Naging emosyunal ang presscon ng Star Cinema movie na Till My Heartaches End kaninang tanghali, October 12, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.
Hindi napigilan ng male lead star ng pelikula na si Gerald Anderson na mapaluha habang nagbubuhos ng kanyang saloobin tungkol sa banta sa kanya at sa kanyang pamilya mula sa fans nila ng kaparehang si Kim Chiu, ang Kimeralds.
Ang mga bantang ito ay nagsimula nang ma-link si Gerald sa kapwa nila Kapamilya star na si Bea Alonzo.
Ayon kay Gerald, may banta ang ilang fans nila ni Kim na bubuhusan siya at si Bea ng asido. May death threat din daw siyang natatanggap at maging ang kanyang ina.
Hindi maintindihan ni Gerald kung bakit umabot sa ganitong punto ang lahat samantalang ang nais lang naman daw niya ay ang magtrabaho nang maayos.
Habang nagsasalita si Gerald ay tuloy-tuloy na ang pagbuhos ng kanyang luha. Pagkatapos niyang magsalita ay nagpaalam siya para siguro ayusin ang kanyang sarili. Pero hindi na bumalik si Gerald sa presscon.
Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na dinala ang young actor sa medic dahil sa hyperventilation dulot ng sobrang emosyon na kanyang nararamdaman.
Naiwan sa harap ng stage ng Dolphy Theater si Kim, ang direktor na si Joey Reyes, at iba pang cast members ng pelikula. Hindi na rin nila napigilan ang umiyak, lalo na si Kim.
Habang tuumutulo ang luha, nakiusap si Kim sa Kimerald fans na tigilan na nila ang pagbabanta kay Gerald, sa ina nito, at maging kay Bea dahil siya raw mismo ay nasasaktan na, lalo na para kay Gerald.
Abangan ang buong detalye ng istoryang ito mamaya dito sa PEP.






LIGHTS...CAMERA...ACTION!!!!
ayan si kim na mismo nagsabi na may kanya kanya silang buhay! wala na kayong pakielam don!
grabe tong mga kimerald na to! may sapak na talaga at effort kung effort sa mga hate mails at death threats! sana lang hindi mangyari sa inyo o sa pamilya nyo yang ginagawa nyo kay gerald. kung ayaw nyo kay gerald then dont support! wag nang pagtangkaan pa ang buhay o buhusan ng asido!
ay oo nga pala may sayad mga kimerald sa utak! para namang makikinig at maiintindihan nila mga sinabi ko!
totoysipa
oo kasuhan dapat yang mga yan ng Illegal Nondeclaration of Brain Malfunction
What a gimmick ! sobrang pa drama effect for their next movie.. galing talaga ng ABS-CBN for their tactics.
Why pressured in way Gerald to like that Kim Chui who is pretty nga but butot balat and grabeng retokado ang dibdib.
one time na may gagawin sanang movie si gerald with sarah anong sinabi ng mga kimeralds? sana mag crash ang eroplanong sasakyan ni sarah. matino pa ba ang mga yan? gusto nila si Gerald itali kay kay forever and ever. e ang problema kasi hindi matuturuan ang puso ng tao. pinagsabihan sana ni kim itong mga fans nya noon pa. pero hindi nya nagawa, so ngayong nadadamay na pati nanay ni gerald ngayon pa sya magsasalita? kinda late for that dba? pati si maam charo santos pinadalhan din nila ng death threats thru email. ganyan ang ang mga fans nya. sobrang may sayad.
nakakapangilabot na ngayon ang promo. Iyakan to the max sa presscon ng kanilang pelikulang TILL MY HEARTACHES END
Ang lungkot ng title kaya emote na rin ang mga bida.
Dapat kasuhan ang mga iyan.
Sana hindi totoo yung sinasabi na si kim ang nag-eemote sa mga fans kaya nagwala. Hindi naman pala naging magsyota ang dalawang ito, bakit nag iinarte si kim.
Poor gerald, immature ang kanyang kaloveteam.
Kim, huwag ng umiyak, ok. You know these things from the very start. Alam mo ang ginawa mo, please stop acting!!!