Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Vaness del Moral noong Biyernes, September 17, sa 17th floor ng GMA Network Center.
May kinalaman ang interview sa pagtatapos ngayong linggo ng Sine Novela Presents Basahang Ginto, kung saan gumaganap si Vaness bilang ang kontrabidang si Sylvia.
Si Sylvia ang nagpapahirap sa buhay nina Orang (Carla Abellana) at Danny (Geoff Eigenmann).
VILLAIN ROLES. Gusto ni Vaness na sa susunod niyang project ay kontrabida ulit siya.
"Yes! Gusto ko, gusto ko po," sambit ng StarStruck 3 alumna.
Gusto rin naman niyang maging bida kung mabibigyan ng pagkakataon. "Puwede kung bida, pero masarap magkontrabida, e," ani Vaness.
Paliwanag niya, "Kapag kontrabida kasi, maraming twists ang nagagawa sa karakter. Hindi katulad pag bida ka, ikaw yung...iiyak ka lang, api-apihan ka talaga.
"Tapos pag kontrabida ka, ikaw talaga yung mang-aapi. Kahit ano kailangan mong gawin."
TRANSFERRING TO ANOTHER NETWORK. Hiningi ng PEP ang palagay ni Vaness sa balitang ang ka-batch niya sa StarStruck Season 3 na si Arci Muñoz ay umalis na ng GMA-7 at lumipat na ng TV5.
"Kung saan siya masaya, dun siya.'Tsaka masaya naman ako sa nangyayari sa kanya ngayon, e," sagot niya.
Ngunit si Vaness mismo ay masaya raw sa Kapuso network. Kahit daw wala siyang existing contract ay hindi siya nawawalan ng projects.
Bukod sa Basahang Ginto, napanood din si Vaness sa mga sumusunod na programa ng GMA-7: Gumapang Ka Sa Lusak, Ikaw Sana, Adik Sa 'Yo, Saan Darating ang Umaga, Dyesebel, ESP, Zaido, Impostora, Muli, at iba pa.
Natapos ang kontrata ni Vaness sa GMA Artist Center noong April 2010. Pero mananatili raw siyang Kapuso.
"Pag-uusapan pa po ulit namin ni Ma'am Ida [Henares, head ng GMA Artist Center] kasi hindi pa po ako ulit pumipirma. Pero dito lang ako, hindi ako aalis," sabi niya.
Wala pa rin siyang kasunod na project kapag natapos na ang Basahang Ginto.






More kontrabida roles pa at mailelevel na ito kay grazilda.
beautiful rin at sexy.
sana wag na nila pabayaan si vaness....kung sa pgiging kontrabida pwede siya lumevel kay katrina!
i level up na si vaness! pang primetime na ang galing nya......