BILLY CRAWFORD'S NEW SHOW. Ilan na rin ang international talents ng ALV. Isa na rito ang dating child star na si Billy Crawford na sumikat sa Europa at iba pang bansa bago nagdesisyong magbalik-Pilipinas a few years back. Ang TV career naman niya ay alaga ng ABS-CBN, kunsaan siya nakakontrata.
Kuwento ni Arnold, "Si Billy, sa Europe naman magre-release next year. Ngayon, tinatapos pa ni Billy yung kanyang songs. Tinatapos niya for Europe... yung nire-record, imi-mix sa Europe. It's a brand new album. Next year na ito, January 2011... May concert tour rin."
Ito ay bukod pa sa upcoming concert ni Billy para sa silver anniversary niya in showbiz. Pinamagatang 25 B.C., gaganapin ito sa Music Museum sa Sept 11, 18 at 25.
Dagdag pa ni Arnold, "He's hosting a game show, yung Panahon Ko 'To! and he's doing another one. Magdya-judge siya ng isang reality show na talent search. Regular judge naman this time. He's not a host."
Hindi pa man kinukumpirma ni Arnold kung ano ang show na ito, ayon sa ilang unconfirmed reports, ito ay ang reality-singing contest na iho-host ni Megastar Sharon Cuneta na papalit sa magtatapos niyang Sharon sa Kapamilya Network.
Ang isa naman niyang alaga, si Iya Villania, ay magpe-perform sa Meralco Theater para sa stage version ng The Wedding Singer. Ito ay base sa Broadway version ng pelikulang The Wedding Singer nina Adam Sandler and Drew Barrymore at ang role ni Drew dito ang gagampanan ni Iya. Ipalalabas ito sa October.
PINOY SINGING CHAMP IN AUSTRIA. Bukod sa mga nabanggit nang artista, mina-manage din ni Arnold sina Carla Abellana, Jessa Zaragoza, Baron Geisler, Denise Laurel, John Prats, Patrick Garcia, Geneva Cruz, Nikki Gil, Cesca Litton, at iba pa.
At ngayon ay very proud niyang ibinalita na may bago na naman siyang artist, si Vincent Bueno na nagwagi bilang grand winner ng Musical! Die Show sa bansang Austria. Ang Austrian singing competition [na ang ibig sabihin ng titulo in German ay "Musical! The Show"] ay nilahukan ng 400-plus singers na tinalo lahat ni Bueno.
Ayon kay Arnold, nakakuha siya ng inquiry mula sa grupo ni Bueno at mabilis nangyari ang negosasyon upang maging official artist na niya ang nasabing new singing sensation ng Europa.
Sa Kapamilya shows na mapapanood si Bueno, partikular sa ASAP XV.






were proud you ka party peeps
Kyla and JayR...:
Congrats to you both!
sina 6 abscbn14344 at 18 martinkeith. hahahaha
Martinkeith, intindihin kasi ang binabasa bago umepal.
Good luck JayR and Kyla, sana tangapin din kayo tulad sa pangtangap nila ky Xtian.