Naglaro sa segment na "Pinoy Henyo" ng Eat Bulaga! two weeks ago ang hunky model-actor na si Carl Guevara kasama ang co-star niya sa JejeMom na si Gelli de Belen. Nagkita sa show si Carl at ang ex-girlfriend niyang si Daiana Menezes, na mainstay ng naturang noontime show ng GMA-7.
Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Carl sa presscon ng Mamarazzi last Friday, August 20, sinabi nitong naging maayos naman ang muli nilang pagkikita ng Brazilian TV personality.
"Oo naman!" bulalas ni Carl. "Kami naman ni Daiana, kumbaga... Kasi bago kami nag-break, nag-usap naman kami nang maayos. Friends kami. So, kumbaga, okay naman kami. So, nandun kami, tinutuksu-tukso kami, okay lang sa amin, wala na sa amin yun."
DAIANA'S NEW BOYFRIEND. Pero inamin ng model-actor na hindi sila magkaibigan ng boyfriend ngayon ni Daiana na si Sam YG, na kilala rin sa kanyang character bilang Shivaker.
"Hindi ko siya kilala, e, na as in, kilala," paliwanag niya.
Never pa rin daw silang na-introduce sa isa't isa.
"Oo, hindi pa kami na-introduce. Okay naman. Sa nakikita ko naman, masaya si Daiana, e. Si Daiana naman, wala naman siyang ipinakitang masama sa akin, talagang masaya kami dati. So, sa akin, kung happy siya, masaya ako para sa kanya," saad ni Carl.
REASONS FOR BREAKUP. Naghinayang ba si Carl na hindi nagtagal ang relasyon ni Daiana?
"Siyempre naghinayang din ako noong umpisa, pero kailangan talagang mag-move on, kailangang harapin lahat ng ano," sagot niya.
Bakit ba talaga sila nag-break?
"Kami kasi nung una, alam niyang nawala ako sa...yung trabaho. Kumbaga, parang nawala yung focus ko sa trabaho, e, puro sa kanya. Tapos, siya na rin ang nagsabi sa akin.
"Tapos, yung pangalawa, siya ang nagpakilala sa akin kay Perry [Lansigan, Carl's manager], siya ang nag-set ng meeting sa amin ni Perry.
"Tapos, yung pangatlo, gusto niya akong magkaroon ng trabaho. So, kinausap niya ako na gusto niya muna kaming mag-ano, kumbaga, cool-off. Tapos natuloy na, which is good naman kasi, kumbaga, si Daiana, alam mo talagang mature na siyang mag-isip, e.
"Kasi, kumbaga, ginive-up niya yung relationship namin para lang matulungan niya ako na magkaroon ako ng trabaho. So, 'yon, kumbaga, si Daiana, talagang hindi ko siya makakalimutan. Talagang may utang na loob ako sa kanya."
MOVING ON. Naka-move on na ba siya? Bakit wala pa rin siyang girlfriend?






kahit very hunky sya, maganda katawan, cute.
kahit many times sya lipat sa both channels..un lnag tingin ko sa kanya.
cute nya sa jejemom ha.