news

Roderick Paulate's hit movies in the '80s being remade

by Mell T. Navarro posted on August 31, 2010  STATS: 27714 Views | 15 Comments

...

Photo By: Rommel R. Llanes

Hindi maitatanggi na pagdating sa pagganap ng gay o drag queen roles noong '80s, nangingibabaw ang husay ni Roderick Paulate. Pero sa bagong comedy miniseries ng TV5 na Lady Dada, na pinagbibidahan ni Ryan Agoncillo, for a change ay lalaki naman ang character ni Roderick.

Sa nasabing show, na magsisimula na sa September 8, gumaganap na drag queens sina Ryan at Keempee de Leon. Si Keempee ay talagang ganoon ang trabaho sa istorya, samantalang si Ryan ay isang straight guy na may anak na lalake. Pero dahil sa circumstances, kinailangang magtrabaho ng character ni Ryan bilang bading o drag queen sa comedy bars.

Looking back, nauna na sa ganitong genre o roles ang bagong halal na Quezon City councilor na si Roderick.

Sa presscon ng Lady Dada sa Ratsky Tomas Morato, Quezon City noong August 27, natanong ng press si Dick kung sino ba ang napipisil niya between Keempee and Ryan na susunod sa kanyang mga yapak sa pag-atake ng ganitong roles?

"Ang hirap [magsalita], kasi wala pa naman akong napipisil sa kanila!" natatawang simula ni Dick. "Papisil nga muna!

"Actually, mahirap, e. Eto ha, diretsong paliwanag... Kasi nung time ko, diretso rin naman ang paggawa ko ng gay roles. Kumbaga, habang pinagkakakitaan ng Regal [ang mga pelikula ko], bira nang bira.

"And hindi ko alam si Ryan kung itutuloy niya 'to, e. I think, isa lang ito sa ginawa niya. At marami pa siyang gagawin pang iba. Si Keempee, hindi ko rin alam kung ano ang direksiyon niya sa career niya. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya. Yes, magaling sila sa roles nila dito. Kaya lang, hindi ko alam kung tatahakin nila o gagawin nila itong dire-diretso. So, mahirap.

"Kasi, yung sa akin, dire-diretso, e. Kumbaga, kinarir ko talaga na habang sinasabi ni Mother [Lily Monteverde, Regal producer], 'Gawa ka pa, gawa ka pa,' tuluy-tuloy ang projects ko noon.

"Sa kanila [Ryan and Keempee], hindi ko alam. Pero in terms of... Or kung pag-uusapan natin, e, talent, I think you should really watch this. Kasi kagabi lang [sa taping], pag puyat kami, ang pinag-uusapan namin yung... Habang pinapanood ko sina Keempee at Ryan, nag-flashback kami ni Direk Ga [Dante Nico Garcia] ng '80s ko, nung ginagawa ko yung ginagawa nila. Ang laki ng pagkakaiba. Para sa akin, upgrade. Pati yung production design, pati yung execution, pag-atake niya sa mga eksena.

"Sabi ko, kung ganito ang atake, parang puwede ko pa ring gawin sa susunod kong pelikula. Kasi, humanga ako... Kailangang mapanood n'yo, e. Si Ryan, hindi kasi ito ang role na sinasabi nating gay na nag-perform, e. May rason ang performance niya na ginawa niya dito sa Lady Dada.

"May pinapanggalingan na dahilan kung bakit niya ginawa yun, at sangkot ako doon. Di ko alam kung ako nga ba ang nagtulak sa kanya para magawa niya yun. So, hindi lang basta ito nagpapatawa sila o nagpe-perform sila, e. Maganda yung pinanggagalingan ng istorya. Na kung bakit naudyukan at bakit kailangan niyang gawin ito is para sa pamilya niya.

"Pero pagdating sa talents nila, wala kang itulak kabigin. They're very good."

Hindi ba siya nanibago sa role niyang lalaki this time? Hindi ba siya "nainggit" kina Ryan at Keempee sa roles ng mga ito na dati niyang ginagawa sa hit comedy films niya?

