May nakikita ba siya sa new album niya na potential hit ulit after his hit song na "Ngiti"?
"Hindi ko pa po alam kung meron akong isa sa mga kanta doon na maghi-hit. Nasa ano po 'yan, sa Universal, kasi sila po ang pipili ng song, e."
Ano ang masasabi ni Ronnie na hindi siya binitawan ng Universal Records despite sa maraming negative issues sa kanya dati?
"Masayang-masaya, thankful at di ako binitawan ng UR. Salamat din sa new manager kong si Sir Arnold, at siyempre, kay Kuya George dahil kung hindi dahil sa kanya, wala ako dito sa show business," sabi ni Ronnie.
Madalas mapanood si Ronnie sa musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas. Magiging regular na ba siya rito?
"As far as I know, hindi ko pa po alam ang negotiations with my new manager and Party Pilipinas. Ang alam ko lang, pa-guest-guest pa lang ako. If ever na mabigyan ng opportunity na maging part ng Party Pilipinas, bakit hindi?" sagot niya.
RONNIE'S GIRLFRIEND. Sobrang concentrated si Ronnie sa kanyang career mula noon. Hindi ba siya tumitingin sa girls?
"May girlfriend kasi ako," sabi ni Ronnie. "Nasa U.S. siya."
Na-blind item na ang girfriend nga raw niya sa U.S. ay isang "matrona" o mas matanda sa kanya. Totoo ba ito?
"Unang-una, ang girlfriend ko po ay hindi gano'n na matanda. As far as I know, hindi ko po alam yung tinutukoy nila na matrona... Ano ba ang ibig sabihin nila ng matrona?" tanong niya.
Sabi namin, para itong "cougar" na bukod sa may edad nang di hamak sa kanya ay siya pa ring sumusuporta sa kanya financially.
"Kung yun ang ibig sabihin nung matrona, wala akong gano'n... She's 23 years old. She's half-Filipina and half-white... Ako ay 25 years old and mas matanda pa ako sa kanya. Wala kaming problema," sabi ni Ronnie.
Hindi ba mahirap ang long-distance love affair?
"Hindi naman," sagot niya. "Kasi, I think, nagwo-work talaga. Kasi, last time, pinuntahan ko naman siya doon, e. Dito, nagtatawagan kami, nagcha-chat kami."
Gaano na sila katagal?






sabagay mas makakakbuti siguro sa iyo kasi nasa mabuti kang kamay alv arnold vegafria is the best manager. unlike george roca.
PEP naman, ang daming mas interesting na nangyayari sa showbiz ngayon, to pa pag aaksayan nyo ng panahon? asan yung latest kay dingdong at yung hiwalayang Richard at Jewel???
madalas sumasablay sila, hello Willie Revillame nasaan ka na ba?
Sikat ka ba? hahaha