"It feels good. It really feels good that people are taking care of me and that they see talent in me. Because they wouldn't take care of me pag wala silang nakikita. If they are giving me a lot of attention it means na may pressure talaga. But I'll just try to prove to people na kayang-kaya ko," says Gwen Zamora.

Photo: Noel Orsal

Malaki ang pasasalamat sa GMA-7 ng bagong Kapuso actress na si Gwen Zamora dahil sa pagbibigay sa kanya ng magandang role bilang si Cinderella sa latest telefantasyang Grazilda, na mapapanood na sa GMA Telebabad simula Lunes, September 13.

"Who would not be happy to play the role of Cinderella, na very popular fairy tale character, di ba? Every child loves her, everybody loves her story. Kaya I'm very happy and thankful to GMA for giving me this role," sambit ni Gwen nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa presscon ng Grazilda kagabi, September 7, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Dahil wala ngang hindi nakakakilala kay Cinderella, mas nakakaramdam daw ng pressure si Gwen.

"Of course, there is pressure. Like I said, very popular si Cinderella. Just by playing the role, meron nang pressure, lalo pa this is my first teleserye and I'm working with some of the best actors in the industry. Pero naka-focus lang ako sa work and hindi ko na lang iniisip yung pressure."

Aminado si Gwen na na-shock siya nang malaman niyang sa kanya napunta ang role ni Cinderella pagkatapos ng auditions.

"Shock po. But shock in a good way na parang super thankful kasi all my prayers were answered. Kasi I've wanted this for so long na po, e. I've been in the Philippines for a year. I've been doing workshops and working out kasi mataba po ako noon, e," sabi ni Gwen, na galing sa Australia.

Ano ang feeling niya na siya ang susunod na igu-groom ng GMA-7 bilang "next teleserye star"?

"It feels good. It really feels good that people are taking care of me and that they see talent in me. Because they wouldn't take care of me pag wala silang nakikita. If they are giving me a lot of attention it means na may pressure talaga. But I'll just try to prove to people na kayang-kaya ko," sabi ni Gwen.

WORKING WITH GLAIZA. Gumaganap bilang isa sa wicked stepsisters ni Gwen sa Grazilda ang bidang si Glaiza de Castro as Grazilda. Kumusta namang katrabaho si Glaiza?

"It's great. Mabait siya and hindi mataray in real life, far different from her role. At saka magaling talaga siyang umarte," sagot ng newcomer.

Nakaranas na ba siya ng sampal kay Glaiza?

"Hindi pa naman. Wala pa kaming ganun eksena. Pinapahirapan pa lang niya ako, like yung may isang scene kami na kinakawawa nila ako kasi ang dami nilang inuutos. At saka nung inaaway niya ako."

Wish nga ni Gwen na maging close sila ni Glaiza habang ginagawa ang Grazilda.

"Sana maging friends kami. I can see naman na we can get along with each other," sabi niya.

THE NEW FAYE. Bukod sa kanyang Cinderella role sa Grazilda, hinaharap din ni Gwen ang malaking pressure sa pagganap naman bilang pinakabagong Faye at leading lady ni Vic Sotto sa pelikulang Agimat ni Enteng with Bong Revilla. Papalitan ni Gwen ang matagal nang gumaganap na Faye sa Enteng Kabisote movies na si Kristine Hermosa. Ang iba pang dating gumanap na Faye sa telebisyon ay sina Alice Dixson, Tweetie de Leon, at Dawn Zulueta.