, na gusto nating mabigyan sila ng opportunity na ma-discover yung mga ibang lugar o mga puwede nating ibahagi sa ibang kababayan natin.
"Ang laki kasi ng Pilipinas, ang daming magagandang lugar, at the same time serbisyo, na hindi natin alam. With this loqal na website, nabigyan ng pagkakataon yung ordinaryong tao para makilala ang galing o skills, at kung merong ipinagmamalaki tayong kapitbahay na hindi kilala, ito yung venue for that," paliwanag niya.
PRESTIGE PROJECT. Sa Sa 'Yo Lamang na mapapanood na sa September 1, katambal ni Diether si Bea Alonzo. "Mayroon kaming plot sa story namin kung ano yung pinagdaanan ng relationship namin, saan nagkamali, kung ano yung dapat naming buuin muli."
Sabi pa ni Diether, "Ang makikita mo rito, yung mature na Bea. Iba na yung pinagdaraanan niya sa buhay. Kumbaga, mas malaki na yung responsibility niya at makikita mo yung lalim."
Tampok din sa pelikula sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Coco Martin, Zanjoe Marudo, at marami pang iba.
- Diether Ocampo denies Alta is shelved; says he still wants to be friends with Kris Aquino
- Diether Ocampo: How his career changed over the years and how his foundation gives back to society
- Diether Ocampo on unending question about his lovelife: "I'm taking my time. I'm not in a rush."
- Diether Ocampo says Kris Aquino's birthday gift for him could be a school building in Bacoor, Cavite
- Diether Ocampo on Kris Aquino: "Wala naman kaming itinatago. Kami, lantaran namang alam ng mga tao na magkaibigan kaming matalik."
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Marian Rivera on working with Dingdong Dantes: "Mas tumindi kung ano man meron kami ni Dong. Hindi lang as partners...pati friendship namin."
- Comedienne Mosang says she lost P105,000 in a scam
- JC Tiuseco denies rumors he's courting Sarah Lahbati
- Alex Gonzaga hosts new game show with Chris Tiu
- Saab Magalona enjoys playing a villainess in new series
- Liz Uy keeps mum about rumored romance with Ely Buendia; refuses to comment on PNoy-Grace Lee hookup
-
Music
The MYX Music Awards will take place on March 13 at the Music Museum with a '70s-OPM-themed event.
-
Hobbies
Marian Rivera hopes to take culinary classes while working on My Beloved
She prefers to take a full-time school program over a quick crash course.
-
Indie
PEP REVIEW: Pintakasi : How art saves
Pintakasi will have February 8 and February 29 screenings in select SM cinemas.
-
Couples
Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
Alice talks about the difficulties they encountered as married couple.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
Advertisement

