Simula nang magdesisyon si Elmo Magalona na pasukin ang showbiz ay hindi na siya halos nababakante ng trabaho.
Sa katunayan, tatlo ang regular shows ngayon ni Elmo sa GMA-7: ang musical-variety show na Party Pilipinas, ang weekly comedy series na Kaya ng Powers, at ang bagong primetime series na Bantatay.
Seven days a week na ngang mapapanood si Elmo sa TV. Mula Lunes hanggang Biyernes sa Bantatay, tuwing Sabado sa Kaya ng Powers, at tuwing Linggo sa Party Pilipinas.
Ano ang masasabi ni Elmo sa dami ng projects niya ngayon?
"Thankful naman po ako at saka blessed.
"Kasi, pagkatapos po ng Pilyang Kerubin, na-cast naman po ako sa Bantatay. Masaya po kasi nakuha pa rin po ako dito.
"Hindi naman po ako napapagod," nakangiting sabi ni Elmo sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Bantatay last September 14.
COLLEGE ON HOLD. Dahil sa kanyang hectic schedule ay hindi muna pumasok ng kolehiyo si Elmo pagkatapos niyang mag-graduate ng high school. Nag-concentrate muna siya sa kanyang showbiz career.
"Graduate naman po ako ng high school," banggit ng 16-year-old rapper-actor.
"Yung college naman po, as soon as puwede. As soon as kaya na ng schedule. Although, as of now, mukhang hindi pa puwede.
"Marami rin naman pong sumosobra yung years nila sa college. At saka, 16 pa lang naman po ako.
"Hindi ko dapat i-rush ang college. At saka, as of now nga po, parang hindi ko pa kayang mag-college.
"Yung feeling lang ng college, parang hindi pa po. Feeling ko, may pagka-immature pa rin ako kung magka-college na ako!" natatawang pag-amin ng anak ng yumaong si Francis Magalona.
CHANGES IN ELMO'S LIFE. Ano ba ang mga nabago sa kanya simula nang mag-showbiz na siya?
"Siyempre, yung mga taong nagpa-follow sa akin ngayon. Marami nang mga humahanga sa pagra-rap.






-no need to invent, their chemistry is already there :
pls kantaserye for elmo and julie anne.
from GENERAL SANTOS CITY and proud kapuso
proof na un ano kahit sa youtube..so dapat kayo ang ibuild up ng GMA.
how about kantaserye for elmo and julie anne.
maganda un
bagay sila
kayo yung inaabangan namin parati, sana kayo na lang ang i love team, ito talagang GMA clueless sa gusto ng mga fans ni elmo.
mare, naloka ako sa Julieanne San Mateo mo. hahaha... San jose ang last name nya girl.
hehehe.. anyway, natawa lang ako kasi sa lugar namen may brgy. san jose at brgy. san mateo. la lang. haha
ang short film nila sa Party Pilipinas na red Mask, pwedeng gawing series. dami ng followers non. pati aku. hihi