news

Willie Revillame asks Court to confirm cancellation of his contract with ABS-CBN

by Mark Angelo Ching posted on August 23, 2010  STATS: 57343 Views | 503 Comments

 

TV host Willie Revillame has filed a formal complaint against ABS-CBN in connection to the axing of his noontime show Wowowee. Revillame is asking the court for "judicial confirmation" to rescind his contract with ABS-CBN.

Photo By: Noel Orsal

Pormal nang nagsampa ng reklamo sa korte ang TV host na si Willie Revillame laban sa ABS-CBN kaugnay ng pagkakatanggal niya at ng noontime show niyang Wowowee sa ere noong July 31.

Mahigit-kumulang P11.5 million ang hinihinging danyos-perwisyo ni Willie sa formal complaint na isinampa niya sa Quezon City Regional Trial Court noong hapon ng Biyernes, August 20. Ngayong Lunes, August 23, ay nai-raffle na ang kaso sa sala ni Judge Luisito Co ng Branch 84, ayon sa lawyer ni Willie na si Atty. Leonard de Vera.

Sa pamamagitan ng nasabing formal complaint, hiniling ni Willie sa korte na bigyan ng "judicial confirmation" ang pagpawalang-bisa ng kontrata niya with ABS-CBN, na matatapos pa sa September 2011.

Ang hakbang ay ginawa ni Willie matapos umanong talikuran ng ABS-CBN ang pangako nito sa kanya na siya'y pababalikin sa Wowowee noong July 31. Sa halip daw kasi na pabalikin siya ay pinalitan ang programa ng Pilipinas, Win na Win! noong July 31 din.

Ang nasabing kasunduan ay personal daw umanong ipinarating ng ABS-CBN executives na sina Ms. Charo Santos-Concio (President) at Ms. Linggit Tan (SVP for entertainment TV) kay Willie sa ilang mga meeting. May mga dokumento raw na magpapatunay sa kasunduan, partikular umano ang job order ng ABS-CBN sa mga tauhan nito, tulad ng mga karpintero, para ihanda ang bagong set ng Wowowee bago mag-July 31.

Pero mariin namang pinabulaanan ng ABS-CBN sa isang statement noong August 20 na nagkaroon nga ng ganitong kasunduan. (CLICK HERE to read related story)

Sa kanyang isinampang reklamo, naglatag si Willie ng hindi bababa sa sampung halimbawa ng paglabag umano ng ABS-CBN sa kontrata. Kasama na rito ang pagsuspinde raw sa kanya ng ABS-CBN nang walang bayad, at ang pagbibigay sa kanya ng isang "pre-recorded" weekly TV program kapalit ng Wowowee.

Hinayaan din daw umano ng network ang ilang mga show nito na magbigay ng "hayagang paninira" sa pagkatao ni Willie. Pinuna rin ng TV host ang paglalagay umano sa kanya sa "probationary status," at sa pagtanggal ng oportunidad na siya'y kumita mula sa "in-show" advertisements.

Sinabi naman ni Willie na handa siyang isantabi ang isinampang reklamo kung magkakaroon sila ng ABS-CBN ng matiwasay na paghihiwalay ng landas.

Humigit-kumulang limang taon ding pinagharian ni Willie ang Wowowee sa ABS-CBN, bago ito napalitan ng Pilipinas, Win Na Win!, na hinu-host nina Kris Aquino at Robin Padilla.

Ang pagkawala ng Wowowee ay bunsod ng isang insidente kung saan nagkaroon ng "outburst" si Willie sa live episode ng Wowowee noong May 4. Pinagbantaan niya ang ABS-CBN na magre-resign siya mula sa show kung hindi aalisin sa network ang showbiz commentator na si Jobert Sucaldito. (CLICK HERE to read related story.)

ABS-CBN STATEMENT. Kinunan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon ang ABS-CBN tungkol sa paghahain ng reklamo ni Willie laban sa kanila.

Ayon sa text message na ipinadala ng Corporate Communications head ng ABS-CBN na si Mr. Bong Osorio sa PEP ngayong hapon, August 23, hindi pa nila natatanggap ang kopya ng kasong isinampa ni Willie. Agad daw silang magbibigay ng pahayag kapag nakuha na nila ang detalye ng kaso.

Pero diin ng ABS-CBN, "If it is about his contract with ABS-CBN, we would like to reiterate that Willie was the one who violated the behavioral provisions of his contract and thus has no right to have it unilaterally invalidated."

1  

more on this story

Show/Hide Comments

503 Comments

  • 403  Janiska

    08/24/2010 | 08:45 PM
    Everytime makita ko itong si Oli Petigrew ng Sony Style TV Magazine.... parang nakikita ko si Dingdong Dantes sa kanya, younger version lang si Oli. Fan na ako nito kaya add ko sa Facebook. Sana ganyan din ka kulit si Dong pag nag hosting job. Sorry Marian.... mas guapo ng konti si Oli kay Dong lmao....

    Hay naku Pinas.... ang bulok bulok na pag resolve sa hostage crisis. Sana itong mga Pulis natin manood ng CSI series... para matuto kung paano maghandle ng ganyang situation. at itong taga Media, dapat marunong mag news black out para walang mamatay ..... palpak lahat....kakahiya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 402  skunkryan

    08/24/2010 | 08:36 PM
    TAMA LNG UN PARA MKITA NG BUONG MUNDO ANG BULOK NA SISTEMA SA PILIPINAS....UMPISA PLNG MALI NA....DAPAT NAAGAPAN AGAD UN...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 401  Janiska

    08/24/2010 | 08:15 PM
    Kakahiya ginawa ng abs cbn.... pinagbili na naman ang news sa cnn at bbc, nauna pang na broadcast abroad ang hostage taking lmao.... yan ba ang responsible journalism?

    kinakarma nga talaga ang absd cbn ngayon wapakkkkkkk.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 400  MeAlways

    08/24/2010 | 06:53 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 399  Janiska

    08/24/2010 | 06:25 PM
    Free Willie R..... ayaw nyo kay willie abs cbn pipol pero bakit di nyo sya i release sa kanyang contract? Mas masahol pa kayo sa criminal mind. Vindictive pala itong mga kapams hahahaha....

