PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang hurt by Willie Revillame's desire to get rid of her on Wowowee

The comedienne says that her mother gets affected by the negative issues about her.
by Kate Borbon
Published Aug 23, 2010
"Ako, yung totoo lang, wala akong ano kay Kuya [Willie Revillame]. Hindi po totoo na wala akong utang na loob, na ingrata ako. Marunong po akong tumanaw ng utang na loob. Kaya lang, kasi magsalita ako't hindi, isa lang ang magiging husga sa akin ng mga malapit sa kanya talaga," says Pokwang.

Aminado ang komedyana at TV host na si Pokwang na nagulat at nasaktan siya nang mabalitaan niya ang tungkol sa kagustuhan daw ni Willie Revillame na matanggal siya at si Mariel Rodriguez sa dating noontime show ng ABS-CBN na Wowowee.

Ayon kasi sa interview ng ABS-CBN news kay Ms. Linggit Tan, senior vice president for entertainment TV ng Kapamilya network, ito raw ang isa sa demands ni Willie kung sakaling natuloy ang pagbalik nito sa Wowowee noong July 31. Gusto raw ng TV host na mawala na sa show sina Pokwang at Mariel sa gagawin nilang pagre-reformat. (CLICK HERE to read related story.)

Kahapon, August 22, sa live interview sa kanya ni Charlene Gonzalez sa The Buzz ay nag-react na si Pokwang sa naturang isyu. Hindi nga naiwasang maging emosyonal ni Pokwang sa interview na ito.

"Siyempre po nagulat ako. Kasi bilang ginagawa lang naman po namin yung trabaho. At saka sa dami po ng mas maliliit pa ang suweldo sa amin sa Wowowee, mas kailangan po nila ng trabaho talaga," malungkot na sabi ni Pokwang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tatlong taon nilang magkasama ni Willie sa Wowowee, bakit umabot sa ganito ang sitwasyon?

"Siguro dahil na rin po sa mga nasa paligid niya, pilit na pinaglalayo yung landas namin," sagot ng komedyana. "Ako, yung totoo lang, wala akong ano kay Kuya. Hindi po totoo na wala akong utang na loob, na ingrata ako. Marunong po akong tumanaw ng utang na loob. Kaya lang, kasi magsalita ako't hindi, isa lang ang magiging husga sa akin ng mga malapit sa kanya talaga.

"Pero nagpapasalamat po talaga ako sa lahat, lalung-lalo po sa ABS-CBN management. Salamat po at hindi n'yo kami pinabayaan. Dahil alam n'yo naman po na ginagawa lang po namin ang trabaho namin."

Sabi ni Pokwang, hindi raw sila nagkaroon ng pagkakataon ni Mariel na makipag-usap kay Willie nang lumabas ang statement na ito mula sa ABS-CBN executive. Pero ano ang gusto niyang sabihin kay Willie?

"Nagkasakitan tayo, nasaktan kita, nasaktan din ako sa mga nangyayari. Pasensiya na, Kuya. Pero isa lang talaga ang wish ko sa birthday ko [August 27] na mawala na lahat ng mga ito. Yun lang ang gusto ko talaga, yung makapag-move on na ako nang maayos, makapagtrabaho na ako nang maayos. Wala na akong maririnig na kung anu-anong paratang. Alam ko naman na napakaliit lang ng industriyang ito. One of these days magkakaharap din kami," saad ni Pokwang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WILLIE'S TAMPO. Matagal nang may usap-usapan na gusto na raw talagang matanggal ni Willie sina Pokwang at Mariel sa Wowowee, lalo na nung sumuporta ang dalawang babaeng TV hosts sa kampanya noon ng ngayo'y Pangulo ng Pilipinas na si Noynoy Aquino. Si Senator Manny Villar kasi ang sinuportahang presidential candidate ni Willie noong nakaraang May 10, 2o10 elections. Diumano'y dito nagsimula ang pagtatampo ni Willie sa kanila.

Nadagdagan daw ang tampo ni Willie nang sa isang interview ni Pokwang sa SNN (Showbiz News Ngayon) ay sinabi nitong kay Robin Padilla lang daw nila naramdaman na "babae" pala sila at trinato sila nito ng may "respeto." Si Robin kasi ang humalili pansamantala sa pagho-host sa Wowowee nang mawala si Willie. Bakit niya ba sinabi ito?

"Siguro dahil sa sobra-sobra na yung pananakit din sa akin talaga. Hindi mo rin naman ako masisisi siguro kung sa araw-araw ba naman na tirahin ka nang tirahin, tapos makakaramdam ka sa isang tao na talaga kinu-comfort ka, di ba?" paliwanag ni Pokwang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

INTRIGUES & NEGATIVE ARTICLES. Ano sa tingin niya ang dahilan kung bakit siya tinitira ng ilang tao at may mga lumalabas na negative articles tungkol sa kanya?

"Ang alam ko, sa pagkakaalam ko talaga, sa pagkakatanda ko...wala akong ginawang masama sa kanila. Dun sa mga tumitira sa akin, wala akong ginawang masama sa inyo. Sa pagkakaalam ko nga po, nakatulong pa nga po ako kahit papaano sa kanila. Pero kung kinakailangan na tulungan ko pa rin sila sa darating na panahon, hindi ako magdadalawang-isip na tulungan pa rin sila," sagot ni Pokwang.

May nakarating sa The Buzz na may isang taong umutang ng malaki sa kanya na hanggang ngayon ay hindi pa nito nababayaran. Totoo ba ito o hindi?

