Samu't sari ang mga isyu ngayon tungkol sa nagbabalik na recording idol na si April Boy Regino. Isa na rito ang pagiging bigo raw niya sa U.S. kaya bumalik siya ng Pilipinas.
Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay April Boy, ikinuwento muna niya ang rason ng pagbabalik niya dito sa Pinas ilang buwan na ang nakararaan.
"Ito yung bago kong album," sabi ni April Boy, sabay pakita niya sa album kung saan kasama niya sa cover ang kanyang anak na si JC Regino.
"Nong umuwi kami rito, kinuha kami ni Boss Vic del Rosario ng Viva Records. Pinapirma kami ng three-year contract kasama ang anak kong si JC.
"Kare-release lang ng album namin ngayong October, ang April Boy And JC Regino Idols ang pamagat. Mga original songs ang nakapaloob diyan na puro compositions ng anak ko.
"Ang carrier single namin, 'Hindi Na 'Ko Iibig Pang Muli. Yung tatak na April Boy nandiyan pa rin, pero acoustic na kami, e. Bagets na ang dating."
REASON FOR HIS RETURN. Limang taon na sa U.S. si April Boy at ang pamilya niya. Noong January sila nagbalik-Pinas para magbakasyon, pero nabigyan daw siya ng raket kaya tumagal sila dito.
Kuwento ng 41-year-old singer, "Nakita kasi kami ni Willie Revillame sa Shangri-La. Kinuha niya ako para sa kampanya ni Senator Manny Villar at ng mga mayors.
"Dapat sana one month lang kami dito, pero tumagal kami ng tatlong buwan. Natiyempuhan na halalan pala kaya nag-stay kami ng tatlong buwan.
"After no'ng halalan, bumalik kami sa U.S. no'ng May. Isang buwan lang kami sa U.S., tapos pinabalik kami ni Boss Vic no'ng June para mag-recording kami ng album. Apat na buwan na kami dito. So, ngayon, pinu-promote namin ito.
"Pero ngayong November, kailangang bumalik kami sa U.S. Hindi kami puwedeng magtagal dito ng six months para sa green card. Kailangan kasi before matapos yung six months, bumalik ka sa U.S.
"Bawal magtagal ka ng over six months outside U.S. Kailangan bumalik ka," paliwanag niya.
LIFE IN THE STATES. Hindi raw mahirap ang sitwasyon nilang magpabalik-balik sa U.S. dahil limang taon na silang naninirahan doon at puwede na silang mag-apply para maging U.S. citizen.
Ang pagkakaroon ng sariling production ang siyang bread and butter daw ng pamilya ni April Boy sa Amerika. Ang sarili niyang show o concert ang ibinebenta niya sa mga Pinoy community.
Ang misis niyang si Madel ang siyang nagpapalakad ng production at siya raw ang artist nito. Ang dalawa niyang anak ang front act ng show.






Para sa akin naman, hindi naman nakakahiyang maging real estate agent - Gabby Concepcion, ahente ng ambulansiya - Michael De Mesa, at kahit pa sales agent ng upscale na kalderos. Pinagpapaguran nila ang mga iyon at saka legal naman ang mga ganoong trabaho.
Etong si April Boy ang nakakahiya dahil nakikikain lang tapos gusto pa ng libreng gamot. Yung isang pepster na taga-IRS, sige, ipa-audit mo nga itong April Boy na ito kung talagang nagsasabi ng totoo. Kapal naman kung nagpapalibre, tapos may sapat na income naman pala.
October 13, 2010
14:31 PM
pa ewww ewww pa kayo dian, porke maraming nagbabasa! aminin nyo na kase na nabili nyo lahat ng records ng April Boy...pano yan naging recording idol aber kung walang bumili nong plaka nya hahaha
-----------------------
yung Principal ko nga dati yung album nang April Boys and pinapatugtog sa office nya. Kapag may program sa school naririnig ng buong campus yung buong album side A at B. Okay naman maging bakya once in a while.
im sure naghugas ka din ng plato ... kaya wag ka mag-inarte na yang ginawa mo sa Amerika eh nanibago ka .. dahil yan namn pinangalingan mo eh!
I guess ito ang basis ng iba sa pagsasabing sa Amerika, dapat kayod kalabaw ka para mabuhay! Hindi namn ...kung gusto mong mas malayo ang marating mo, mag kayod kalabaw ka, sigurong mararating mo! Sa pilipinas, patayin mo man ang sarili mo ..wala lang mararating!
alam ko ang sinasabi ko dahil naranasan ko yan pareho.
paglabas nya nung hinagis na ang mga sombrero hahaha AS IN PAK!!! pak talaga 5 lang ang audience nya hahahaha
------
gt;gt; tawa ako ng tawa nito hahahaha totoo ba to?? hahahaha
nung binasa ko ang article ni April whew signal number 10 kaagad hahaha. Hoi Baduy, wake up. haha im jusdt wondering kung ano ka noon dito sa pilipinas, kasi sinabi mu na tao ka dun, eh ang hari tao din naman so syempre di ka hari dahil sinabi mu na tao kana dun hahahahaha hmmmm quot;IDOLquot;? please answer us hahaha
'di ko na-gets sinabi ni idol na tao ka pala hindi hari.
eh di ba tao rin naman mga hari? unless sa animal planet yung hari na tinutukoy ni idol...'
Hahaha, tawa ako ng tawa dito. Galing mo, rhis mags. Thank you sa patawa.
Ang kapal naman kasi nitong si April Boy. Pa-star pa eh sa bibig niya nanggaling na panay libre lang ang kinakain nila kapalit daw ng pa-picture? Baka naman naawa na sa iyo ang mga kapwa-Pinoy kaya binibigyan ka.
Libre gamot? Para sa low-income iyan. Walang masamang aminin kung naghihirap pero ang palabasin na ang sarap-sarap ng buhay nyo....
Hari ka nga sa Pilipinas, HARI NG KABADUYAN. At talagang dinala mo pa sa Amerika ang kabaduyan mo.
Kung wala pang ibang Pinoy na nakatira sa Amerika, maniniwala pa ako sa iyo. Magtigil ka nga!