Sina Ruffa at Carmina ay nakasama noon ni Aiko sa launching film nila sa Regal Films na 13, 14, 15.
Wala ba siyang balak na mag-sign ng contract sa alinmang network?
"Nakapag-guest na ako noon sa 5-Star Special ni Ruffa sa TV5. May ginawa rin akong mini-series with Lani Misalucha, Candy Pangilinan, at Miriam Quiambao sa TV5, and I heard sa September 8 daw 'yon mapapanood. Siguro, magpapatali lang ako sa isang network kung maganda talaga ang project na ibibigay sa akin," sabi niya.
So, tuluy-tuloy na ang pagbabalik-showbiz niya?
"Yes, sana tuluy-tuloy na ang pag-arte ko," sagot niya.
ON POLITICS. Hindi ba niya nami-miss ang buhay-pulitika? Noong nakaraang May 10 elections ay natalo si Aiko bilang kandidato para vice- mayor ng Quezon City. Ang nanalo ay si Joy Belmonte.
"I'm enjoying being an ordinary citizen ngayon," sabi ni Aiko. "Mas may time na ako with my kids, sina Andrei at Marthena. Ayun, kapag may work ako, si Mommy [Elsie Blardony] ang tumitingin sa mga anak ko. Yun namang mga loyal supporters ko, puwede ko naman silang tulungan sa abot ng kaya ko."
May balak pa ba siyang balikan ang pulitika?
"Kung ngayon ninyo ako tatanungin, honestly, I'll think about it 100 times," sagot niya.
Tungkol naman sa relasyon nila ng boyfriend niyang si Patrick Meneses, matipid na sinabi ni Aiko na "okay" sila.






kainis itong pep..palagi na lang mga pangit ang photos nila dito
bagay na mag-ina sina orang and aiko.
sabi ko na nga ba na di si gracia ang ina ni orang eh.
in love ako sa basahang ginto
we know why, of course.