Gary V. on rift between wife Angeli and Annabelle Rama: "From the Valenciano family, this is a closed issue."

Glen P. Sibonga
Monday, September 13, 2010 @ 04:43PM  |  84882 views

 

 

"[There's] always a time and a place to talk about certain things. Magsigawan kayo, mag-ano kayo, okay lang. Pero when it happens in public kasi, parang iba na," says Gary Valenciano (main photo) about the confrontation between his wife Angeli Pangilinan (inset, top) and Annabelle Rama (inset, bottom).

Photo By: Noel Orsal













Sa live guest appearance ni Gary Valenciano sa The Buzz kahapon, September 12, ipinagtanggol ng tanyag na singer ang asawa at manager niyang si Angeli Pangilinan sa alitan nito kay Annabelle Rama, na isa ring talent manager.

Nagpaliwanag din si Gary sa lumabas na balitang nagalit siya sa ginawang pagkumpronta ni Annabelle kay Angeli sa birthday party ni Ogie Alcasid noong August 27.

May kinalaman ito sa diumano'y unsolicited advice ni Angeli sa anak ni Annabelle na si Ruffa Gutierrez, tungkol sa pagpaparetoke raw ng mukha ng actress-TV host.

"Dun sa lumabas na balitang galit daw ako," simula ni Gary, "I think, and I will forever say this, I think yun ang reaction ng kahit sino naman, e.

"Kapag iyan ang nangyari sa mahal mo sa buhay, you will react with a certain anger na parang galit ka sa nangyari. Pero that was what I felt.

"Sa ngayon, I'm okay. My heart is fine, Angeli's heart is fine.

"Kung anuman ang naririnig pa namin tungkol sa isyung ito, you know, hindi na namin gagawing problema ito."

Gusto raw paniwalaan ni Gary ang message ni Annabelle sa Twitter account nito na ayaw na nitong pahabain ang isyu.

"I think, kanina, Tita Annabelle said na ayaw na niyang pahabain pa. And I think that's the right thing to do.

"Ang sa akin lang...siguro my final statement would be, there's always a time and a place to talk about certain things.

"Magsigawan kayo, mag-ano kayo, okay lang. Pero when it happens in public kasi, parang iba na," sabi ni Gary sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga.

Bagamat sinabi ni Annabelle sa kanyang Twitter account na ayaw na niyang pahabain ang isyu, taliwas naman ito sa sinabi niya sa kanyang interview sa Paparazzi kahapon din, Sept. 12.

Ayon kay Annabelle, hindi pa tapos ang issue sa kanila ni Angeli, dahil hindi pa ito nagso-sorry sa kanya at sa kanyang anak na si Ruffa Gutierrez.

OLD FRIENDS. Nalulungkot si Gary sa nangyari dahil may magandang pinagdaanan naman daw sina Ruffa at Angeli.

Sandali kasing hinawakan ni Angeli si Ruffa noon bilang talent, bago tuluyang si Annabelle ang nag-manage sa anak.

1  2  3  4  5  6  Next »


57 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name