"Actually, matatanggap mo pa kung pupunahin nila yung mga kapintasan mo, sa mukha mo or sa pag arte mo. But not something like this. Yung ganito kababoy, ganito ka-cheap, ganito kababa, I don't think it's right kasi pagkatao mo na yung tinitira dito. Hindi na lang yung pagiging artista mo," says Shaina Magdayao about the nasty rumor concerning her and boyfriend John Lloyd Cruz.

Photo: Noel Orsal

Muling pinabulaanan ni Shaina Magdayao ang malisyosong balita tungkol sa kanila ng boyfriend na si John Loyd Cruz sa panayam niya sa radio program ni German "Kuya Germs" Moreno sa dzBB, ang Purely Gossip, kahapon, September 17.

Unang nagsalita si Shaina tungkol sa kumalat na tsismis na naospital daw sila ni John Lloyd dahil sa rare medical condition na "penis captivus," sa presscon ng kanyang afternoon series sa ABS-CBN, ang Alyna, noong September 16. (CLICK HERE to read related story.)

"Kahit magtanong pa sila sa mga hospital na pinagbibintangan nila, hindi po totoo yun," giit ni Shaina sa kanyang phone-patch interview sa radio program ni Kuya Germs.

(Ang nakakatandang kapatid ni Shaina, na si Sheila Magdayao, ay asawa ni Federico Moreno, ang adopted son ni Kuya Germs.)

"IBANG KLASE 'TO!" Nagsimula ang lahat sa isang blind item tungkol diumano sa sikat na couple na "magkapatong na isinugod sa ospital."

Hindi naglaon ay pinangalanan ang mga ito na sina Shaina at John Lloyd nga.

Kumalat na ang balitang ito sa Internet at sa mga pahayagan hanggang sa maging usap-usapan na ng maraming tao, kahit walang ka-pruweba-pruweba o anumang paper trail o ni isang malinaw na source ito.

Ano ang naisip at naramdaman ni Shaina nang tukuyin sila ni John Lloyd ng tsismis na ito? Nagalit ba siya?

"Actually, hindi nga galit ang reaksiyon ko, e.

"Kasi nalaman ko yun nung tumawag yung handler ko.

"Of course, sinabi nila sa Star Magic first bago sa akin."

Ang Star Magic ang talent management group na namamahala sa careers nina Shaina at John Lloyd. Ito rin ang official talent management arm ng ABS-CBN.

"Noong una, sinabi ko na masyado yatang nanonood ng Grey's Anatomy itong taong ito, hindi nakuha yung exact scientific term nung tawag doon," sabi ni Shaina, na ang tinutukoy ay ang hit U.S. drama series.

Dagdag niya, "Nalaman ko lang yun yung eksena nila dun sa Grey's Anatomy. Nalaman ko na lang nung sinabi nila sa akin, 'A, yun pala yung tawag dun!'