    Kaya bagsak na ang Dos. Isang Willie R. lang pala ang makatinag sa kaharian nila wehehehe...

    Free Willie... para gumaan dibdib nyo charot santos at Pokwang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 398  Janiska

    08/24/2010 | 06:10 PM
    kabarkads: mas OBOBS ka hunghang kasi 24/7 nakatutok ka sa internet para laitin si willie r. akala mo OBOBS dinb ako tulad mo. sa tate ka ba teh? hatinggabi na dun kanina dont tell me mahal ang bayad sau ni Pokwang kasi grabe babad mo dito sa mga articles ni willie para siraan sya. itong mga bayarang hackers oo.... get a life OLAts..... Loser!!!!!!!!!!! like Pilipinas Lose na Lose!!!!

    Pati panunuod ko ng CSI criticize mo? Yumaman ka ba kasi panay tira mo sa akin!!! OBOB!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 397  aleckU44

    08/24/2010 | 06:00 PM
    petition to oust willie is a flop. never na rerach ang 1million signatures kasi multiaccounts ang nagsign..and the worst kesyo bastos and rude si willie pero yung mga comment nila mas masahol pa ka willie. nde mo masikmura ang mga pinagsasabi nila, yout think yung haters at detractors ni willie come from the national mental hospital at sa new bilibid prison.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 396  abscbn14344

    08/24/2010 | 05:53 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 395  abscbn14344

    08/24/2010 | 05:53 PM
    kapamilyang class A gusto si willie, kapamilyang squatter nilaglag si willie....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 394  aleckU44

    08/24/2010 | 05:28 PM
    GO WILLIE!! down with ABSCBN!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 393  ehmskhie

    08/24/2010 | 04:51 PM
    Maraming nega comments sa'yo dito Wil. Ok lang yan. Ikaw pa rin naman panalo. Sadsad na sa ratings and Pilipinas Win na Win...

    Kakaiba rin tumira itong ABS...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 392  bulaga2

    08/24/2010 | 04:28 PM
    mag radyo ka na lang willie boy!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 391  bulaga2

    08/24/2010 | 04:23 PM
    willie boy, magsosyo na lang kayo ni villar bilhin nyo ang RPN 9! palitan mo ng pangalan at tawagin na quot;sixty 9quot;! tutal wala nang channel na KUKUHA sa yo. hehehe. ang pera nga naman kahit ilang milyones hindi makabili ng quot;katiting na UTAKquot;.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 390  earthcore2010

    08/24/2010 | 04:00 PM
    Be a gentelemen Mr. Revillame, Palabra de Onor kumbaga. Sabi mo noon, pag di inalis si Joebert, ikaw ang aalis. E bakit ikaw now ang naghahabol bumalik sa abs, pakorte korte ka pa.. e si Joebert naman hindi sinisipa, kukuyakuyakoy sa mga programa niya sa radio at tv. Nagkamali ka, binangga mo ang hinganting alma mater mo. tsk...tsk...tsk..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 389  flightforge29

    08/24/2010 | 03:18 PM
    IBALIK SI WILLIE !! NOW NA !!!
    We really miss the show here abroad , lola ka sobrang depress na.. Kahit may rayuma sya, tumatayo pag hip hip hooray time na !!!

    ____________________________________

    lola mo lang namana ng may gusto kay Willie eh ikaw gusto mo ba si Willie??? Eh di kung pareho nyong gusto si Willie, eh di magtayo kayo ng istasyon nyo at gawin nyong contract star si Willie..hahahahah!!! peace..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 388  HornBlower

    08/24/2010 | 02:41 PM
    I went to a Filipino party last weekend. All Filipinos were talking about TFC and Wowowee. They said that Willie Revillame is such a BIG Wanker who likes pulling his dick in front of the camera and with the public.

    They even said that Willie is just a DICTATOR who is addicted to POWER, FAME and MONEY. Watching his nasty and aggro attitude is very stressful to them. No one is missing him. That is what all the filipinos in the party were talking about.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 387  rmariee

    08/24/2010 | 02:39 PM
    i'm not a fan of willie. but my lola, lolo here in ca. they miss him. he might not be all that . but nakakabigay siya ng saya ano.peace
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 386  roxie18

    08/24/2010 | 02:20 PM
    kakaawa ka willie!!! napakabobo mo.. gumising ka na sa mga KAYABANGAN MO!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 385  globalpinay

    08/24/2010 | 02:18 PM
    IBALIK SI WILLIE !! NOW NA !!!
    We really miss the show here abroad , lola ka sobrang depress na.. Kahit may rayuma sya, tumatayo pag hip hip hooray time na !!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 384  stocktongirl

    08/24/2010 | 01:34 PM
    i went to a filipino party yesterday..topic was tfc wowowee...all of the folks in that party are dissappointed that tfc replaced wowowee...everyone said that there's no other willie r...they said that they terribly miss willie in a show ....if he will have wowowee in another channel...these folks are ready to subscribe at any time....this is just an observation in that party... i myself miss wowowee and willie r...nakakatanggal ng stress ang wowowee before...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About