Sarah Geronimo advises dad to exercise caution in dealing with strangers

Bong Godinez
Saturday, August 28, 2010 @ 01:37AM  |  66 views

 

The alleged kidnap attempt on her father has prompted the singer-actress to hire a bodyguard. "Si Daddy kasi napakasimple at madaling lapitan, 'yon din siguro ang dahilan kaya si Daddy ang naisipan nilang gawan ng ganun," said the Pop Princess.

 

 

 

 

 

Photo By: Noel Orsal













Noong August 8, araw ng Linggo, ay lumabas ang balita na muntik nang makidnap ang ama ni Sarah na si Mr. Delfin Geronimo, 55, sa parking area ng ABS-CBN's ELJ Building sa Quezon City.

Ayon sa ulat na inilabas ng mga pulis, bandang ala-una ng hapon nang imbitahan ang ama ni Sarah ng isang nagngangalang Paulino "Paul" Mercado sa basement parking area dahil may iaabot daw itong regalo para sa singer. Galing daw ang regalo sa kumpanya na may hawak ng isang shampoo brand na ineendorso ni Sarah.

Pinilit diumano ng 43-taong-gulang na suspect na sa loob ng Hyundai van pirmahan ng ama ni Sarah ang isang receiving document, ngunit agad na nagduda ang nakatatandang Geronimo kaya mabilis din itong nakapalag. Lumalabas rin sa initial investigation na tinangka pa diumano ni Mercado na paralisahin ang ama ni Sarah sa pamamagitan ng isang stun gun.

Agad nakahingi ng saklolo si Mr. Geronimo sa mga security personnel na naka-deploy sa paligid ng gusali noong mga oras na iyon. Kasalukuyang nakakulong ang suspect na si Mercado at hindi ito pinayagan ng assistant city prosecutor ng Quezon City na makapagpiyansa. (CLICK HERE to read related story.)

Kidnapping ang isinampang kaso ni Mr. Geronimo laban sa suspect.

Nauna nang sinabi ni Mercado  na wala naman siyang balak kidnapin ang ama ni Sarah. Pagnanakaw lang daw ang tanging motibo niya dala ng sobrang kahirapan sa buhay.

Naging matipid at maingat si Sarah sa pagbibigay ng pahayag tungkol sa insidente nang tanungin ito during the TVC launching noong Huwebes.

"Si Daddy kasi napakasimple at madaling lapitan, 'yon din siguro ang dahilan kaya si Daddy ang naisipan nilang gawan ng ganun," sambit ni Sarah.

Dahil dito ay kumuha na sila ng bodyguard para hindi na maulit ang nangyaring insidente.

"Sabi ko kay Daddy mag-iingat na lang din siya," dagdag ng Pop Princess. "Mag-iingat at huwag basta magtitiwala, huwag maniniwala, and huwag hayaang basta-basta i-approach na lang siya."

« Prev  1  2  

Related Articles

24 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name