PEP EXCLUSIVE: Claudine Barretto says Angelica Panganiban out to ruin Derek Ramsay's friendships; claims she's always sweeping after sister Gretchen

Jerome Gomez
Thursday, August 26, 2010 @ 06:26PM  |  928 views

 

Claudine Barretto is threatening to file a case against Angelica Panganiban, whom she accuses of spreading rumors of her alleged affair with a non-showbiz guy named Martin Castro (inset). Martin, according to Claudine, is the best friend of Angelica's boyfriend, Derek Ramsay.

Photo By: Noel Orsal & file photo













Ilang beses din daw nagplano ng pormal na pakikipag-usap ang mga Santiago kina Derek at Angelica ngunit walang natuloy sa mga ito. Hindi naman binanggit ng aktres ang mga pagkakataong humingi silang mag-asawa ng pakikipag-usap sa magkasintahang Derek at Angelica.

Ngunit sinabi ni Claudine, na sa pagitan nilang tatlo ni Raymart at ni Derek, "May usapan kaming kung sino ang nagsinungaling, siya ang unang umako. Pero biglang nagtatago na sila."

Sa isang text message na ipinadala ni Claudine, tinanong daw niya si Angelica: "What's your excuse for doing this to me?"

Alam din ni Claudine ang mga sabi-sabi na ipinagtatanggol lang daw niya ang kapatid na si Gretchen upang makisawsaw sa publicity. Matatandaang nagkaroon ng iringan kamakailan lang sina Angelica at Gretchen matapos magbiro ng huli na padalhan siya ni Derek ng pictures mula sa bakasyon sa South Africa—pero iyong mga litrato lang na hindi kasama si Angelica. Natapos ito sa pag-apologize ni Angelica kay Gretchen sa telebisyon, at ang paghingi rin ni Gretchen kay Angelica ng paumanhin sa pagiging "playful" niya na maaaring makasakit ng iba.

"I will always protect my sister," sabi ni Claudine sa PEP. "I don't know if she knows, I don't care. I'm just wired that way."

Inamin naman ni Claudine sa PEP na matagal na silang hindi nagkaka-usap ni Gretchen, at "mas mabuti nang ganito ang sitwasyon namin." Hindi rin naman niya ipinaliwanag kung bakit mas mabuti ang ganitong kalagayan.

Gayunpaman, sabi niya, lagi niyang ipagtatanggol si Gretchen. "Eto lang ako," dagdag ni Claudine habang umiiyak sa telepono, "linis lang nang linis ng kalat ng kapatid ko."

Ayon kay Claudine, inaayos pa ang mga papeles para sa kanyang paghahabla, at maaring sa Setyembre na ito ihain, matapos ng kanyang mga commitments sa trabaho. Tatlo ang mga abugadong pinag-iisipan ni Claudine na pahawakin ng kaso. Isa na rito ay ang dati na niyang abugado at kaibigang si Raymond Fortun.

« Prev  1  2  

Related Articles

772 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name