Enchong Dee on vehicular accident: "Wala akong kasalanan sa nangyari."

Nerisa Almo
Sunday, August 29, 2010 @ 07:29PM  |  47404 views

 

Marlon Boñales (inset), who sustained leg injuries in a traffic accident involving Enchong Dee, allegedly challenged the actor, "Magpakalalaki ka." Today on The Buzz, Enchong responded: "Siguro, kung hindi ako nagpakalalaki, noong oras pa lang na sinabi ng mga pulis na wala akong kasalanan, umalis na sana ako, hindi na sana ako tumulong.  Nakakalungkot lang isipin kasi after all the help, ganito pa rin ang nangyari.  Sana naiintindihan mo ang lahat ng nangyari."

 

Photo By: Noel Orsal (Enchong) Nerisa Almo (Inset)













Nabalita kamakailan na isang car accident ang kinasangkutan ng binatang actor na si Enchong Dee.  Kaugnay nito, isang diumano'y biktima ng insidente ang humihingi ng tulong sa Kapamilya aktor.

Sinubukang kumpirmahin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang naturang pangyayari.  Ayon sa mga dokumentong nakuha namin noong Huwebes, Agosto 26, totoong nagkaroon ng banggaan sa pagitan ng isang pampasaherong dyip, na minamaneho ni Miguel Oliveros, 30, at isang Mitsubishi L200 pickup truck, na minamaneho naman ni Ernest Lorenzo Dee, na tunay na pangalan ni Enchong, 21.

THE ACCIDENT. Naganap ang banggaan sa intersection ng Castro Street at Taft Avenue sa Maynila bandang 11:45 ng umaga noong Agosto 4.  

Sa sinumpaang salaysay ni Enchong sa Manila District Traffic Enforcement Unit noong araw na ring iyon, binanggit niya na isang security guard ang sumenyas ng "Go" sa mga sasakyan mula sa Castro Street, kung saan siya galing. Nakahinto ang mga dyip sa kahabaan ng Taft Avenue mula Quirino Avenue, ngunit ang dyip na minamaneho ni Oliveros ay nagpatuloy. 

Ayon sa salaysay ni Enchong sa police report, ito ang naging dahilan ng pagbangga ng sasakyan niya sa unahan at kanang bahagi ng dyip na minamaneho ni Oliveros.

Bukod sa pagkabangga sa dyip, tinamaan din ang pasahero nitong si Marlon Boñales, 28, na nakaupo sa nasabing bahagi ng dyip. Nagtamo ang biktima ng isang malaking hiwa at mga gasgas sa kanyang kanang paa. 

Halos ganito rin ang naging salaysay ng security guard ng De La Salle University-Taft, ang tinutukoy ni Enchong sa kanyang statement, sa isang salaysay na isinumite sa head ng security detachment ng unibersidad.

TRAIN OF EVENTS.  Ganito rin ang naging salaysay ng biktima nang sadyain siya ng PEP sa kanyang tahanan sa Muntinlupa noong Agosto 26.

Ayon sa kanya, papunta sana siya sa kanyang inaaplayang trabaho noong araw na iyon.  "Nakasakay ako sa unahan ng dyip nang may biglang sumulpot sa kanang bahagi namin pasalpok sa akin. Di, bale galing sila sa Carlos Street sa La Salle-Taft.  Papuntang Buendia kami, galing Quirino 'yong jeep. 

"Nakalawit kasi medyo ang paa ko [sa labas ng dyip].  Noong pagkapansin ko, hindi ko na nailag ang paa ko pero inabot pa rin, e.  Medyo nakaladkad pa kasi napaabante pa ang dyip, e.  Biglaan lang din kaya hindi ko na nailag."

Agad naman daw siyang sinugod sa ospital ng dalawang guwardiya ng De La Salle University-Taft sa Ospital ng Maynila ilang saglit matapos ang aksidente. 

Noong una raw, hindi niya pa alam na si Enchong ang nagmamaneho ng pickup truck na nakabangga sa kanyang sinasakyang dyip.  "Kasi, sa sobrang sakit, hindi ko mamulat ang mata ko, e," sabi niya.

Ano ang naging reaksyon ni Enchong?

"Hindi ko na alam kasi basta ang nararamdaman ko noon sobrang sakit ng paa ko.  Ang nakita ko sa paa ko, wasak na ang pantalon ko at saka sapatos ko.  Hindi ko pa nakita sa loob kasi nakasapatos nga ako. [Pagdating] sa hospital, pagkahubad ng medyas ko, nakita ko na nga na lawlaw na ang bukong-bukong."

Tumulong ba si Enchong sa pagdala sa kanya sa ospital?

1  2  3  4  Next »

Related Articles

105 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name