Maria Venus Raj says Melody Gersbach gave her a "good luck charm" for the Miss Universe pageant

Rose Garcia
Sunday, August 29, 2010 @ 02:29PM  |  75 views

 

Words for a departed friend: "Si Mel, alam ko po na masaya siya sa anumang na-achieve ko. Kasi, isa po siya sa mga taong nag-push talaga sa akin na sumali ng Binibining Pilipinas. And definitely Miss Universe.  Alam ko, Mel, masaya ka para sa akin and I'm very, very thankful na nakilala kita at naging kaibigan."

 

Photo By: Courtesy of ABS-CBN













Live na naging guest ng Startalk ang Miss Universe 4th runner-up na si Maria Venus Raj kahapon, August 28. Pag-upo pa lang niya sa hot seat na tinawag na throne para raw sa kanya, tinanong na agad ni Butch Francisco ang tungkol sa naging sagot niya sa question-and-answer portion ng beauty pageant, na sa tingin ng marami ay naging dahilan kung bakit di niya nakuha ang korona.

Ang tanong sa kanya ng Hollwood actor at pageant judge na si William Baldwin ay, "What is the biggest mistake that you've ever made in your life and what did you do to make it right?"

Ang sinagot naman ng beauty queen ay: "You know what, Sir, in my 22 years of existence I can say that there is nothing major, major, I mean, problem that I have done in my life. "

Ano raw ba ang ibig sabihin ng "major, major," bonggang-bongga? 

"No naman, not necessarily bonggang-bongga," natatawang sabi ni Venus. "Siguro na-repeat ko lang siya nang twice. Hindi ko naman... ewan ko, hindi ko naman... Parang siguro kung gusto mong bigyan ng emphasis ang isang word. Like salamat, salamat. But hindi ko siguro masyadong narinig ang sarili ko while talking.  Sobrang dami ng tao ro'n at nagsisigawan sila."

Hindi raw ba napipikon si Venus na ginagawa nang katatawanan ang sinabi niyang 'major, major'?

Natatawa niyang sinabi, "Actually, hindi ko alam na ganito na siya kalaki."

Hirit ni Butch, "Major, major na siya!"

Ayon naman kay Joey de Leon, bakit daw kaya hindi bigyan ng five minutes ang mga kandidata para makapag-isip ng tamang sagot.  At ngayong nahimasmasan na raw si Venus, kung tatanungin uli siya ng the same question, meron raw kaya siyang gustong isagot na iba?

"Actually, yung content, yun pa rin. Parang yun nga, katulad po ng sinabi ko kanina, parang wala naman pong major mistake na nangyari sa buhay ko."

MISS MEXICO DESERVES CROWN. Bukod sa kanya, sino sa mga candidates ang bet niya talagang manalo?

"Si Miss Mexico po. She really deserves the crown. Maganda po siya. Medyo hindi siya ganoon katangkad, pero sobrang ganda ng mukha niya."

Kung matatandaan, bago makaalis si Venus to compete, nagkaroon ng isyu tungkol sa kanyang nasyunalidad dahil ipinanganak siya sa Doha, Qatar, at may inconsistencies sa kanyang birth records, bagay na naging sanhi ng kanyang pansamantalang dethronement noong Marso. Sa tingin ba ni Venus ay nakatulong pa itong krisis sa kanya?

"Opo, sa tingin ko po.  Sabi ko nga, everything na nangyayari sa buhay natin, there's a reason kung bakit nangyayari yun.  Ngayon po, naiintindihan ko na.  Ang dami kong pinagdaanan. Halos umiiyak ako araw-araw. Pero ngayon, after ng lahat ng yun, parang nasagot na lahat ng question  ko. Na 'eto pala ang kapalit kaya ko pinagdaanan yun."

Was it all worth it?

1  2  3  4  Next »

Related Articles

29 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name