Ipinagtanggol ni Raymart Santiago ang asawang si Claudine Barretto sa gitna ng isyung kinasasangkutan nito. Ito ay may kaugnayan sa umiinit na away sa pagitan ni Claudine at ng young actress na si Angelica Panganiban.
Ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Raymart pagkatapos ng mga pahayag ng halos lahat ng may kinalaman sa isyu—ang asawa niyang si Claudine, ang manager ni Angelica na si Johnny Manahan ng Star Magic, ang kapatid ni Claudine na si Gretchen Barretto, at ang misis ng sinasabing ka-affair daw ni Claudine na si Martin Castro.
Ang mga pahayag ng lahat ng nabanggit ay unang lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Ayon sa statement na ipinadala ni Raymart sa GMA News ngayong gabi, September 3, hindi pa man daw lumalabas ang balita tungkol diumano sa affair nina Claudine at Martin ay tumawag na sa kanya si Martin upang sabihin na "walang katotohanan ang lalabas na tsismis." Sinabi pa raw ni Martin kay Raymart na hindi niya ito magagawa sa kanya.
Sabi pa ni Raymart, nagkausap na rin sila nina Martin at Derek, ang kasintahan ni Angelica, at napag-usapan nilang ayusin na lang nila ang isyu "nang mahinahon."
Binasag daw ni Raymart ang kanyang katahimikan upang "suportahan at proteksyunan" si Claudine. Nakiusap din ang aktor na tigilan na ang mga "kathang-isip" na paninira laban sa kanyang asawa alang-alang sa dalawa nilang anak.
Sa huli ay sinabi ni Raymart na "mahal na mahal" niya sa Claudine.
Narito ang kabuuang pahayag ni Raymart sa GMA News:
"Noon pa mang di pa lumalabas ang balita ay tumawag na mismo si Martin... Siya ang nagsabi na walang katotohanan ang lalabas na tsismis. Sabi niya, 'Pare, hindi ko magagawa sa iyo 'yan. Kilala mo naman ako.'
"Pagkatapos nito ay nagkausap pa kami nina Martin at Derek, at napag-usapan namin na ayusin na lamang ito nang mahinahon, dahil ito ay simpleng away ng mga magkaibigan na parang magkapatid kung magturingan.
"Kinakailangan ko na pong magsalita para suportahan at proteksyunan si Claudine. Ikinalulungkot ko ang mga paninirang tsismis tungkol sa kanya... Sana po ay tigilan na ang mga kathang-isip na mga ito, alang-alang sa aming dalawang anak...
"Mahal na mahal ko po si Claudine. Sana po ay patuloy din po ang pagsuporta at pagtangkilik ninyo sa kanya."






- walang kaalam alam ang lahat na may 'affair' rumor para tungkol kay claudine, kahit sa blind item, wala tayo narinig. at sino nagburst ng bubble tungkol sa issue na may rumor daw: si claudine mismo. so parang sya nagkalat at nagpaalam sa lahat ng rumor na sinasabi nya
- di ko alam kung nagkataon lang talaga or biglang nagescalate ang issue na magsasampa sya ng demanda tming sa showing ng movie
- sa dami ng issues na nabasa sa kanya dati na mas malala pa at below the belt at nonstop at lantad na paninira sa kanya, bkit sa issue na to sya bigla naisipang magsampa ng kaso?
- at hindi dahil pasugod ka lagi at palaban, di ibig sabihin ikaw nagsasabi ng totoo
- ang pag-open up din nya ng issue why timing na after ng pag-air ng pagbabati ni gretchen at angelica
- and mukhang she's really making the effort na pagusapan ang issue habang ang mga taong nakapaligid sa kanya ay gustong i-dism
Ayusin niyo na lang ito. Natural na away lang ito ng magkakaibigan.. dahil lang sa tsismis.
Huwag na kasing magbanta kung hindi rin mapapanindigan.