Ginagampanan ni Elmo Magalona ang role ni Artie sa Bantatay, ang bagong primetime series ng GMA-7 na magsisimula na sa Lunes, September 20.
Isa siyang tagapag-alaga ng mga hayop sa pet shop na pinagtatrabahuhan ni Joanna, played by Jennica Garcia.
Karamihan daw sa mga makakatrabaho niya sa show ay first time niya pa lang makakasama kaya sabi niya ay hindi pa siya ganun kakomportable sa mga ito.
"Hindi pa po ako ganun kakomportable sa cast kasi hindi pa po kami masyadong nagkakasama.
"Ako po, hindi pa ako nagte-taping kasi sa second week pa yata lalabas ang character ko.
"Pero sigurado naman po na makakasundo ko sila kapag nakapag-bonding na rin po kami sa set," sabi ni Elmo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Bantatay noong September 14.
Nakaka-relate daw siya sa role niya sa Bantatay dahil sa totoong buhay ay nag-aalaga ang family nila ng mga aso.
"Noong buhay pa po si Papa [Francis Magalona], marami po kaming pets," banggit ni Elmo.
"Mahilig kasi siya sa dogs. Ako, mahilig din.
"Dati, ang pinakamarami naming pets sa bahay ay umabot ng pito. Puro aso po yun.
"Ngayon, tatlo na lang kasi yung iba ipinamigay po at meron ding namatay. Yung tatlong aso po ay isang Shih Tzu, isang whippet, at isang poodle."
May payo rin si Elmo sa mga taong gustong mag-alaga ng aso.
"Pag may pet po kayo, dapat i-treat n'yo siya na parang kapatid o kaibigan o anak. Kasi kailangan bigyan mo siya ng atensyon at tamang pag-aalaga.
"Kasi katulad sa tao, pag hindi mo binigyan ng atensyon, nag-iiba ang ugali. Ganun din sa aso.
"Kaya kailangan parang sa tao rin yung pag-aalaga sa mga pets."






nanunuod ako lahat ng channel noh 2 7 n 5 kaya updated ako sa mga nangyayari alam ko nangyayari kay maxene magalona kc gusto ko sya dati akala ko sisikat talaga sya katulad ni marian sa gma eh tignan mo nag sa tagal nya naungusan na sya ng mga kasabayan nya....sana sa kanya nalang binigay ang Grazilda bka sakali umangat naman career ni maxene noh!!!! ang sabe ko lang sa opinyon ko si elmo gagaya din yan sa ate nya sa umpisa panay press released pero wala rin future lalo na napapanuod ko hindi marunong umarte MALAMYA!!!! ate maxene nga nya marunong umarte wala nangyari sa career noh sya pa kaya walang dating ang acting...hekhek!!!!!!
palibhasa kasi, naunsyami ang istasyon na sinasamba mo sa pagpirata alinman sa mga Magalona......kunwari ka.. i don't think u would say the same things kung napirata sila ng istasyon mo....bwahahhaa..at pweh pa...TALUNAN..
ganun ba, opinyon mo un? kaya pala.. eh ano ngayon PAKIALAM MO kung sa tingin mo, hindi umaangat ang career ni maxene...ano problema mo. nanghihingi ba siya ng grasya mula sa u? so its also my opinion on your comments about them...curo naman wala ka nang pakialam dun...palibhasa..... pweh
eraser2010
hindi mo matanggap na nakakabakla c elmo? LOL
BAKIT, ANG IDOL mo ba na-achieved NYA ang ang mga na-achieved ni ELMO in a very short span of time? palibhasa kasi, hindi naman talaga talent ang basehan nyo sa mga iniidolo nyo di ba? kundi................ewww..pweh...
Dapat lang sa u ang pangalan mo, hindi porke't walang gaanong nagkokoment sa isang article eh walang pumapansin, nagkataon lang wala talagang masasabi ang mga pepsters dahil pinalaking me 'BREEDING' ang batang ito...bakit ikaw ang tanda tanda tanda mo na sa mundong ibabaw, me napatunayan ka na sa napili mong landas. ni minsan ba nailathala ka sa mga babasahing kagaya nito? echoserang ito! PWEH... BWAHAHAAAA..INGGITERANG BULATE/
eraser2010
September 18, 2010
08:41 AM
mas madami pa nga yan napatunayan kesa dun sa matatagal na na artista eh!!ska di naman sya nasikat dahil sa family or sa father nya pero sumikat sya dahil magaling tlga sya !!!