Nilinaw ng young actor na si Prince Stefan ang balitang lumabas sa isang tabloid na may lover daw siyang "older woman." Ayon pa sa report, nauubos ang pera ng babaeng ito dahil kay Prince.
"Iko-korek ka 'yan, ha? Kasi, mali yung kuwento, e. Unang-una, hindi ko siya girlfriend. At saka hindi siya matanda—24 years old lang siya," paglilinaw ng 21-year-old actor.
Dagdag niya, "Best friend ko siya. May-ari siya ng isang boutique."
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Prince sa presscon ng Bantatay kagabi, September 14, sa Studio 5 ng GMA Network Center.
Bakit sila natsitsismis?
"Hindi ko alam!" bulalas niya. "Sweet lang kami kasi sobrang close kami.
"After work niya, 'pag wala akong taping, nagkikita kami sa gabi with other friends, nagko-coffee. Basta lagi kaming magkakasama.
"So, itong lumabas na isyu na ito, pinagtatawanan na lang namin. Tawa lang siya nang tawa. Bakit daw siya napasali.
"Actually, tinawagan niya ako, ibinalita niya. Nagulat ako siyempre, sabi ko, 'Ano, okay ka lang?' Sabi niya, oo. Wala siyang pakialam. Cool siya."
Isang taon na raw niyang matalik na kaibigan ang babaeng itsinitsimis sa kanya. Nakilala raw niya ito through a common friend.
MONEY ISSUE. Mariin ding pinabulaanan ni Prince ang balitang nagsara ang boutique ng kanyang kaibigan dahil sa pagbibigay ng pera sa kanya.
"Clear ko lang yun, ha? Unang-una, wala akong hinihingi. Pangalawa, never siyang nagbigay.
"Nag-close ang shop niya, kasi ayaw na niya ng trabaho [business] niya. Hindi na siya masaya. Siya ang nagpasara ng shop niya kasi hindi na niya kaya.
"Designer siya pero masyado pa siyang bata para mag-handle ng ganyang business. Pero since may kaya naman sila, nag-put up siya ng business. Graduate siya ng fashion design sa Paris.
"Before pa man na-close yung shop, kinukuwentuhan na niya kami na gusto na niyang isara, pero ayaw ng nanay at tatay niya.
"Ikinukuwento niya sa amin, 'Ano'ng gagawin ko? Kasi hindi ko na gusto, wala akong time. Hindi ko na kayang mag-manage ng ganung kalaking shop.'






Me work naman si Prince so di siguro Fair na pagbintangan syang nanghihingi sa gurl ng damit at ibang luxury items para sa kanyang luho.
Mas maigi na nga itong ginawa ni Prince, lumantad at kinorek kesa sa scandal ni Shaina M,. at JLC na nagtatago at hinayaan ang Star magic na sumagot para sa kanila.
Go Prince, Baka this time manood ako ng Bantatay kasi wala pa rin ang Imortal sa Dos hahahaha....
pagusapan nyo po ako kasi po di ako sikat!!!
at least starlet sya, meaning, kailangan nya talaga ng publicity to attract attention!
publicity as they say, be it good or bad is still publicity!
dapat, he should pursue finding his biological dad dito sa saudi!