"For 13 years, nasa States ako, hindi ako sumasagot ng mga tawag ng mga friends ko. Tapos, may namatay sa pamilya kaya kailangan akong bumalik sa Pilipinas para sa funeral," kuwento ni Sam.
BLESSED. Sa lahat ng produkto ng Pinoy Big Brother, si Sam yata ang maituturing na pinakasikat. Pero kinontra niya agad ito.
Ani Sam, "Hindi naman... Kim [Chiu] at Gerald [Anderson]. Para sa akin, I mean, Kim-Gerald, they came from PBB, they're really ano, their love team is really strongest talaga in the Philippines."
Pero dugtong niya, "Very, very thankful ako na I still have work, and lalo na this year, I really wanna push myself more. Kasi yung last four years, hindi naman ako magaling mag-Tagalog. Pero ngayon, this year, I really want to make that ano, [my] priority.
"Sa Impostor, ang daming beses nahirapan talaga ako mag-Tagalog. Pero pinilit ng director, hindi siya nagsabi na parang, 'Mag-English ka na lang para tapusin na natin yung eksena.' Hindi niya ginawa yun, para pilitin ko na mag-Tagalog, para matuto talaga ako."
Kahit maraming nagsasabi na natatakpan ng husay niya bilang aktor ang kahinaan niya sa pananagalog, nagpupursigi pa rin si Sam
"I hope so. I feel ngayon, dahil nagta-Tagalog ako, minsan nagiging apektado yung acting ko dahil iniisip ko lang yung lines. Yung Tagalog, parang yung pagbigkas or kung tama ang sinasabi ko, parang minsan nakakalimutan ko kung anong dapat reaksiyon or emotion, di ba?
"Pero I'm hoping, you know, pag when I get over that hill of Tagalog, the challenge of the language barrier, tuluy-tuloy na yung ano, yung paggaling ng acting ko. I really wanna get well in acting, e."
After five years in the business, how would he describe Sam Milby in one word?
"Blessed!"






Nanood ako ng Idol pero walang akong makita kahit na konting chemistry nila ni Sarah. kaya di ko na tinuloy manood . hintayin bukas kung andoon na si Coco,
parang may lihim na pag-mamahal sa akin. LOL.