WORKING WITH YOUNGER ACTORS. Kumusta naman si Angel Locisn bilang kapareha?
"Wala pa kaming masyadong eksena, e. Pero ako, ang napapansin ko sa kanila ngayon, ang sisipag nila masyado," kuwento ni Aga na idinamay na ang isa pa nilang co-star na si Jake Cuenca.
"Nakakapagod 'yong ginagawa nila na from taping, from doing their soap, they finish it. Like kami, nag-shoot kami and natapos kami ng six o'clock in the morning, si Jake, pupunta na sa taping niya.
"Si Angel, uuwi din lang, maliligo lang then pupunta na sa taping niya. Doon ako nanghihina for them. Sabi ko, hindi ko talaga kaya 'yan.'"
Hindi raw sila ganito noong panahon nila.
"I never had that experience, so far. Wala, wala pa. I mean, kaya ko 'yong puyat, but the following day, may shoot ka ulit with the same movie?"
MOVIE WITH REGINE. Sa tantiya ni Aga ay baka early 2011 na maipalabas itong Huling Sayaw. At matapos ang shooting niya dito ay uumpisahan naman niya ang balik-tambalan nila ni Lea Salonga (una silang nag-tandem sa pelikulang Bakit Labis Kitang Mahal 1992 at nasundan ng Sana Maulit Muli in 1995).
Kaya't ang tanong ng karamihan ay paano o kailan pa maisisingit ang nauna niyang umpisahan at di matapos-tapos na balik tambalan naman nila ni Regine Velasquez, na nakapareha naman niya sa Dahil May Isang Ikaw noong 1999 at Pangako...Ikaw Lang noong 2001. Matatandaang August last year pa nila ito nasimulan.
"'Yong kay Reg, we really are working on it. 'Yong schedule lang talaga namin, hindi lang nagkakatagpo. Kasi, she had a soap, 'yong Diva, so nag-stop kami ng shooting.
"Kasi before, we'd shoot, one or twice a week...hindi ko naman masabing i-stop niya [ang soap niya], hanapbuhay niya 'yon. But sabi ko, I can't shoot twice a week...hanggang sa ang dami nang naging problema.
"Ngayon, ako naman ang walang maibigay na araw...plus 'yong buhok ko doon was talagang maikli, crew cut. We still have six shooting days, I think.
"This year, matatapos iyang pelikulang iyan, ilalabas iyan. And then, etong sa amin ni Angel. And then, after this, baka umpisahan ko na 'yung kay Lea kasi naka-schedule na iyon last year pa.
"Ang problema ko lang, sana mag-usap na ang Star Cinema and Viva [Films, producer ng Aga-Regine movie], para bigyan ako ng Star ng libreng araw kasi you know what, it is my commitment also, e. "
Natatawa tuloy si Aga sa mga pangyayari. Hindi raw niya akalain na sa puntong ito ng career niya ay magkakagiitan pa ng schedule ang mga proyekto niya.
"Parang dati, nauuso 'yong mga ganyan noong '90s. 'Yong naiipit ka? Di ko akalain talaga na mangyayari ito. Ang dalang ko na nga gumawa ng movie, e," sabi ni Aga.





I hope maganda ang shooting ng movie sa japan.
SINO ANG KAIINGGITAN NAMEN SI LAOS NA KA CHEAPAN ANG MGA PROJECTS HAHHHAH
ILUSYONADA
ala ako sinabi lol.