"Hindi ako naniniwala doon kasi marami na talaga akong nakita na after years of marriage, kung kailan tumanda, doon nagkahiwalay. So, it's not an assurance na pag kinasal kayo, hindi na kayo maghihiwalay. Kayo na forever. E, ang dami ngang naghihiwalay, e.
"So, kami, since wala namang problema, wala namang issue, ba't pa natin kailangang i-solve yung hindi naman nating kailagang i-solve? Ngayon, we're just going to do this para maging malinis na lang sa lahat," mahaba-habang paliwanag ni Carmina sa gusto niyang ipunto.
Wala pa raw silang napipiling date ni Zoren para sa kanilang civil wedding.
"Ay, hindi ko alam. Biglaan na lang siguro. Unang-una, kaya siya magiging parang biglaan na lang, or hindi na namin kailangan ng malaking preparasyon, kasi it's not a big thing. Hindi siya malaking selebrasyon.
"Ayoko kasi, e. Unang-una, parang I passed the stage na rin you wanna walk down the aisle. Parang lumipas na ako sa gano'ng stage," sabi niya.
CIVIL WEDDING. Diretsahang sinasabi ni Carmina na hindi na niya iniisip ang makasal pa sa simbahan dahil kuntento na siya sa magaganap na civil wedding nila ni Zoren.
"Hindi na. Okey na ako na kasal ako sa civil," sabi niya.
"Simple lang akong tao. Family nga lang yung mga naiisip kong magwi-witness and few friends lang sa reception. Kahit ganito na lang outfit ko [jeans at t-shirt], pasok na ako sa banga! Siguro it's the ceremony which is important at ang family namin. Pamilya ko, pamilya niya [Zoren].
"Pero siyempre, masarap pa rin namang mangarap na, 'Uy, sana ganito, gano'n.' Pero siguro nga, parang solve na ako doon sa... I passed the stage na sa mga gano'ng dreams. Parang dati na ganito yung sa souvenir, ganito yung motif, ganito yung gown. Pero ngayon, iniisip ko na mag-ipon na lang tayo para sa future ng mga bata."
Wala na raw inaasahang proposal pa si Carmina kay Zoren dahil nakapag-propose na raw ito sa presscon ng kanilang show. Yun nga lang, hindi niya alam kung seseryosohin niya ang ginawa ng live-in partner o hindi.
"Parang feeling nga namin, nilalaro lang namin. Sabi ko nga sa iyo, kakaiba kaming mga nilalang. Bahala na lang si Zoren, ke may second o wala nang proposal, okey lang sa akin. Kasi ano ako, pa-girl pa ako at sasabihin kong no!" tawa niya.
"Okey na sa kahit na ano. Pero siyempre, mas okey rin kung may second proposal, huwag na lang sa TV, sa harap ng maraming tao, kasi nahihiya talaga ako. As much as... Di ba, nakikita mo naman sa iba na it's so romantic, sweet naman?
"Ako kasi, palagi na lang akong nasa harap ng kamera. Gusto ko naman yung moment na special na kaming dalawa ang nandoon at may surprise naman. Pero hindi ko naman sinasabing yun ang dapat mangyari. Pero given a choice, if ever, wala na lang or huwag naman sa national television. Kahit sabihin mong sincere siya, ayaw ko lang, nahihiya lang talaga ako.
"Weird nga, di ba? Kasi artista kami, kami yung center of attention. Sa mga bagay-bagay na gano'n, hindi naman trabaho yun. So, huwag mo nang ibigay sa akin yung attention."
IN-DEMAND PRODUCT ENDORSERS. Natutuwa naman si Carmina dahil hindi naging issue sa endorsements nila ang hindi nila pagiging legal na mag-asawa. Naniniwala siyang ang nakita raw kasi siguro ng advertisers ay ang magandang samahan nila ni Zoren at ng kanilang mga anak.
"For them siguro, it's really our family. How we are as parents. Nakita rin nilang lumaki na rin yung kambal. Nakita rin naman nilang mababait ang mga anak ko. Wala namang tsismis sa aming dalawa ni Zoren na magkaaway kami, or may third party involved or nagkahiwalay.






heheheh
ang sarap magintriga
so ngayon pala okey lng na magsama...
hahaha ID--T, ikaw ang mag-isip! so ngayon pala hindi na okey lng na magsama at magkaroon ng mga anak kahit hindi kasal kasi BAKA MAGHIWALAY! hindi ka lng pala B-BO, imoral kapa! WAHAHAHA! BTW hindi ako kapamilya nor kapuso i watch shows depende kung maganda ito irrespective kung anong channel ito HAHAHA FYI im a big fan of survivor and endless love waaaaaaaah MORON!
And getting marriage in a church especially if you are a Catholic is important. It is one of the sacraments that you uphold.
HINDI MO KAILANGAN ANG MAG-WALK DOWN THE AISLE...ang basbas ng pari sa harap ng Diyos ang importante.
Kung hindi ka naman Katoliko...walang kaso yon.
Pero ang kasal sa simbahan ay mas importante para sa isang tunay na Kristayanogn Katoliko...
magpapakasal ka rin lang ng civil...eh pwede namang gawin ng pari yon. They are recognized civilly as long as the license is there.
YOU GET MARRIED IN CHURCH BECAUSE YOU BELIEVE AND WANT GOD TO BLESS YOUR UNION.