"Hindi naman. Feeling ko, dati naman akong lalaki," biro ni Dick. "Hindi naman. Kasi, gumagawa din naman ako ng ganito, pero hindi naman nawala yung mga pagganap ko ng mga tatay, like sa MMK (Maalaala Mo Kaya). Usually, pag napapanood n'yo ako sa MMK, either tatay or kapatid na lalaki ang roles ko, di ba?

"Kasi, nasanay naman ako sa era o sa period ng show business noong '60s, bata pa naman ako noon, na dapat lahat, ginagawa mo. So, yung training na yun, hanggang ngayon, dala-dala ko. Talagang binanggit ko '60s, 'no? Bata pa naman po ako noong '60s as child star!" natatawa niyang sabi.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

15 Comments

  • 15  tearhere

    09/02/2010 | 01:40 PM
    Un personality nya mgnda,nasa looks at pananalita nya tlga na mabait xa,sbi nga nila no mean bone,I mean Ive never heard speak badly abt someone else.

    And Pretang kabayo is my all tym favorite local comedy film,as in khit ilan beses q n napanood it still makes me laugh.Comedy films during the 80s were really entertaining and funny,mas mgnda pa rin tlga mga local movies noon kesa ngyon.Sna matuloy un muvi nila ni Maricel,nkka-mis un tandem nila,di q ppalampasin un muvi na yan pag natuloy, pramis.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  sakanalovelife

    09/02/2010 | 08:04 AM
    amazing person kahit sabihin nyong bakla sya o silahis,,keber!!!mahalaga jan,madami syang magawa sa bansa natin diba,,lets see,,tutukan natin ang mgagawa nila sa pinas,,,ang pagbabago kasama si PNOY!!lets see,,magaling na actor,,tlaga,,,well,,,,mas focus tlaga sya sa pagging konsehal nya,,at sana tlaga madami syang magawa,..as in!!!godblesss..we love him,smart,edukado,maganda ang breeding at values,maka dyos,maganda ang pagpapalaki,at simpleng tao at di rin nagpapauto jan,,godblesss..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  wallflower

    09/02/2010 | 06:20 AM
    Agree ako. Hindi naman topic ang kung ano ang perfect at di perfect sa anyo nung tao ibi-bring up. Hay naku, kung wala kayong magandang sasabihin at walang-wala sa topic please lang wag na mag-comment.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  filinshanghai

    09/01/2010 | 04:01 PM
    Some people are just plain mean. Kung mamintas parang walang kapintas pintas sa katawan.

    Kuya Dick is so humble and honest guy. Keep up the good work in Q.C. Sana marami kang matapos na project. Walang katulad mo infairness, kahit sa Hollywood pa. Sana lang mabigyang pansin yung kakayahan mo at mabigyan ka ng National Artist Award soon.

    Goodluck! -- V --- Love yeah kuya Dick!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  tili_2death

    09/01/2010 | 04:00 PM
    Bakit, ubos na ba tayo ng ideas?--reprise, remake, re re re nanaman tayo tulad sa tv dramas, ngayon movies naman. Why ruin a good thing? Leave the classics alone.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  sassy_sab

    09/01/2010 | 10:00 AM
    This is one man who could do drama and comedy at the same time with passion and emotions. Galing!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • buldit1111

    09/01/2010 | 05:58 AM
    Ang lapad ng ilong....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • keepondreamin

    09/01/2010 | 01:10 AM
    hmmm ma panood nga ito, like ko si kempoy na maging bakleng..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shidax

    09/01/2010 | 12:51 AM
    No.1 ka para sa akin mr.roderick pagdating sa gay roles.sigurado maghi-hit naman pag pinagsama kau ni maria.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • imwatim

    08/31/2010 | 09:15 PM
    Cannot wait for a reunion of Maricel and Roderick team-up! Had a blast watching them in their old movies.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lawrenzo

    08/31/2010 | 08:02 PM
    Excited na ako sa Marya at Petra sa Italya lol!

    Mukhang riot. Sana riot talaga lol!

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lawrenzo

    08/31/2010 | 08:02 PM
    Ayos ang mga may spoof spoof..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • glory

    08/31/2010 | 07:16 PM
    ..in acting.. good aS!!!..wish youll do more movies DICK:
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • glory

    08/31/2010 | 07:12 PM
    this guy is amazing..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • glory

    08/31/2010 | 07:11 PM
    this guy is amazing...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About