"Totoo po. Pero usaping pera na po iyan. Pero okay na lang po sa akin iyan. Hindi ko na po aanuhin 'yan. Yun lang, huwag n'yo nang saktan ang pamilya ko. Tama na po. Yun lang," umiiyak na pakiusap ni Pokwang sa mga naninira sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinagot din ni Pokwang ang isyung lumaki na raw ang ulo niya at yumabang na raw siya.

"Kasi ganun yata talaga kapagka yung alam mo na yung karapatan mo. Alam mo na kung paano ka mangatuwiran. At alam mo na kung kailan ka nasasaktan. Pag lumabas yung boses mo, para sa kanila, laki na ng ulo yun. And siguro, kung talagang lumalaki ang ulo ko, wala na pong kukuha sa akin na kahit anong show.

"At saka hindi ko po magagawa yun dahil alam ko ang dami pong nagga-guide sa akin, ang dami ko pong kaibigan sa industriya na puwede akong sabunutan pag ginawa ko yun. Ang dami pong nagtitiwala sa akin, ang dami ko pong bibigyan ng suporta. Kasi aminin natin na sa trabahong ito, kapag lumaki ang ulo mo, wala ka nang trabaho. And pag nawalan po ako ng trabaho, papaano po yung mga umaasa sa akin? Kaya hinding-hindi ko po magagawa ang magmalaki."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang pakiramdam niya kapag tinatawag siyang "pangit"?

"Proud," sambit niya na ikinahiyaw at ikinapalakpak ng mga tao sa loob ng studio. "I am so proud for being me. Kasi look at this face na nakapaghatid po ng saya sa buong mundo. Kabi-kabila po yung offer ko abroad para mapatawa ko sila, makapaghatid ako ng saya. Kaya proud ako na ganito ang hitsura ko. Dahil dito, kumakain three times a day ang pamilya ko."


FAMILY GETS AFFECTED. Mas naging emosyonal pa si Pokwang nang ikuwento niya na dahil daw sa mga intrigang ito ay naapektuhan na rin ang kanyang pamilya, lalo na ang ina niyang may sakit sa puso at high blood, na kamakailan lang ay labas-pasok daw sa ospital.

"Kasi magmula po nung nag-start po yung mga ganitong paninira sa akin... siguro mga three months ago nung mag-start 'yan, sabi ko, wala munang bibili ng mga diyaryo. Huwag munang manonood ng mga isyu tungkol sa akin. Huwag na huwag n'yong ipararating sa nanay kasi may sakit po... high blood siya at saka mayroon siyang sakit sa puso. Ngayon, sabi ko, wala munang bibili ng kahit na anong ikasasama ng loob niya na mababasa niya o kung ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero siyempre, libangan niya kasi yung namamalengke siya araw-araw tuwing umaga. So, doon pa lang sa pagsakay niya ng tricycle papuntang palengke... 'O, yung anak mo tinitira na naman. Ganyan-ganyan.' Nakakarating sa kanya. So, dumating po yung mga panahon na ilang araw namin siyang itinatakbo sa ospital, tumataas po yung dugo niya. Sabi ko, 'Ano ba, may problema ba kayo?' Hindi ko po alam kung ano ang kinaganun niya. Hanggang sa nagsalita po yung aking kasambahay na kasi nai-open ng nanay ko sa kanya ang nagiging problema na nakakarinig pala siya ng kung anu-ano.

"Sabi ko, 'Ma, ikaw ang nanay ko. Ikaw ang nagluwal sa akin. Mas ikaw ang nakakakilala kung sino talaga ako. Naaalala mo yung mga pinagdaanan natin magmula nung pinanganak mo ako, tapos hanggang sa naging successful ako sa trabaho ko. Ikaw ang kasama ko araw-araw. Mas alam mo, ikaw ang mas nakakakilala sa akin. Kaya ikaw ang nasasaktan,'" kuwento ni Pokwang habang umiiyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SUPPORTIVE FRIENDS. Mabuti na lang daw at may mga kaibigan siyang sumusuporta sa kanya at hindi siya pinababayaan sa panahon ng kanyang kalungkutan.

"Sila talaga yung mga kaibigan ko, na talagang...malakas ang pakiramdam nila—sina Pooh, Mariel, Chokoleit, pag may problema ako, tatawag 'yan, magte-text. Talagang pinapatawa nila ako. At saka sinusuportahan talaga nila ako. Kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat ko na may mga kaibigan ako kagaya nila," sabi ni Pokwang.

May mensahe rin siya para sa lahat ng kinauukulan.

"Sana po yung mga nasaktan ko, ibigay n'yo na lang po sa kaarawan ko na matapos nang lahat. Sa mga nakasakit sa akin, wala na po sa akin ito. Mabuhay po tayo nang tahimik, masaya. Kasi pag masaya ka sa ginagawa mo, napupunta ka sa tama, di ba? So, yun lang at saka nagpapasalamat ako sa lahat-lahat ng nasa likuran ko. Hindi kayo yun," sabi ni Pokwang sabay turo sa mga tao sa likod niya na ikinatawa ng lahat. "I mean, kasama kayo dun. Mga kaibigan ko, lahat talaga. Every time na iiyak ako nandiyan sila. Thank you."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ako, yung totoo lang, wala akong ano kay Kuya [Willie Revillame]. Hindi po totoo na wala akong utang na loob, na ingrata ako. Marunong po akong tumanaw ng utang na loob. Kaya lang, kasi magsalita ako't hindi, isa lang ang magiging husga sa akin ng mga malapit sa kanya talaga," says Pokwang.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results