Tahimik ang lahat ngayon para kay Katrina Halili. Unti-unti na nga raw nagiging maayos ang kanyang buhay pagkatapos ng matinding iskandalo na pinagdaanan niya.
Sa naging panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Katrina last August 30 sa taping ng Langit sa Piling Mo sa Aviation Complex ng Diosdado Macapagal International Airport sa Clark Freezone Port, Pampanga, inamin nito na nagte-take siya ng ilang sessions sa dalawang therapist para mailagay sa tamang direksyon ang kanyang buhay. Bukod sa therapists ay kumukunsulta rin siya sa isang pastor na kaibigan ng kanyang pamilya.
RECLAIMING HER BALANCE. Hindi itinanggi ni Katrina na minsan ay nakakaramdam pa rin siya ng low self-esteem. May mga araw na may kumpiyansa siya sa sarili at may mga araw na parang natatakot siyang lumabas ng bahay.
"Akala ko kasi mawawala na ang takot ko sa maraming tao. Medyo nawala na siya, pero parang bumabalik pa rin," explained Katrina.
"May times na ayoko nang lumabas ng bahay. Pero hindi naman puwede na gano'n kasi kailangan kong magtrabaho. Kaya nakakatulong ang dalawang therapists at ang isang pastor na kaibigan ng family namin. Natutulungan nila ako na mabalanse lahat.
"Sinasabi sa akin ng mga therapist na mind over matter lang daw lahat. Lahat ng takot kailangan ko raw paglabanan. Hindi ako dapat magpatalo kasi ako ang magiging kawawa. Sabi naman ng pastor, ipagpatuloy ko lang ang pagdarasal. Kailangan spiritually ay malakas din ako.
"Kaya unti-unti, bumabalik ang confidence ko. Kailangan lang na physically, mentally at spiritually, prepared ako sa lahat ng puwedeng mangyari sa akin. In fairness, nabawasan ang pag-iiyak ko."
Matagal pa kaya ang paggagamot na ito ni Katrina sa kanyang sarili?
"Depende po, kasi akin lahat 'yan. Kung tanggap ko na ba lahat ng mga nangyari sa akin, mabilis ang healing process. Inaamin ko na mahirap tanggapin lahat. Mahirap ang mag-move on sa nangyari but I am trying my best na matanggap iyon.
"Konting panahon pa siguro. Sabi nga nila, time heals all wounds, di ba? Kaya lagi kong pinagdarasal na maayos na ang lahat."
COURT CASE VS HAYDEN'S MOM. Patuloy rin nga ang paghahanap ni Katrina ng hustisya, lalo na sa kaso laban sa ina ni Hayden Kho Jr. na si Mrs. Irene Kho.
Kailan lang ay nagkaharap sila sa isang Quezon City court para sa mediation ng libel case na isinampa ni Katrina laban kay Mrs. Kho. Inakusahan kasi on national television ni Mrs. Kho si Katrina na gumagamit ng pinagbabawal na gamot at tinuruan pa raw nito ang kanyang anak na si Hayden na gumamit ng droga.
Pero wala raw nangyari sa mediation na iyon at tuloy ang kaso ni Katrina laban sa ina ni Hayden. Ang ikinasama pa ng loob ni Katrina ay hindi man lang daw niya nakitaan ng anumang pagsisisi ang ina ni Hayden at maliit pa rin daw ang pagtingin sa kanya nito.
"Mga abugado naman namin ang nag-uusap sa mediation. Pero nangyari na nga iyon at tuloy po ang kaso. Wala na akong magagawa talaga. Kung sana nakarinig ako ng sorry mula sa kanya dahil sa mga sinabi niya at sa ginawa ng anak niya. Pero wala, e. Pakiramdam ko ay minamaliit pa nila ang kakayanan ko.
"Kaya no choice kundi ipaglaban ko ito. Hindi ako papayag na siraan pa nila ako. Ako na ang naagrabyado. Ako na itong hindi pa maka-move on talaga. Pero sila nakakangiti sila sa maraming tao na parang wala silang kasalanan. Kaya pinapaubaya ko lahat kay Lord. Alam ko na muli Niya akong matutulungan sa pinagdaraanan ko ngayon," diin ni Katrina.






2 Has she even apologised to Vicki Belo? If not, how can she try to put the past behind her, if she hasn't even acknowledged her wrong-doings?
Quite frankly, the audacity of this waste-of-space to sue when this was partially self-inflicted. Let's say, there wasn't a recording of her liaison with Kho then I predict that she would have continued on with her 'mistress-ing' ways! I'm sorry but I don't pity this lowlife and if it's established she hasn't even apologised for her part in this affair, then she is truly rubbish.
Go, go, go lang Kat. At least you've learned your lesson. Pray lang always.
di mo na kailangan magwork dami mo namang matandang benefactor. gimik mo lang naman na wala ka na pera dati kaya nga may pambili ka ng pampaganda at pampaseksi na machine divah bakla?
ang kati mo kasi. niloloko ka lang ng mga lalake na naging bf mo pang pang night stand lang naman ang baklang beauty mo.
MAS PERFORMNACE LEVEL KASI SI MARICAR AT PANG BIRIT QUEEN PALA SIA HUH!
LAKAS UMUNGOL!
NAGSALITA KASI ANG MGA MALILINIS!
lol
To all friends of Kat, ipagpatuloy ninyo ang panalangin na totally nang makarecover si Kat para lalo niya kayong mapasaya sa kangyang mga programa. You are in the right path Kat, continue to be humble and strong... Sometimes, it's through humbling life's experience that God lifts you up!