PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Melanie Marquez on Maria Venus Raj: "I'm so impressed with the way she carried herself sa Miss Universe."

The former Miss International agrees to using interpreters in international beauty pageants.
Published Aug 30, 2010
"Alam mo, minsan nananalo ang isang beauty queen ng titulo dahil mayroong nangyayari sa kanilang bansa. When you're starting to represent your country, you are an ambassadress of goodwill and you should understand that. We are there to promote beauty...not just beauty but we should unite each other as one," says Miss International 1979 Melanie Marquez.

Very visible na naman sa mga showbiz talk shows at kahit sa news programs ang mga dati nating beauty queens. Sila ang ginagawang resource person dahil sa kanilang mga karanasan sa international beauty pageants. Mainit pa ring pinag-uusapan ang tinamong tagumpay ng pambato natin sa nakaraang Miss Universe 2010 na si Maria Venus Raj na itinanghal na fourth runner-up. (CLICK HERE to read related story.)

Isa nga sa pinakasikat at kontrobersiyal nating beauty queens ay si Miss International 1979 Melanie Marquez, kaya siya napiling maging guest sa TV5 showbiz talk show na Paparazzi kahapon, August 29. Dito'y co-host ang dati ring beauty queen na si Ruffa Gutierrez, kasama sina Cristy Fermin, Mo Twister, at Dolly Anne Carvajal.

Pinag-usapan sa nakaraang Miss Universe ang sagot ni Venus sa tanong ng judge na si William Baldwin: "What is one big mistake that you made in your life and what did you do to make it right?" Kaya naman ito agad ang ipinasagot ni Ruffa kay Melanie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"For me, you know, when I ran away from home and then I realized that without a mom, I always make a lot of mistakes in life. So, that is the time that I realized that my mother is so important beside me," ang confident na sagot ni Melanie.

FUNNY REMARKS. Nakilala rin si Melanie dahil sa kanyang nakatutuwang English remarks, gaya ng "Don't judge my brother because he is not a book;" "Why should I have a calling card, I'm not a call girl" and "I don't eat meat, I'm not a carnival."

Sinasadya niya ba ang pagsasalita ng ganoon?

"Natural yun," sagot ni Melanie.

Dinepensahan din ni Melanie ang nakatutuwang sagot niya sa question-and-answer portion sa Binibining Pilipinas beauty pageant noong 1979: "I won't change my legs. Because I'm contented with my long-legged."

"Kasi naman, 15 [years old] lang ako," sabi ni Melanie. "Nung tinanong sa akin ni Eddie Mercado [host] na, 'Are you willing to change your legs with the one million insured legs of Angie Dickinson [American actress]?' Sabi ko, 'No, because I'm contented with my long-legged'. Pero win pa rin, di ba?"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MORE BEAUTY PAGEANT QUESTIONS. Sinagot din ni Melanie ang iba pang mga intriga at katanungan sa kanya ng mga press people na naroon sa "Presscon Express" segment ng TV5 showbiz talk show.

Unang tanong nga sa kanya ay dahil naging trainor siya ni Ruffa noon, kung siya ang naging trainor ni Venus, ano ang ituturo niya rito at bakit?

"Alam mo sa totoo lang, wala na akong ituturo sa kanya, e," sabi niya. "Because she has this personality and I'm so impressed with the way she carried herself sa Miss Universe.

"Yung kanyang question is very personal. Kahit naman sino, magdadalawang-isip doon. Pero let's face it, sinagot naman ni Venus yung question. Yun lang talaga, siguro sanay lang siya sa mga bonggang-bongga."

Sa tingin niya ba, dapat may interpreter na ang kandidata ng Pilipinas?

"Dapat," mabilis na sagot ni Melanie. "You know what, marunong namang mag-English 'yang mga 'yan [ibang candidates from other countries]. Nag-i-interpreter...gumagamit sila ng mga ganyan para magkaroon sila ng a lot of time para makapag-isip. Tapos pag matalino pa yung kanyang nakuha [interpreter], pinapaganda yung phrase."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May komento rin si Melanie tungkol sa mga retokadang beauty queens.

"At saka alam mo, sa totoo lang, kapag may mga tsugi-tsugi like yung mga... Di ba, ang Valenzuela [Venezuela] mahilig sa mga ganyan...nose lift, mga eklat. Pag ganyan dapat, hindi na nananalo kasi hindi na natural ang beauty," sabi niya.

