"Example, sa Novaliches, may mga establishment na, let's say restaurant na masasabi mong maipagmamalaki mo kung taga-Novaliches ka. With this loqal, puwede nilang i-upload lahat ng information sa establishment, whether services, produkto o kahit mga tao na gusto natin ipakilala. Ito yung venue, na gusto nating mabigyan sila ng opportunity na ma-discover yung mga ibang lugar o mga puwede nating ibahagi sa ibang kababayan natin.
"Ang laki kasi ng Pilipinas, ang daming magagandang lugar, at the same time serbisyo, na hindi natin alam. With this loqal na website, nabigyan ng pagkakataon yung ordinaryong tao para makilala ang galing o skills, at kung merong ipinagmamalaki tayong kapitbahay na hindi kilala, ito yung venue for that," paliwanag niya.
PRESTIGE PROJECT. Sa Sa 'Yo Lamang na mapapanood na sa September 1, katambal ni Diether si Bea Alonzo. "Mayroon kaming plot sa story namin kung ano yung pinagdaanan ng relationship namin, saan nagkamali, kung ano yung dapat naming buuin muli."
Sabi pa ni Diether, "Ang makikita mo rito, yung mature na Bea. Iba na yung pinagdaraanan niya sa buhay. Kumbaga, mas malaki na yung responsibility niya at makikita mo yung lalim."
Tampok din sa pelikula sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Coco Martin, Zanjoe Marudo, at marami pang iba.
"Iyong mga hinahangaan mong actor dito, different generations, napagsama-sama rito sa malaking proyektong ito."
Hindi lang sa casting excited si Diether. For the first time ay makakatrabaho niya si Laurice Guillen bilang direktor. "So, alam n'yo naman, every time na gumawa ng pelikula si Direk Laurice, malaki at maganda talaga. Dapat talagang makita ito ng mga tao, at regalo na ito ng Star Cinema sa mga tao dahil sa kanilang anniversary."
Isang karangalan daw para sa kanya na makasama sa pelikulang ito. "Bihira ka lang makakatiyempo ng ganitong klase ng proyekto," saad niya.





Ikaw na sana ipalit kay robin sa pilipinas wnw!!! Si Mariel naman dapat na rin palitan ni Kim or Angelica!!!!
nubayan!!!
tama siya!!!
di siya malaking kawalan!!!
andming qualified girls jan na hindi famewhore. maghanap ka ng professional na tahimik ang personality. mas maganda yan ipair sayo.