Nagsimula na ang pagdinig sa declaration of nullity of marriage na inihain ni Kris Aquino upang mapawalang-bisa ang kasal nila ng basketbolistang si James Yap.
Sa hearing na ginanap noong Biyernes, Agosto 20, ay pinagbigyan ng Makati City Regional Trial Court ang petisyon ni James na magkaroon ng "visitation rights" sa anak nila ni Kris na si Baby James (CLICK HERE to read related story.)
Bagamat nasa korte na ang petisyon ni Kris na mapawalang-bisa ang kasal nila ni James, may mga lumalabas ngayong panibagong isyung may kinalaman sa paghihiwalay nila.
SAN MATEO LOT. Sa isang panayam ay sinabi ni Atty. Lorna Kapunan, abugado ni James, na hindi sila magdi-demand ng pera kay Kris. Ang ipa-file lang daw ni James, kapag handa na siya, ay kung ano ang itinakda ng batas—na mahati nang pantay ang mga pag-aari nina Kris at James.
Ngunit pinabulaanan ng isang source, na kilalang malapit na kaibigan ni Kris, na hindi nagde-demand si James ng pera at property. Mariing sinabi ng source, na ayaw magpapangalan, na diumano'y "maraming" hinihingi si James kay Kris kapalit ng pagsang-ayon nito sa pagpapa-null and void ng kanilang kasal bago pa ang unang pandinig ng kaso.
Gusto raw makuha ni James ang tinitirhan ngayon ni Kris at anak nilang si Baby James sa One Roxas sa Makati City, ang isa pang condo unit na nasa Makati City rin na una nilang na-acquire, at ang 3,000 sq.m. lot na nabili nila sa San Mateo, Rizal.
Ayon sa source, sobrang nagustuhan daw nila ang lugar kaya binili nila agad ang lote sa San Mateo. Gusto raw ni James ang lugar ng lote sa San Mateo dahil parang probinsiya rin ito tulad ng kinalakhan niya sa bayan nila sa Escalante, Negros Occidental. Ito ang regalo ni Kris kay James noong nag-birthday ang baskebolista noong Pebrero 15, 2009.
Mismong si Kris ang nagbanggit sa lupang nabili nila sa San Mateo, sa isang press conference niya for a product endorsement last year.
Ani Kris, "More than P5 million, kasi we bought 3,000 sq.m. Yes, magtatanim kami sa lot. Kasi prinamis ko, kasi bundok siyang pa-ganun, tapos ang view mo, city. Farm lot kasi ang binili namin, so you are only allowed to build on 20 percent of the property. So, 600 sq.m. yung puwede mong tayuan ng bahay. Tapos the rest, swimming pool, tapos magtatanim."
Last quarter ng 2010 dapat ang turnover kina Kris ng lote, 'tsaka nila patatayuan ng bahay.
"Simple lang yung house na ibi-build namin. Tapos, kasi kung saan kami lilipat [One Roxas] eventually after two years, ipapa-rent na namin para may income kami. 'Tsaka malapit lang ito because matatapos na yung C-6 [road project]. Batasan lang ang daan mo. We calculated kapag natapos ang C-6, in less than 30 minutes you're in ABS. Tapos sobrang fresh nung air," lahad ni Kris.
Ayon pa kay Kris, ang down payment nila sa lote ay yung nakuhang bayad kina James at Baby James mula sa TV ad nila para sa Sunlife Insurance. The rest ay si Kris na raw ang nagbayad.
Ngayon, ito raw ang isa sa mga gustong maangkin ni James.
EDUCATION & TRUST FUND. Sabi pa ng source na malinaw na kampi kay Kris, bukod sa properties, gusto rin daw pakialaman ni James ang education at trust fund ni Baby James. At hiniling pa raw ni James na mapasakanya ang luxury cars na meron sila ni Kris.
Ilang linggo pa lang pagkatapos sabihin ni Kris sa TV na suko na siya sa pagsasama nila ni James, may lumabas na unconfirmed report na binenta raw ng basketbolista ang mamahaling sasakyan nila ni Kris. Posible raw na ang pinagbentahan ng kotse ni James ang ginamit niya sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay mula noong naghiwalay sila ni Kris.





I know James Yap personally
I am friends with both the Yap and Aggravante Clan, and here in Escalante we call Kris Aquino 'MADAME'
As much as possible I dont want to say anything but just an advise
KRIS AQUINO LIED
KRIS AQUINO IS SAYING THIS THINGS SO THE PUBLIC WILL PITY HER
DONT BELIEVE ANYTHING SHE SAID
ESPECIALLY ABOUT BEING A GOOD MOM
'Good Mom is never in her vocabulary..TRUST ME'
MUKHANG PERa TALAGA TONG james NA TO! pwE!
besides, posting at PEP with such a limited SPACE lol, and knowing me, i always post in a MAJOR MAJOR WAY so it wont really fit in ONE POSTING so ohhh yeahhhh ur truly right in your counting, IT IS MULTIPLE posts!
But lovin' it so far and again, i ain't stoppingggggggggg!
Now i gotta sleep, a lil bit tipsy from TAO BAR, TGIF here, spending time with friends and now i hafta sleep for my early golfinnnnnnnnnnn tomorrowwwww!
See ya'll tomorrow...Takecare ya'll!