Tinanong din ng PEP si Geoff kung ine-expect ba niya na ganun din ang magiging pagtanggap ng mga manonood sa team-up nila ni Glaiza gaya ng naging pagtanggap sa love team nila ni Carla?
"Depende kung magugustuhan ng tao, it's really up to them," sagot niya. "Kung magustuhan nila kami, I guess it's just good for us. Pero siyempre, I'll give my same effort. Pero ang tingin ko kay Glaiza is different from Carla."
CARLA WITH A DIFFERENT LEADING MAN. Wala rin daw problema kay Geoff kung sina Carla at Dennis Trillo naman ang magkakapareha sa susunod nilang project.
"Okey lang, maganda naman ang chemistry nila, ang tandem nila. Nag-start sila sa Lovebug, and they have a TV commercial na na-extend nga raw kasi aliw. Ako naman, okey lang sa akin, it's work."
Dugtong pa ni Geoff, "It's given naman na hindi naman kami ni Carla puwedeng forever na kami lang ang partner."
Pero wala bang kaba sa part niya na ngayong magkaiba na sila ng partners at ibang projects na ang ginagawa nila, may posibilidad na mabago ang kung anumang relasyon meron sila ngayon?
"Ang mababago lang siguro is the time," sabi ni Geoff. "Kasi, from almost every day together for a year, a year and a half, to biglang hindi magkikita kasi magkaiba ng schedules. That would gonna be a difficult adjustment. But hopefully, we'll work through it."






barkong papel..
kadenang bulaklak....
ewan ko
ilumina
now grazilda, wats next, parang nauuso ang ganitong series now
sa hapon nmn.,
trudis liit
basahang ginto
tapos may koronang papel yata i dunno
sana next prinsesang gusgusin
hiramin u n muna ang kampanerang kuba sa 2
ano pa, petrang kabayo o hnd ba puro adjectives
tapos sa umaga mga pangalan,,
ano tong pic na to pep?
bakit patong patong na beke ang nakikita ko? hahaha
o pustahan tayo gigimik na naman tong si eigenmann na liligawan kuno ang leading lady gaya kay abellana haahhhaah