The model-turned-actress has since found a lot to love about show business. "Ngayong artista na ako, sobrang nag-e-enjoy naman ako...Hindi katulad ng ibang trabaho na dadaan ka muna sa hirap bago ka kumita, dito easy money talaga," says the Bida's Angel of Asar Talo, Lahat Panalo! 

 

Photo: Noel Orsal

Sa September 18 na mag-uumpisa ang newest game show ng GMA-7, ang Asar Talo, Lahat Panalo! Ito'y mapapanood mula Lunes hanggang Sabado, bago mag-Eat Bulaga!

 

Sa game show na ito, tampok ang model-turned-actress na si Ellen Adarna, bilang Bida's Angel ng mga kalahok.

Napaka-prangka at walang paligoy-ligoy na tinuran ni Ellen na wala siyang balak dati mag-showbiz dahil nababaduyan siya sa mga artista.

"Feeling ko baduy pag artista ka," ang pagkasabi nga niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong presscon ng Asar Talo, noong September 9, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

"Pero ngayong artista na ako, sobrang nage-enjoy naman ako. Kasi sa pag-aartista madaling kumita. Hindi katulad ng ibang trabaho na dadaan ka muna sa hirap bago ka kumita. Dito easy money talaga. 

"Actually, coincidence lang yung pag-aartista ko. Bale dinala ako ng manager ko sa GMA Artist Center para mag-VTR. 'Tapos sinabihan ako ng manager ko na natanggap ako.

"After that, pinag-workshop na ako at pagkatapos ng workshop nag-guest na ako sa mga shows ng GMA-7.

"Yun yung time na unti-unti ko na talagang nagugustuhan ang pag-aartista. Regular na nga sana ako sa Bubble Gang, kaya lang may conflict sa taping ng Asar Talo, dahil parehong Monday yung taping. Pero inaayos nila para makapag-taping din ako ng Bubble Gang."

Sa Asar Talo, si Ellen ang kakampi ng mga contestants, sampu ng mga pamilya, kaibigan at kamag-anak ng mga ito.

Kung may Kapitan Kontra na siyang magdi-distract sa kanila, siya naman daw ang Bida's Angel, "yung nagpapagaan ng loob ng mga contestants para di  maasar, along with his family, friends and relatives." 

A CRUSH  ON DENNIS TRILLO. Sa mga actors sa bakuran ng GMA-7, si Dennis Trillo daw ang "biggest crush" niya.

"Si Dennis lang talaga ang crush ko, wala nang iba pa," diin pa ng 22-year-old.

"If ever na magkakaroon ako ng makakapareha at magiging first kiss on screen, siya din ang gusto ko, kasi talaga namang guwapo siya at magaling na artista.

"Di pa ako artista siya na talaga yung artistang crush ko. Kaya nung pinasok ko na ang pag-aartista sabi ko sa sarili ko, 'Sana one day makasama ko si Dennis.'"

Wala raw siyang boyfriend sa ngayon, pero di nangangahulugang magpapaligaw na siya kay Dennis.

"Naku, hanggang crush lang. Kasi alam ko naman na playboy si Dennis. Di ba ang dami niyang girls? Kaya ayokong paligaw sa kanya, ha ha ha. Tama na yung crush ko siya, wala nang ligaw-ligawan pa."