Lumabas sa PEP Alerts kahapon, September 2, ang balita tungkol sa isang sighting na magkasama raw sina actress-TV host Kris Aquino at Makati City Mayor Junjun Binay sa Glorietta 4 noong Lunes ng gabi, August 30.
Ngayong gabi, September 3, naman ay ipinalabas sa showbiz talk show ng Q-11 na Tweetbiz ang exclusive cell phone video na kuha ni Tweetbiz paparazzo Danzen Santos na magpapatunay na totoo ang naiulat na sighting kina Kris at Mayor Junjun.
Ayon kay Danzen, nagkataong pagkababa niya ng kotse at papasok na siya ng Glorietta 4 nang mamataan niya sina Kris at Mayor Junjun sa labas ng mall malapit sa Tony Roma's restaurant. Kasama ni Kris ang mga anak niyang sina Joshua at Baby James. Habang si Mayor Junjun naman ay may kasamang katulong na may mga bitbit na shopping bags.
Kaagad daw inilabas ni Danzen ang kanyang cell phone para kunan ng video ang mga ito. Hindi naman alintana nina Kris kahit pa may mga taong kumukuha ng video at pictures nila.
Ikinagulat daw ni Danzen nang biglang magsalita si Baby James at sabihin daw nito kay Mama Kris niya, "Is he your boyfriend?" Ang tinutukoy ni Baby James ay si Mayor Junjun.
Noong una ay hindi raw pinansin ni Kris ang sinabi ng anak, pero nang ulitin daw ni Baby James ang naturang tanong ay doon pa lang nito napagtanto ang sinabi ng anak. Natatawang sinabi raw ni Kris, "Hindi ko siya boyfriend." Niyakap na lang daw ni Kris si Baby James at nagkatawanan na silang lahat.
Marahil daw kaya iyon naitanong ni Baby James ay baka nakapanood ito ng mga tsismis sa showbiz talk shows, lalo na nung kainitan ng isyu ng pagli-link kina Kris at Major Junjun.
Tinanong naman ni Tweetbiz host Tim Yap kay Danzen kung nagde-date ba sina Kris at Mayor Junjun?
"Well, hindi sila nag-holding hands. Pero para sa akin, they must be really close para isama niya [Kris] si Junjun Binay sa kids niya...sa isang lakad na kasama ang kids niya. Ang maganda diyan, ibig sabihin may magandang relationship si Mayor Junjun sa mga anak ni Kris kasi magkakasama sila sa mall," sabi ni Danzen.
Nakausap din ng PEP si Danzen para itanong kung ano na ang sumunod na nangyari after ng naturang video at kung nasundan pa ba niya sina Kris at Mayor Junjun?
Ayon kay Danzen, pagkatapos niya raw makakuha ng video ay iniwan na niya ang area dahil kailangan niyang i-meet ang kanyang friend na kasama niyang manonood ng sine ng gabing iyon. Nang magkita sila ng friend niya ay binalikan pa ni Danzen sina Kris, pero wala na raw ang mga ito.
THE CLOSENESS. Nali-link ngayon sa isa't isa sina Kris at Mayor Junjun na biglang naintriga matapos makipaghiwalay ni Kris sa asawang si James Yap. Naging malapit ang actress-TV host at ang alkalde dahil halos sabay silang nawalan ng minamahal sa buhay noong isang taon.
Ang ina ni Kris na si dating Pangulong Cory Aquino ay namatay noong August 1, 2009, pagkatapos ng mahigit isang taong pakikipaglaban sa colon cancer. Ang misis naman ni Mayor Junjun na si Kennely Ann Lacia-Binay ay namatay noong August 11, 2009, sa komplikasyon sa pagluluwal sa ika-apat na anak nila ng dating konsehal ng Makati. Parehong na-confine noon sa Makati Medical Center sina Tita Cory at Kennely Ann.
Matatandaan pang nabanggit ni Kris sa panayam niya sa SNN (Showbiz News Ngayon) noong July 30 na isa si Mayor Junjun sa mga lalaking malapit sa kanya sa ngayon. (CLICK HERE to read related story.)
"Among everybody na nili-link sa akin, he's the only one I have been communicating with," saad ni Kris. "Kaklaruhin ko po, hindi siya nanliligaw sa akin. Pero matalik ko siyang kaibigan. Nakilala ko siya when I was grieving for my mother. Nakilala niya ako when he lost his wife."






On that note, i will be bunking on my bed, it is 12midnight here!
Yeheeeeeey the SWEET and SOUR James will be in Manila na tomorrow, yay!
Post ya'll tomorrow guys!
In the eyes of the people, in the law of court, KRIS IS STILL VERY MUCH MARRIED. She better think straight about welcoming JJ Binay, or she better WAIT until her annulment is over, if she doesn't want to have an ADULTERY case knocking on her door.
She better be DISCREET and should have DELICADEZA. In as much as she wants to be HAPPY but she should be MINDFUL of the CASE pending in court, UNLESS it is approve, then she remains a MARRIED WOMAN, A WIFE.
That's why your own siblings are requesting you to BEHAVE APPROPRIATELY especially that your brother is our PREXY.
But you seemingly forgotten that you are still married, you are acting like a sweet 16 single gurl :D I feel really sad when Baby James asks her about JJBinay. It sucks!
Soundtrack from the movie-The Lion King
In the jungle, the mighty jungle
The lion sleeps tonight,
In the jungle, the mighty jungle
The lion sleeps tonight,
Chorus: Ohhh-weee Ingonyama ifile 2x
Hush my darling, don't fear my darling,
The lion sleeps tonight,
Hush my darling, don't fear my darling,
The lion sleeps tonight
Chorus: Ohhh-weeeh Ingonyama ifile -2x-
In the PI, my lovely PI,
Kris Aquino sleeps tonight,
In the PI, my beautiful PI,
Kris Aquino sleeps tonight,
Chorus: Ohhh-weee Ingonyama ifile.....
Hey Krissy wake up! There is a hyena {lt;-ex-gt;} and vultures {lt;-ex's families-gt;}wanting to grab your buffet {-Kris' multi million .}
Ooooops!
and well, super kakilig sina daniel m. at heart e. nuh! bagay sila compare dun sa ex ni heart na si ian dy.
Can Mommy have a boyfriend? NOW NA!!!
Anung article nakakakilig?
1. MAYOR JUN BINAY - KRIS AQUINO
2. DANIEL MATSUNAGA - HEART ENVAGELISTA
Anung article nakakakilig?
1. MAYOR JUN BINAY - KRIS AQUINO
2. DANIEL MATSUNAGA - HEART ENVAGELISTA
Belisema
September 4, 2010
10:43 AM
James, Kris at JunJun:
The Good, the Bad, and the Ugly....
-----------
Ha! Ha! Ha! Ha!...wla lang natawa lang ako...
arltun65
September 4, 2010
12:21 PM
kahit immoral? ... tapusin muna niya ang proseso ng batas sa pakikipag-hiwalay.
e sa mata ng tao -- may asawa pa rin siya. period.
I tweeted Monday about watching movie w/ Vice Ganda while the kids watched Catsamp;Dogs;. I was told that in Pepscoop box may story that Mayor Jun2 Binay amp; me were malling together in Glorietta. Super not true- we just saw each other sa entrance near Tony Roma's.