Matagal nang uhaw ang Pilipinas sa beauty queen na mag-uuwi sa atin ng korona sa Miss Universe. Sa tingin niya saan nagkukulang ang ating mga candidates?

"Alam mo, minsan nananalo ang isang beauty queen ng titulo dahil mayroong nangyayari sa kanilang bansa. When you're starting to represent your country, you are an ambassadress of goodwill and you should understand that. We are there to promote beauty...not just beauty but we should unite each other as one."

Alam ng lahat na winner siya sa Miss International. Kung halimbawa sa Miss Universe siya pinadala, sa tingin niya ba mananalo siya?

"Siguro mananalo ako," diretsong sagot ni Melanie. "Kasi yung look ko, tingnan mo, hanggang ngayon in-demand pa rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GAY ICON. Idol siya ng mga bading. Halimbawa, gustong maging beauty queen ang anak niyang lalaki. Paano siya magre-react?

"Wala namang problema sa akin, e. Basta huwag lang siyang mag-practice ng hindi dapat," sabi ni Melanie.

Katulad ng?

"Sex...kailangan virgin siya lagi."

Ano ba ang reaksiyon niya kapag tinatanong ang sexual orientation ng kanyang anak kay Senator Lito Lapid na si Manuelito?

"Wala. Just because hindi niya pina-practice yung mga ginagawa ng mga lalaki dito...na hindi naman faithful sa asawa nila. That doesn't mean na porke't may prinsipyo ang lalaki na nagkataon lang talagang mataas ang prinsipyo ng anak ko, hindi nila puwedeng i-judge na bakla siya. Baka naman pag bumalik ang anak ko ay maraming magkagusto riyan," sabi niya.

ADAM IS THE RIGHT GUY. Kumusta naman ang pagsasama nila ng kanyang mister na si Adam Lawyer?

"Ang maganda sa aming dalawa ng asawa ko, sinentro namin ang Panginoon kaya hanggang ngayon kasal pa rin ako sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Fourth marriage na ito ni Melanie. Ito na ba ang last?

"Oo, siguro kasi ayaw na niya [Adam] akong pakawalan din, e. Ayaw na niyang magkaroon ako ng No. 5! Hindi, biro lang. No, I found the right guy," sabi ni Melanie.

POLITICAL AMBITION. Senador na ulit si Lito Lapid, na ikinakabit pa rin ang pangalan sa kanya dahil sa kanilang anak. Kung hihingan siya ng advise, ano kayang batas ang puwede niyang mai-suggest kay Lito?

"Magkaroon ng agrikultura, you know, yung agriculture. Kasi para maging self-reliant tayong lahat at mayroon tayong food storage. Kung puwede nating tuunin dahil ang dami-dami nating lupain sa bansang ito, e, dapat gamitin na natin. Tayo-tayo, lalo na yung mga maralita na sinasabi nilang walang pera, magtulungan na lang tayo na mag-ano...na isagawa itong agrikultura natin. At hindi rin tayo magugutom."

Ano ang nararamdaman niya kapag siya ang nagiging isyu ng katatawanan dahil sa kanyang mga nakatutuwang remarks?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala akong pakialam kasi I count my blessings. Unang-una, yung mga batikos sa akin...ako ang nakakakilala sa sarili ko. So, I don't need to prove anything to them na, 'Hey, ganito ako.' Kasi yung mga bumabatikos na 'yan kapag hinarap ko at nag-usap kami at nag-debate kami, baka lamunin ko siya nang milya-milya," matapang na sabi ni Melanie.

Mayroon ba siyang political ambition dahil parang politically at socially inclined ang mga sagot niya?

"Well, oo. Kasi ako, nag-aaral ako. Kailangan kong malaman yung mga hindi ko pa nalalaman. Lalo na yung mga legislative, laws and everything. Kaya ako naglu-lawyer...maglu-law. Pero sa akin kasi, gusto kong makita ang bansang ito na umasenso."

So, anong posisyon ang gusto niya for the next elections?

"Gusto kong maging lawmaker," sagot ni Melanie.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam mo, minsan nananalo ang isang beauty queen ng titulo dahil mayroong nangyayari sa kanilang bansa. When you're starting to represent your country, you are an ambassadress of goodwill and you should understand that. We are there to promote beauty...not just beauty but we should unite each other as one," says Miss International 1979 Melanie Marquez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results