"As a director, you have to be at least first on the set and last to go. Kasi you have to prepare and you have to check... A director is the captain of the ship," says Ricky Davao about being a director.

Photo: Noel Orsal

Unang directorial job ni Ricky Davao for GMA-7 ang bagong fantaserye na Grazilda, na pinagbibidahan ni Glaiza de Castro. Magkatulong sina Ricky at Dominic Zapata na magdidirek nito.

"Sa ABS, I've done a lot na, e, yung mga MMK [Maalaala Mo Kaya]. My last was MMK. Sa serye, Oka Tokat, iyon ang huli ko, tapos Munting Paraiso. Siguro mga four-five years ago na ang mga huli kong ginawa," sabi ni Ricky nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Grazilda kagabi, September 7, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Nag-concentrate muna raw siya sa acting kaya tinalikuran niya sandali ang directing.

Bakit binalikan niya ang pagdidirek?

"For a change, para mabago naman ulit yung ano...para ibang fulfilment."

Bakit sa Grazilda siya inilagay bilang direktor?

"I don't know kung bakit nila ako nilagay dito. At least, it's a fantaserye, at the same time, real drama. So, siguro dun nila ako ilalagay sa mga ano, drama. Although sa fantaserye naman, it's ano...depende sa attack.

"Like ito, pambata na adult na rin dahil may Grazilda, di ba? Tapos adult naman yung mga magiging problema ni Grazilda pagdating niya sa real world," saad ng actor-director.

THE TWIST. Ang Grazilda, na mapapanood na simula Lunes, September 13, ay kuwento ng isa sa evil stepsisters ni Cinderella, si Grazilda, at kung ano ang mangyayari sa kanya kapag isinuot niya ang glass slipper ni Cinderella.

Hindi ba mahirap na baguhin ang isang classic tale? At gawing mabait ang isang karakter na nakilalang salbahe?

"Mahirap yun dahil actually, sinasabi nga nila you don't touch a classic, di ba? But this time, siyempre, ano naman tayo, willing naman to take risks.

"At the same time, nung napag-usapan yung tungkol sa other evil stepsister ni Cinderella, maganda yung idea na, 'Ano ba nangyari sa kanya? Is she really evil? Wala bang goodness? Ang mga tao bang evil nung araw, e, wala man lang bang nananalaytay na goodness sa kanilang katawan?' So, she was given a chance.

"And it's perfect that we've got Glaiza de Castro to do it because the role of Grazilda, akala mo kontrabida, yun pala, bida. And si Glaiza, as an actress, karamihan ng mga ginagawa niya nag-e-excel siya as kontrabida, e.

"But you know, she has a very, very deep, kumbaga, machinery, if you may call it, as an actress. Na kaya niyang maging sympathetic, puwede mo siyang kainisan, puwede mo siyang mahalin, puwede mong kaawaan... And it's very seldom that you can find actors who can excel in those things—both. Merong isa hanggang nakakaawa lang, ito naman nakakainis.

"Ito [Glaiza], marami, e. Pagtatawanan mo siya, kakakainisan mo pa rin siya, kakaawaan mo siya, mamahalin mo siya," papuri ni Ricky tungkol sa pangunahing bituin ng Grazilda.