Marco Alcaraz on girlfriend Lara Quigaman: "Hindi na ako tumitingin sa ibang babae mula nang maging kami."

Rose Garcia
Tuesday, August 31, 2010 @ 02:03AM  |  31626 views

 

"Tinatanong ako kung sino ang showbiz crush ko, kahit crush lang. Yun nga, si Lara, crush ko dati. So, bakit ka pa magkaka-crush ng iba na yung crush mo, naging girlfriend mo na? Yun!" says Marco Alcaraz.

Photo By: Paul Mata













On our way to Enchanted Kingdom last Sunday, August 29, nakausap  ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marco Alcaraz.

Isa si Marco sa mga alaga ni Noel Ferrer na nagpunta sa theme park sa Sta. Rosa, Laguna upang maghatid ng kasiyahan sa ilang mga bata sa pamamagitan ng storytelling.

Kuwento ni Marco, "Mag-i-storytelling kami sa mga children. Alam naman natin na ilang days na lang, ber na, papunta sa Christmas. Sa ibang malls nga raw sa ibang bansa, meron na nga raw mga Christmas decoration. So, it's our own way na makatulong sa mga bata. Ang alam namin, pipili rin kami ng foundation na gusto namin."

CAREER PATH. Isa si Marco sa mga bagong alaga ni Noel. Happy naman daw siya with his new manager.

"Medyo nag-iiba na rin ang career path ko ngayon," banggit ng aktor. "I am enjoying hosting at nakakailan na rin ako with GMA-7. Tapos, marami pang naka-lineup na regional events ng GMA. Yung una noon sa Pangasinan, parang trial lang. Sabit lang kami ng ilang cast ng Endless Love.

"Nag-e-enjoy ako. At siguro, nakitaan naman nila ako ng potential. Sana magdire-diretso. Siyempre, ang idol natin is Paolo Bediones. Hopefully, kahit man lang mag-co-host sa Binibining Pilipinas."

Naimpluwensiyahan ba siya ng kapatid niya sa manager na si Paolo sa pagho-host?

"Hindi naman. Dati pa rin, dream ko rin ang makapag-host. Si Noel naman kasi, may Paolo siya, may Ryan Agoncillo siya na nagho-host. So, kung may client siya na hindi ganoon kalaki ang budget, ako na lang!" biro niya.

"But seriously," patuloy niya, "sana nga po mag-lead into something like sports show, game show. Hopefully po, dahan-dahan."

STILL A KAPUSO. Kung ang karamihan ng mga kasamahan niya kay Noel ay mas napapanood sa TV5, siya raw ay nanatiling Kapuso. In fact, may kontrata pa rin daw siya sa GMA-7 hanggang September 2011.

"It's up to Sir Noel din naman po kung ano ang gusto niya sa career path ko. So far, okay naman. Pero siyempre po, sana mabigyan pa rin po ng more exposures lalo na sa hosting aside sa acting.

"Sa Endless Love naman, okey naman po, enjoy naman po ang samahan do'n. Bukod sa Endless, may isa pa akong ginagawa, yung Sex Ejokecation with Direk Leo Martinez. Ipapalabas siya sa Metro Bar sa September 9 naman. Aside sa teleserye, hosting, may konting sexy-comedy rin po na parang play po na more on green jokes po."

A CHANGED MAN. Pagdating sa kanyang lovelife, walang-duda na masayang-masaya si Marco sa department na ito sa piling ng kanyang girlfriend of more than one year na si Precious Lara Quigaman.

"Baduy man pakinggan, kaka-twit nga lang ni Ruffa Gutierrez sa kanya. Kasi, tinatanong ako kung sino ang showbiz crush ko, ang sagot ko, wala. Hindi na ako tumitingin sa ibang babae mula nang maging kami," sabi ni Marco.

Seryosohan na ba talaga kung anuman ang meron sila ngayon ng Miss International 2005?

1  2  Next »

Related Articles

23 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name