"Kapag nagkakasama kami, ang pinag-uusapan nila parati ay ang tungkol sa nangyayari sa police station, or ang mga nangyari sa pinuntahan nilang lugar. Kaya parang na-absorb ko po 'yon noong bata ako. Kaya feeling ko, cool ang maging isang pulis," says Louise delos Reyes about her father and brothers who are part of the police force.

Photo: Noel Orsal

Among the tween girls na nasa cast ng youth-oriented series na Reel Love Presents Tween Hearts ng GMA-7, pinakamarami nang naging exposure si Louise delos Reyes.

Louise is only 17 years old, pero more than 15 commercials na ang kanyang nagawa for major products.

Sumali at nanalo na rin siya sa ilang beauty contests, tulad ng Miss Lyceum of the Philippines University-Cavite 2010, Miss Teen Philippines International-Luzon 2007, Miss Jag Teen 2007, at Miss Teen Super Ferry 2007.

Nagbida na rin siya sa isang pelikula, ang indie film na Agaton and Mindy, kunsaan naging partner niya ang baguhang si Chase Vega.

Bago siya naging part ng cast ng Pilyang Kerubin at Tween Hearts, nakagawa na si Louise ng isang youth-oriented series sa TV5, Lip Gloss.

POLICEWOMAN. Sa dami ng naging exposure ni Louise sa showbiz, iisipin na pangarap niya talaga ang maging artista. Pero ayon sa kanya, ang una niyang ambisyon ay ang maging isang pulis.

"Opo, totoo po 'yon, maging pulis ang gusto ko!" nakangiting sabi ni Louise nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng Tween Hearts last September 20 sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Paliwanag niya, "Kasi ang father ko ay pulis, tapos yung mga kuya ko, mga pulis din sila.

"Kapag nagkakasama kami, ang pinag-uusapan nila parati ay ang tungkol sa nangyayari sa police station, or ang mga nangyari sa pinuntahan nilang lugar. Kaya parang na-absorb ko po 'yon noong bata ako. Kaya feeling ko, cool ang maging isang pulis."

Pati nga ang favorite shows ni Louise ay kakaiba rin. Kung yung ibang tweens ay paboritong panoorin ang gaya ng Gossip Girl, High School Musical, at Hannah Montana, si Louise naman ay mga crime-drama series ang mas type niyang palabas.

"Favorite ko pong panoorin ang CSI, NCIS, Cold Case, Bones... Basta yung may kinalaman sa mga crime investigation. Mas nae-excite akong panoorin ang mga 'yon kesa sa mga teen shows.

"Sabi nga ng parents ko, parang ang weird ko raw kasi ang favorite shows ko ay mga pang-matatanda na. Bakit daw hindi mga shows na pang-teenagers ang panoorin ko.

"Sabi ko, mas marami akong natututunan sa mga gusto kong panoorin. Nakaka-relate din ako sa mga kuwentuhan nila daddy at ng mga kuya ko."

Nasa second year college na nga si Louise taking up Foreign Service sa Lyceum of the Philippines sa Cavite. Pero balak daw niyang mag-iba ng kurso, tulad ng Criminology.

Pero dahil sa naging busy na siya sa kanyang showbiz career, tatapusin na lang daw niya ang kurso na sinimulan niya.